Final Chapter

2K 80 7
                                    

-UNEDITED-

Nagising ako dahil sa mahinang yugyog.

"Yes baby?" Tanong ko kay Andrie.

May tinuro ito sa baba.

"Why?"

"Si Mommy, masakit daw po ang tiyan niya." Bulol na salita nito.

"Hah? Hala!"

Lumabas ako ng kwarto at dali-dali akong tumakbo pababa ng hagdan. Hinanap ko si Rihan hanggang sa natagpuan ko ito sa kusina.

Nakahawak ito sa sink habang sapo sapo ang tiyan.

"Wife." Isang malakas na hampas naman ang natanggap ko mula rito.

Grabe, buntis na nga sadista parin.

"Bwisit ka! kanina pa ako tawag ng tawag sayo!" Galit na bungad nito sakin.

"Sorry nakatulog lang."

Masama ako nitong tiningnan.

"Anong tinatayo tayo mo diyan? Jusko naman Adriel manganganak na ako."

"Anong gagawin ko?" Natatarantang tanong ko sa kanya.

Huminga ito ng malalim at humawak sa kamay ko.

"Take me to the hospital idiot!"

Ay oo nga pala.

Kinarga ko ito at dahan dahang pinasok sa loob ng sasakyan.

"Son, bilis!" Sigaw ko kay Andrie na ngayon ay tumatakbo papalapit samin.

"Montenegro wala na bang ibibilis pa?" Nahihirapang saad nito.

"Wife kalma malapit na tayo."

"Kanina pa kasi yang malapit mo."

"Ito na nga oh."

Mabilis akong bumaba at umikot saka ito pinag buksan ng pinto. Kinarga ko ulit ito papasok ng hospital habang si Andrie ay nakasunod lang samin.

Mabilis naman kaming inasikaso ng doctor hanggang pinasok nila ang asawa ko sa isang kwarto.

"Ma'am hanggang dito nalang po tayo." Sabi ng isang nurse sakin.

"Pero po kailangan po ako ng asawa ko."

Umiiling-iling ito bago sinara ang pintoan.

"Mama? Okay lang po ba si Mommy?" Inosenting tanong ni Andrie.

"Yes baby, later kukunin ka ni lola okay?"

"Why? I want to be here." Pumapadyak padyak pa ito sa harapan ko.

"Bawal ang bata dito baby."

"Drie?" Sabay kaming napalingon ni Andrie sa tumawag sakin.

It was Elle, kasama nito sila Eya at Ava.

"Where is she?" Tinuro ko ang nakasaradong pinto.

Tumango tango ito sakin.

"Namumutla ka, relax everything will be fine." She tapped my shoulder at pumasok na sa loob.

Para naman akong tangang palakad lakad sa harapan ng mga kaibigan ko.

"Drie baka gusto mong umupo." Wika ni Asher na bagong dating lang.

"Kinakabahan kasi ako."

Tinawanan lang naman ako ng mga loko.

"Ganyan talaga pag first time." Saad ni Grey. "Don't worry mawawala din yang kaba mo. Wagkang tumulad dito kay France nauna pang nawalan ng malay kesa sa asawa hahahahah." Nag apir pa sila ni Asher.

My Ex Sister in-law (Intersex)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon