Chapter 1

0 0 0
                                    

Ang buong school ay nag aabang sa pag display ng exam result sa bulletin board, noong una ay hindi ganito ang sistema, pero nang mamatay ang dating principal ay nabago ito. I-di-display sa bulletin ang exam result imbis na sa classroom. Nang sa gayun ay mag sikap ang mga estudyante na mag aral para hindi mapahiya ang grade sa bulletin board.

Nag kuyom ang mga kamao ng ilan ay ng iba nag saya.

Samantala panlulumo ang naramdaman ng buong STEM sapagkat tulad noong first semester ay under pa rin sila ng ABM sa ranking.

...

Busy ang lahat sa pararating na cultural festival na isasagawa nang mga Senior High. Part ito ng subject nila. Alam na ng ibang strand na wala silang pag asa na manalo sa STEM at ABM pero ginagawa pa rin nila ang best nila mag karoon ng high grades.

"I try mo kayang ligawan si Tamara, Ryle" Turan ni Iñigo sa kaibigan.

"ABM yun g*go" sagot naman ni Ryle.

"Tamara the who?" Ani ni Dahlia.

Nakaupo silang tatlo sa school bench sa ilalim ng puno ng Acacia sa tabi ng admin.

"Yung SSLG" Sagot ni Iñigo. Tumango na lang si Dahlia kasi hindi sya familiar. Si Mae at Ethan lang ang kilala nyang SSLG ang iba ay hindi na masyado.

"Nag aaya sina Jerome, nomi raw sa tabing dagat" Pag iiba ni Iñigo sa usapan dahil namatay ang mood nang mapag usapan ang ABM.

Paanong hindi iinit ang tension sa pagitan ng dalawang strand eh sila ang tinuturing sa superior among all strands. Idagdag pa na sa ibang school ay much superior ay STEM pero pag dating sa school na nila ay mas superior ang ABM.

Pag dating sa room nila ay nag papa class meeting ang President nila.

"Guys, i-congrats natin si Ryle, sya ang ating top 1!!" Turan ng President. Nag sipag congratulate naman ang mga kaklase nila. After nun ay isa isa nang nag announce ang President ng ranking hanggang sa.

"Overall, ng class ranks natin second, yun lang"

...

Habang nag kaklase ay may nag katok sa pinto nila. Mga SSLG.

Bihira lang makita ang babae na kasama sa room visitations ng SSLG kaya hindi maialis ni Ryle ang tingin sa kaniya

Tamara...

"Magandang araw po, andito po kami sa inyong harapan para hikayatin kayo na mag attend sa youth camp na gaganapin 2 weeks from now. Don't worry hindi kami namimilit, kahit sino pwedi sumama as long as may pera para sa pansariling gastosin" announcement ng SSLG President.

"Ibibigay ni Sec ang registration form sa inyo. Lahat ng gusto sumama sa youth camp ay mag sign up lang. Grade 12 at 10 nga po pala ang kasama natin"

Inabot na ni Tamara ang mga papel sa bawat estudyante. Nakaramdam naman ng sobrang bilis ng tibok ng puso si Ryle ng sa kaniya na lumapit si Tamara para mag abot ng papel.

...

Few weeks pass and sa wakas ay youth camp na. Hindi karamihan ang mga nakasama dahil hindi pinayagan.

Tatlong van lang ang gamit. Sa unang van ay mga teachers, sa pangalawa ay ang ilang estudyante, at sa pangatlo ay sina Ryle.

...

Nag lalakad ako papunta sa third van dahil wala ng available sa second van. Puno na ang third van pero Sabi ng driver ay sumiksik na lang ako sa may bandang likod.

Pag sakay ko ay dalawang tao ang andon. At ang mga tao na yun ay mula sa STEM. Kinakabahan ako sa kanila, dahil sa academic rivalries ay may tension barrier na sa pagitan namin.

"Excuse me po" Sabi ko bago maupo sa tabi ng lalaking naka blue polo. Hindi sya sumagot sa akin at tanging yung katabi nga lang na lalake.

"Hi Sec!" Bati nya sa akin. Ngumite lang ako sa kaniya .

Pag kaupo ko ay nag palsak ako ng headphone sa ear ko at nag open ng tablet para tingnan ang flow ng youth camp.

Makalipas ang ilang oras ay nag stop over kami sa isang souvenir shop para mag pahinga dahil mahaba haba narin ang byahe.

Napaka crowded ng lugar kaya hindi na ako bumaba. Ang mga kasama ko naman sa sasakyan ay bumaba narin, making me the only person inside the vehicle.

Kanina pa nakalam ang tiyan ko. Nag c-crave talaga ako sa cup noodles lalo na at malamig.

Dumagdag pa sa pag papatindi ng cravings ko ay ang mga sunod sunod na reels na dumadaan sa feeds ko. Puro pag kain.

I was about to sulk in the corner pero pumasok yung katabi ko sa sasakyan. Bigla ako'ng naingit dahil may dala syang cup noodles.

Nag iwas na lang ako ng tingin dahil naiingit ako.

"Here"

Napatingin agad ako sa kaniya dahil inabot nya sa akin ang dala nyang cup noodles.

Syempre sa una nahihiya ako abotin kasi nakakahiya pero dahil sa gusto ko talaga yun ay kinuha ko na.

"Thank you"

Nag nod lang sya tapos nag pasak ng ng headphone sa ear nya. After kong kainin ang cup noodles ay inilagay ko sa paper bag ang basura.

Nang lingonin ko ang katabi ko ay mahimbing syang natutulog.

He is kinda gwapo. Sakto lang ang tangos ng ilongno clean haircut at medyo oily sya, pero overall ma itsura sya.

Sayang at hindi sya ang inilaban ng STEM noong nakaraang intrams. Sayang at sa palagay ko ay mananalo sya.

Sa pag kaka alam ko ay ito ang top student ng STEM pero bakit hindi sya ang inilaban. Ang manalo kasi sa Mr. Intrams ay mula sa HUMSS.

Napatagal na pala ang pag titig ko kay Mr. Top student of STEM, napansin ko lang yun ng mag simula na mag ingay sa labas ng sasakyan. Mukhang mga lalake.

Mag papasak na sana ako ng headphone sa ear ko ng maka pag relax kaso deadbat na pala.

Nataranta ako at hindi alam ang gagawin ng mag sipag pasukan na ang mga lalake, medyo maingay sila at medyo mababastos ang pinag uusapan.

Hindi na ako mapakali sa pwesto ko hanggang sa may nag lagay sa tainga ko ng headphone.

"Wag mag panic. Makinig ka muna sa music"

Tinitigan ko sya sa mata, for the first time napatahan agad ako sa pag papanic ko. Bihira mangyari 'to kaya nagulat ako.

Cold lang syang tumitig sa mata ko. Nag tagal kami sa pag katitig ng mga ilang sigundo hanggang sa una na syang nag iwas at umidlip.

He's kind, I think I have a crush on him.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 15 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Lost In Labyrinth Where stories live. Discover now