"Joke nga lang iyon." Seryosong sabi ni Gino. Kasalukuyan kaming nakaupo sa bench katabi ng garden sa loob ng university."Ayos lang naman kung kasama mo talagang kumain iyong crush mo." Natatawa kong sabi. My feelings for him is not his responsibility. Hindi dahil gusto niya ako ay dapat niya rin akong magustuhan.
"Gusto ko lang makita ang reaksyon mo. But, I'm sorry for being insensitive. Hindi ko dapat ginawa iyon." Pinaningkitan ko siya ng mata. "Isa pa, ikaw ang gustong kong kasabay kumain." Pabiro ko siyang inirapan at nagsimula nalang din kumain.
Aware naman ako na may babaeng siyang nagugustuhan. Hindi ko rin naman siya pinipilit na magustuhan niya ako agad. Like what I've said, willing naman ako maghintay sa kaniya.
"Basta sabihan mo 'ko kapag may girlfriend kana--"
"Ikaw lang ang babae sa buhay ko, Zariyah." Nakangisi akong tumingin dito.
"Alam na alam mo talaga paano ako patigilin, 'no? Sige na nga!" Natatawa kong sagot at nagpatuloy nalang din sa pagkain.
Sigurado naman talaga ako sa nararamdaman ko pero kung sakali man na may nililigawan siya o kaya ay may girlfriend na, do'n na ako titigil. I mean, ayaw ko naman na maging dahilan ng lungkot o pag-iyak ng isang babae. I know my limit. Alam ko kung kailan titigil o magpapatuloy.
Babae ako kaya ayaw kong iparanas sa iba ang ayaw ko naman mangyari sa akin. Nakangiti ako habang nakahawak sa kamay ni Gino.
Dahil magkaklase naman kami ay sabay kaming nagtungo sa building namin. Minsan ay napapatingin sa amin ang mga dati naming kklase. Siguro ay iisipin na naman nilang nasa secret relationship lang kami ni Gino.
"Nasa first section pa rin ba ang crush mo?" Tanong ko. Agad naman siyang napatingin sa akin.
"Sinong crush?" Nagtataka niyang tanong.
"Iyong crush mo no'ng nasa grade 9 tayo? Sabi mo ay matalino kaya laging nasa first section." Agad naman siyang natawa sa sinabi ko.
"Tanda mo pa pala iyon? Wala na iyon. Wala akong crush sa ngayon." Pinaningkitan ko siya ng mata.
"Eh bakit lagi kang dumadaan dito? Mas malapit ang room natin sa kabilanh hagdan." Sumimangot ako nang bitawan niya ang kamay ko at umakbay nalang sa akin.
"Akala ko mas malapit dito, e. Simula bukas ay do'n na tayo dadaan." Nakangiti niyang sabi. Umiling nalang ako at tumingin sa daraanan namin. Nasa hallway na kami ng building kaya rinig namin ang ingay ng ilang mga estudyante.
"Krystal, hindi ba at kapatid mo iyon? Sila ba ni Mr. Salazar?" Rinig kong tanong nung babae kay ate Krys.
"Why don't you ask them? Mukha ba akong may pakealam sa kanila?" Tamad niyang sagot. Sumulyap ako kay Gino nang marinig ang mahina niyang pagtawa.
"Ang sungit talaga ng kapatid mo." Naiiling niyang sabi. "Hirap lapitan." Kumunot ang noo ko.
"Lapitan? Bakit sinubukan mo ba siyang maging kaibigan?" Muli kong tanong. Tumango lang si Gino at inalis ang pagkaka-akbay sa akin. Saktong nasa classroom na pala kami.
Maingay ang mga kaklase namin. Napangiti ako nang makita si Mary. Tamad na naman niyang pinapanood ang mga kaklase namin. Sa totoo lang ay gusto ko talaga siyang mas makilala pa pero, masyado kasi siyang tahimik. Parang walang tiwala sa mga taong nakapalibot sa kaniya.
"Good afternoon!" Bati ko sa kaniya. Walang emosyon siyang tumingin sa akin at tahimik na tumango.
"Huwag mong guluhin 'yong tao." Rinig kong bulong ni Gino. Magkatabi kasi kami ng upuan.
YOU ARE READING
He's In Love With My Sister - (Alpas Series -1)
Teen FictionZariyah Krystelle Mariano, Is In love with his dad's personal driver. She confess her feelings to him but, Giovanni Salazar's rejected her. Date Started: March 14, 2024