Chapter 2

2 0 0
                                    


Zinniana POV

Kasalukuyan akong narito sa garden,sabi ni madam may sasabihin daw Siya,ano kaya Yun? ...papaalisin na kaya niya ko?

"Kumain kana ba?" Napalingon ako sa nagsalita

"Kakatapos ko lang po" Pilit na ngiti ang ibinigay ko sa kaniya at tumango naman siya

Bahagya niyang inipod ang isang upuan palapit sakin at duon naupo

"Masakit paba....yung...sugat mo?"tanong niya at sinuri pa ito

"Medyo magaling napo,Hindi gaya nung nakaraan"

"Hmm,I see"

Bakit iba ang pakiramdam ko?... Nakaka-kaba...baka magtanong siya tungkol sa nangyari

Wala akong gana mag kwento sa kaniya,naaalala ko lang lahat

"Iha"

Please...not now

"Gusto kitang tulungan" hinawakan niya ang kamay ko

"Sabihin mo lang sakin..."

N-no

"Handa akong tu-"pinutol ko ang sasabihin niya

"H-hindi pa po ako handa"

Napabuntong hininga nalang siya at parang binabasa ang mata ko

"Naiintindihan kita...mahirap ang dinanas mo sa kamay nila"

Yun lang,Yun lang ang alam niya...kung paano ako naghirap sa kamay ng pamilya ko

Masakit para sakin ang pagpapahirap nila...Araw araw

"Salamat po"

"Wala naman ako sa tamang posisyon para pangunahan ka...pero..."

"Paano kung hanapin ka nila"

Napailing nalang ako habang nag iisip

Hindi pede... hahanapin nila ako...AYOKO

Sigurado akong ipinapahanap na nila ako ngayon,paano kung matunton nila kung nasan ako at pahirapan ako gaya dati?...h-hindi pede ...kailangan kong lumayo

"Nakikiusap po ako...wag niyong ipapaalam sa kanila na narito ako"

Hinawi niya ang ilang hibla ng buhok na natatakpan ang aking mukha

Akma niyang ibubuka ang bibig ng biglang may mag doorbell

napatingin ako sa isang maid na naglalakad palapit

"Madame,may naghahanap po sa inyo"
Magalang na saad nung maid

Bigla akong kinabahan

"Sino raw sila" tanong niya na Hindi manlang nakaharap sa babae

"Hindi po sinabi pero...urgent daw po"

"Sige...makakaalis kana"

nag bow naman ito at agad umalis

"Pumasok ka sa kwarto,huwag na huwag kang lalabas"

Agad kong kinuha ang crutches at dahan dahang tumayo

Hindi ko kayang ihakbang ang isa kong paa kaya kailangan ko talaga ng crutches

Lumapit naman ang isang maid at umalalay sa paglalakad ko

Nakarating naman kami agad sa kwarto at
Naiwan ako mag isa

Sana Hindi sila...wag naman sana

Gusto kong lumabas para sumilip sa bisita pero baka makita nila ako.

Nilibot ko ang paningin sa kwarto para malibang...natatakot ako

Ng biglang bumukas ang pinto at pumasok si madame

Takot at pangamba ang nababasa ko sa expression niya,pinagpapawisan rin siya kahit hindi naman mainit...anong nangyari?

Lumapit siya at hinawakan ako sa magkabilang kamay

"Ano pong problema?"Hindi kona napigilan ang Hindi magtanong

"Gusto mong makalayo sa kanila, right?"nakangiting usal niya habang matiim akong tiningnan

Tumango ako

"Kung ganon  sumama ka sakin sa Batangas,ilalayo kita sa kanila"hindi na niya ako pinagsalita at agad na nag-empake

Ngayon na ba agad?

Hindi kona nagawang magtanong mula kanina ng umalis kami ng bahay...ang daming tanong ang naglalaro sa isip ko,una kung sino yung bisita,pangalawa bakit biglaan yung pag-alis namin,at pangatlo bakit hindi man lang kami nagpaalam kay gubie?anak niya yun baka hanapin siya

Hayst, sabagay sa panahon ngayon madali nalang ang lahat basta may pera

Sa tingin ko mga tatlong Oras at kalahati kaming bumyahe at sa wakas ay nakarating narin kami

Inalalayan niya akong bumaba ng sasakyan at ang driver naman ang nagpasok ng gamit sa loob,pero bakit iisa lang ang maleta?

"Let's go"saad niya at iginiya ako papasok sa  apartment?

Ng makapasok kami ay maaliwalas ang loob ng apartment,may mga gamit narin kasya dito ang dalawang tao

"Maupo ka muna" aya niya na ginawa ko naman

"Maganda ba?" Tiningnan niya ang kabuuan nito at bumalik sa akin

"Dito po ba tayo pansamantala tutuloy?"tanong ko

"Yeah,but only you"taka ko siyang tiningnan

"P-po?"

"Kinuha ko ito para sayo,kung sasama ako maaari ka nilang mahanap,besides maaari mong gawin ang lahat ng gusto mo...don't worry bibisitahin kita paminsan minsan"

Kaya pala iisa lang ang maleta

"S-salamat po" nahihiya kong sabi,naka dagdag pa ako sa isipin niya

"Ipinaayos ko na ang mga gamit mo, kailangan ko na rin kasi mauna"tumingin pa Muna siya sa relo at ngumiti sakin

Lumapit Siya at niyakap niya ako

Niyakap ko siya pabalik at hinagod niya ang likod ko para sabihin na mag iingat ako

"Take good care hmm"

Akmang aalis na siya ng bigla sigurong may naalala at pumihit pabalik sakin

"Bibisitahin ka ng nurse mo kada dalawang linggo"

Agad siyang umalis kaya napasandal nalang ako sa sofa

So I'm leaving alone,much better than before

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 29 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Stay with meWhere stories live. Discover now