Prologue

2.7K 186 119
                                    

"ISARA ang tarangkahan! Isara ang tarangkahan!"

"Merak, jana!" mas hinigpitan ko lalo ang hawak sa renda nang maramdaman ko ang pagdoble ng bilis ng aking alagang kabayo. Tinangay ng hangin ang gintong palamuti sa aking ulo kaya naladlad ang aking mahabang buhok.

Hindi ko mapigilang lumingon at nakita ang isang batalyon ng mga kawal na tumutugis sa akin, bumilis din ang kanilang mga kalesa. Natanaw ko pa kung paanong nadurog ang gintong palamuti naang masagasaan, isa pa naman 'yong mamahaling dote mula sa aking mapapangasawa pero hindi na 'yon importante pa.

Kailangan kong makatakas.

"Huwag n'yong hayaang makalabas ang prinsesa!" muli kong tinanaw ang harapan, papasara na ang tarangkahan at kapag hindi ko 'yon naabutan ay tiyak kong hinding-hindi na ako masisinagan pa ng liwanag.

"Merak!" sigaw ko nang umungol nang malakas ang aking kabayo. Mabilis kaming tumumba at nagpagulong-gulong ako sa mabatong daan nang mapagtanto ko na nahagip ng kanilang latigo ang mga paa ni Merak.

Ininda ko ang kirot at kaagad akong nakabangon upang daluhan ang kaawa-awa kong alaga.

"Mahal na prinsesa—" mabilis kong nahugot ang aking espada nang dumating ang heneral ng hukbo ng aking ama. Subalit hindi man lang siya natinag. Akala niya yata ay wala akong kapasidad makipaglaban. "Inuutusan ka ng iyong ama na sumama sa amin at bumalik sa palasyo upang ituloy ang kasal."

"Never akong sasama sa inyo!" nagkatinginan sila sa naging ekspresyon ko.

"Siyang tunay na hindi maganda ang impluwensiya sa'yo ng mga mortal, Atarah." At talagang nawala ang paggalang niya sa akin!

Wala na akong choice. Hinugot ko ang mahiwagang kwintas na binigay sa akin noon ng isang makapangyarihang babaylan.

Planado ko na ang araw na ito at kasama sa plano na kapag pumalya akong makatakas ay maaari kong gamitin ang kwintas na ito—isang kwintas na may katiting na piraso ng Mutya ng huling binukot.

"Maari mong gamitin ang kwintas na ito upang makatawid, pero ang kapalit ay hihigupin nito ang iyong kapangyarihan."

"Prinsesa Atarah—" huli na para mapigilan nila ako.

Isang liwanag ang kumislap mula sa akin at nabalot ng silaw ang buong paligid. Wala akong halos naramdaman maliban sa tila hinigop ako sa isang maliit na portal.

At sa isang kisapmata'y nagmulat ako at naramdaman...

Nakahiga ako sa damuhan at walang kahit anong kasuotan.

Nanginginig ang tuhod ko nang pilitin kong bumangon. Madilim ang buong paligid. Walang mga matatayog na gusali, walang mga lumilipad na karwahe mula sa aking pinaggalingan. Tanging liwanag ng buwan at mga kumikislap na mga bituin ang aking natanaw.

Kusang tinakpan ng mga kamay ko ang aking dibdib. Sinubukan kong kumumpas sa hangin ngunit tama nga ang babaylan, nawala ang kapangyarihan ko, pero napanatag ako kahit papaano nang makitang suot ko pa rin ang kwintas.

Hindi ko alam kung nasaan ako kaya naglakad-lakad ako sa masukal na kagubatan. Sinundan ko ang pamilyar na amoy, biglang kumulo ang tiyan ko.

Hanggang sa huminto ako sa harapan ng isang maliit na kubo, may malakas na musika ang tumutugtog mula sa isang kahon na nakasabit na sa pagkakaalam ko'y radyo ang tawag.

"Ang puso ko'y nagdurugo at parang sumisikip ang dibdib ko sa tuwing makikita ko na magkatabi kayo." Isang sumasayaw na matabang babae ang lumabas, may dala-dala siyang malaking sandok.

"Hello? Ito na ba 'yung mundo ng mga mortal?"

"Ohoo Ohoo—ahhh!" nahulog tuloy siya sa hagdan.

I guess...welcome to me!

"Hala, ate! Okay ka lang? Hindi ako bold star ha!"

Ako nga pala si Atarah, the runaway princess from the mystical city of Biringan. Tumakas ako sa araw mismo ng kasal ko upang makapunta sa kabilang mundo... upang hanapin siya.  

-xxx-


My Biringan Girl
(Romance-Fantasy)
by AnakniRizal

A princess in the mystical city of Biringan flees to the human world to stop a conglomerate's plan to construct a massive hotel that will threaten the peace of her realm. Determined, Atarah joined an architectural firm led by the notorious, Vinzon Tuazon, a prominent bachelor. Every time they clash, there seems to be a strange tension between them, will she be able to stop his plans?

 Every time they clash, there seems to be a strange tension between them, will she be able to stop his plans?

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Author's Note: 
Hello! To go back in writing again I decided to make a fresh story. Para sa mga nakabasa ng Ang Huling Binukot, na-feature ko roon ang Biringan City, and you can take this story as a spin-off :) Enjoy! Sana light lang ito at fun-fun haha. Let me know your thoughts, thanks! :D

#MyBiringanGirlWP


My Biringan GirlWhere stories live. Discover now