5

250 14 4
                                    

“Hindi nga Zoe? Professor mo talaga si Dr. Montreal?” Makulit na tanong ni Hail habang pumipirma ito sa mga documents. Dinala ang trabaho niya dito sa Coffee Shop para magkita lang kami.

“Oo nga. Ang kulit mo!” Ani ko rito habang natawa lang ito noong mapansin ang pagka-irita ko sa kaniya.

“Alam mo ba na pinagselosan 'yan ni Atty. Rev dati?” Kwento naman nito na kumuha ng interes ko. I mean, binanggit ang crush ko, syempre interesado ako.

“Huh? What do you mean?”

“Remember when we went to out of town forum?”

“Oo. Anong meron?”

“It just happened that Dr. Montreal was the guest speaker tapos magka-away si Atty. Rev at Ruelle non kasi umalis si Ruelle nang walang paalam tapos ayun pinahanap ng sa'min si Ruelle. Hindi namin nahanap syempre, nagalit si Attorney non as in. Then I overheard her speaking to Ruelle on a call. Tapos wala pang 30 minutes dumating si Ruelle sa hotel. Guess what?" Tumigil pa ito sa pagpirma bago makipag-eye contact sa'kin.

“ Kasama niya si Doc. Lahat kami don natulala kasi ang ganda niya. Si Miss Manuel pa ang sumalubong dito at sinabi na ito ang guest speaker. Mind you, sobrang close nila Ruelle non. Parang ang tagal na nilang magkakilala. When I asked Ruelle about it sabi niya doon niya lang sa park nakita si Doc. Basta ang playful niya don malayo sa sinasabi mo sa'kin.” Ani nito na may malawak ngayong ngiti. So, parang fan din siya ng babaeng 'yon.

“Four years can do something. At saka 3 years lang ang Law School. Baka doon niya naranasan ang lupit ng mundo kaya parang sugo siya ng dilim ngayon.” Ani ko rito bago uminom ng iced latte.

“Maganda naman siya. Bakit nung si Attorney ang professor mo hindi ka naman nagsalita nang ganiyan.” Pag-puna nito habang tinatapos ang pinipirmahan.

“Iba naman si Attorney. Mas mabait si Attorney no!” I banter back. Nakita ko lang ang pag iling nito.

“Mabait naman talaga pero sa klase parang hinahatulan tayo sa impyerno.” Ani nito while chuckling and sipping on her coffee.

“Asa ka naman. Alam mo namang ang lahat ng soft bone ni Attorney ay para kay Ruelle. Try mo muna maging siya.” I commented which earn giggle from her.

“Hoy, Attorney! Tapusin mo readings mo. Pero bago 'yon may chika pala ako sa'yo...” She then cleared her throat before giving that same annoying smirk back in the day in highschool.

Who would have thought that I would endure growing up with a brat like her?

But thinking about it, I will probably regret if I didn't answer her stupid inquiry.

I am 2 years older than her pero parang mas matanda pa siya minsan mag-isip. Hail grew up to be this soft and bright person kaya kahit wala naman talaga akong ganun na trait ay nahawa ako sa kaniya.

I am totally colder without her. If it weren't for her I will be just the emotionless stone that she met in the party. Pero dahil kailangan kong mag-survive. Acting all sweet and sunshine is alot handy.

I know Hail could see through me. Alam niyang I only mimic the good side of personality and showing it as if my own reflection.

I know Ruelle Constantine knew that fact too but chose to shut her mouth. Isang trait na kilala bilang ugaling Syquia. Tahimik pero mga delikado at dekalibre sa plano at atake.

I don't know how deep she knew but that person was never just a mere shit you can ignore.

“Papa is planning to expand overseas. Mama gave a warning to Papa na hindi pa muna dahil may dispute pa involving Constantine. Ayaw ni Mama maipit... Pero sabi ni Tito Achi pwede daw tumuloy ang expansion if we will backed up by someone who's as influencial as Constantine or Syquia. Iniisip nila tawagan ang Valliete or Montreal.” Bakas ang pagkabalisa nito pero seryoso ang tinig nito na may bahagyang pag-aalangan.

“I can ask Attorney Montreal for a favor. Will that help?” Ani ko rito habang nakita ko naman ang pagkagulat na rumehistro sa mukha nito.

“Akala ko ba ayaw mo kay Doc?” Tanong nito na ngayon ay may nakaka-inis na ngiti. Bwiset talaga kahit kailan.

“Ano ngayon?” Kibit balikat na ani nito.

“Gagawin mo nga for me?” Excited na ani nito at masiglang yumakap sa braso ko.

“Oo na, bitaw.” Ani ko rito. Alam naman niya na hindi talaga ako clingy at hindi fan ng physical contact.

“Ang soft soft naman n'yan.” Pang-aasar pa nito sa'kin. Inirapan ko lang ito at muling binasa ang mga cases namin.

Patay talaga ako kapag hindi ko nabasa 'to lahat.

“Shut it. Wala pa nga.” I shrugged off. While flipping through the handouts and case.

****
Same roaster na naman ulit kami nila Milan. Mabuti at okay lahat kami sa Remedial Law. At itong si Atty. Montreal lang talaga ang isang pahirap sa mga buhay namin.

Maganda talaga siya pero hindi ganung kaganda  para balikan ko ang subject niya ng isang taon pa.

Parang si Attorney Villafuente lang. Maganda siya pero ayokong bumalik sa kaniya sa same pa rin na subject.

Ayon yung sugo ng dilim ay naka-upo sa likod namin. Iniintay ang 6 pm. Kami naman hinihiling na huwag na tumapat sa 6 ang oras dahil magsisimula na naman ang paghuhukom sa'min.

Nabago ang oras ng schedule namin sa kaniya next week pa magsisimula ang effectivity. 5 pm na para daw mas sync sa schedule niya at hindi kami maiwan sa topic kung sakaling maging hectic schedule niya. Wala namang nagreklamo kasi mas pabor 'yon kasi maaga kami makaka-uwi at makakapag-aral sa ibang subjects.

“I won't do a recitation today.” She then put her things  in the table.

At alam ko na mamaya gustong mag-yes ng mga ito pero pinigilan nila.

May demonyo ba naman sa una.

“Don’t celebrate yet. I will have written exam later. Make sure you will listen to me.” She said in her usual lower register.

Yung gusto mong ma-bwiset sa kaniya pero hindi mo kaya kasi nasa lugar yung pagiging nakaka-inis niya.

She started discussing the cases. Mabilis at simple yung discussion niya. Walang pasikot-sikot. So, far mas naintindihan ko siya nung ni-explain niya na. Nung binasa ko parang ang cloudy nung utak ko nung binabasa ko siya.

After 2hrs tapos na siya mag-explain tapos ayun start na nung pa-written exam niya.

Yung exam niya 5 question lang. Dahil malinaw explanation niya ay madali akong naka-sagot pero yung iba mukhang problemado dahil mga nalito sa mga concept. Si Aury at Mary chill. Yung dalawang epal ayun mga nakakunot ang noo.

Siya daw ang bahalang mag-check. Kinuha ang written exam at nag-dismiss siya.

“Miss Gomez, follow me in my office.” Ani nito.

Ako naman ay kinilabutan. Punyeta talaga ang position na transition period assistant.

Nakaka-inis.

Yung apat gusto pa mang-asar pero pinandilatan ko ng mga mata kaya mga nagsitigil.

Mabilis akong sumunod kay Atty. Montreal.

“Miss, may you sort the papers per category then after you finish that. Have your results in my written exam recorded after I am done checking, alright?” Ani nito, mababa ang boses nito ngunit masarap pakinggan.

Mabilis akong sumunod dito. Natapos agad ako sa pag-sort at pag-lingon ko ay tapos din siya mag-check.

She is in her  laptop at maayos na naka-upo sa swivel chair.

“Get the folder in your right. Record the result of your class. I took your paper. I will be the one to record that.” Diretso lang ito sa ginagawa niya habang diretso din mag-mando.

Nakita ko ang folder na sinasabi niya at nag-record na agad.

Yung apat pasado. Aury is 1.50 perfect.  Tapos 1.75 si Mary. At 2.00 yung dalawa. The rest ay puro 3. At yung iba 5. Naka-red ballpen pa talaga. Ako naman ay kabado kasi yung apat pasado.

Akala ko pa naman makikita ko na ang score ko.

“Tapos na po.” I muttered.

“You may go,” Ani nito habang naka-tingin pa rin  sa kaniyang laptop. Wala man lang thank you.

Hays, bwiset.

Soulless of The PureWhere stories live. Discover now