Pahina 29

1.6K 44 18
                                    

Raven pov.

Nasa bahay kami ngayon nina beatrice. Her mom cooked a lot of foods , parang may pa buffet sa bahay nina beatrice e.

"It's nice to see you raven , binabanggit ka lagi ni beatrice saakin."  ngumiti lang ako kay tita beau.

"Kami po tita , hindi ba naku-kwento ni beatrice?" sabat ni Jiro.

"Hindi ko kayo kinu-kwento , ulo niyo ano." saad naman ni beatrice.

"Ganiyan yan anak niyo tita , makasarili." parang batang sabi ni Aquilo.

"Kumain na nga tayo , gutom na si raven."  beatrice said.

Nagsimula na kaming kumain at nagkwentuhan , as usual si jiro at aquilo lagi ang nag-aasaran habang kaming tatlo naman nina beatrice at mama niya ay natatawa nalang sakanila.

"Mama , paborito ni Raven 'tong Chicken curry na luto mo. Nakakarami na siya ng kain ohh." beatrice said while hugging her mother's hand.

Nawala ang ngiti ko at hinarap ang pagkain ko. I realized na , wala pala akong ganon.

Wala akong mama na pwedeng yakapin kapag may magagandang bagay akong gustong sabihin. Yung tipong girl to girl talks.

Pinagpatuloy ko nalang ang pagkain kahit hirap na hirap akong lumunok.

Tila may nakabara na kung ano sa lalamunan ko. Luha ko na iyon siguro na pilit kong pinipigilan na.

Inabutan ako ni Jiro ng tubig at mukhang nababasa ang mga mata ko.  Hindi siya nagsalita at nakiki-ngiti nalang kina aquilo , pero alam kong alam niya na naiiyak na ako dahil panay ang tingin saakin.

Seven pm palang naman ng gabi , nine yung sinabi ko kay miss eh. Pupunta pa rin ako sa park na yon at hihintayin siya.

May oras pa naman kaming manood , kaya pagkatapos kumain ay namili na si Aquilo at beatrice ng panoorin namin.

"Horror maganda."suggest ni aquilo.

"Natatakot nga si Raven sa horror , isa!" saway naman ni beatrice.

"Ayyy ganon? sige ano nalang comedy." suggest naman ulit ni Aquilo.

Habang busy yung dalawa ay lumapit naman si jiro saakin at bumuntong hininga bago umupo sa tabi ko.

"Wala pa siyang respond?" tanong niya habang nakatingin sa dalawa na nagaaway sa panonoorin.

Nanatili akong tahimik at yumuko nalang habang nilalaro ang cellphone ko sa kamay ko.

"Huwag ka na malungkot , kanina sa dining table bigla ka kaagad natahimik eh." napansin nga niya yon kanina. he knows what am i feeling huh.

"Hindi naman tungkol kay miss yon eh." sagot ko sakanya.

"Eh sino?" he asked while seriously looking in tv.

"Si mama..." ramdam ko ang pagtingin niya saakin. Sumandal siya sa headboard ng sofa at humalukipkip.

"What about her?"

My Everyday Life With You (On Going)Where stories live. Discover now