𝐓𝐖𝐄𝐍𝐓𝐘 𝐒𝐄𝐕𝐄𝐍

1.6K 55 8
                                    

𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝐓𝐖𝐄𝐍𝐓𝐘 𝐒𝐄𝐕𝐄𝐍
❛ ━━━━━━・≛・━━━━━━ ❜

3 years later...

“You ready?” napalingon ako nang marinig ang tinig ni Kuya Yvo. Bumungad sa akin ang gwapo niyang mukha. Wala na siyang suot na half mask, dahil pina-opera na niya ang kanyang mukha. Hindi man siya madalas ngumiti pero sobrang gwapo pa rin niya, ang poker face nga rin niya ang dahilan kung bakit laging may babaeng naghahabol sa kanya at sinasabing mga buntis ito at siya ang ama.

Gumalaw ang maliit na bata sa dibdib niya. Marahan naman niya iyong tinap para makatulog ito. Gumalaw rin ang karga kong bata kaya tinap ko rin iyon para makatulog pa pero tuluyan na talaga siyang nagising, pumungas-pungas at nang makita ako ay malawak itong ngumiti at muling isinunsob ang mukha sa dibdib ko. “Eres tan hermosa, mamá,” sambit niya gamit ang spanish. Hindi ko tuloy mapigilang dampian siya ng halik sa pisngi.

“Tu tambien eres hermosa, bebe,” nakangiting sabi ko bago ko lingunin si Kuya Yvo. “Ikaw po ba ready na?” balik na tanong ko sa kanya.

“Chavah, will surely kill me for hiding you from her,” saad niya. Makikitaan ng pagkaaliw ang mga mata niya habang sinasabi iyon imbes na makaramdam ng takot. “Halos, halughugin na nun ang buong mundo mahanap ka lang.”

Napanguso ako. 3 years ago may gustong pumatay sa akin, binangga ang kotse ko at pinaulanan ako ng bala, natamaan ako sa dibdib, nagkataong ang nabangga kong kotse ay kotse ni Kuya Yvo, he helped me. Binaril niya ang mga taong gustong pumatay sa akin, namatay silang lahat at dinala ako ni Kuya Yvo sa hospital. Pero nagkaroon din pala siya ng tama kaya na hospital din siya pareho kaming na admit. Nang pareho kaming nagising ay nakiusap ako sa kanyang huwag sabihin sa parents ko ang nangyari kahit kay Chavah. Mabilis nakarecover si Kuya Yvo, samantalang ako ay kailangan pang magtagal sa hospital dahil naging kumplekado bigla ang pagbubuntis ko. Yes, buntis ako nang mga panahong iyon. Hindi ko nga alam kung ano ang mararamdaman ko, dahil pinaghalong saya at lungkot ang naramdaman ko nang panahong iyon. Masaya dahil magkakaanak na ulit ako pero malungkot dahil mag-isa ko na naman siyang itataguyod. At bukod pa doon, dahil sa trauma at shocked dahil sa nangyari ay na paralyzed ang paa ko, hindi ko maigalaw. Kaya mas ginusto kong huwag ng ipaalam sa pamilya ko ang nangyari sa akin pati na rin kay Chavah. Para na rin maiwas sa kapahamakan ang pamilya ko.

At dahil sa connection ni Kuya Yvo ay hindi ako nahanap ni Chavah. 3 months later lumipad kami pa spain, gamit ang ibang identity. Anim na buwan akong hindi nakapaglakad pero sa tulong ng mga doctor at ni Kuya Yvo ay gumaling ang mga paa ko at muling nakapaglakad.

“Kuya... paano kung galit siya sa akin?” na hindi impossible dahil pinagtaguan ko siya.

“Let us see... siya ang susundo sa atin. Nalaman niya ang pagbabalik ko ng pilipinas ang hindi niya alam ay kasama kita.” saad niya.

Nakagat ko ang aking pang-ibabang labi. Kailangan kong ihanda ang sarili ko sa galit ni Chavah at galit ng parents ko. Pati na ang paghaharap namin ni Alpha. Is he mad at me? Sigurado, dahil iniwan ko siya ng ilang taon. Pero ginawa ko lang naman iyon para hindi siya madamay. May gustong pumatay sa akin noon kaya mas minabuti kong lumayo para hindi sila mapahamak. Because, nalaman ni Kuya Yvo na ako talaga ang sadyang patayin ng araw na iyon, sinabi ko sa kanya noon na baka napagkamalan lang ako pero may nakita siyang folder sa loob ng sasakyan ng mga bumaril sa akin at andoon ang pangalan ko at picture ko. Ako talaga ang balak patayin ng mga hayop na iyon.

“Kendra, nalaman ni Chavah two years ago kung sino ang gustong pumatay sa 'yo,” dagdag niya na nagpaawang sa bibig ko. “I told her everything, nalaman nila ang tangkang pagpatay sa 'yo, ang hindi lang niya alam ay kung saan kita itinago.”

𝐒𝐖𝐄𝐄𝐓𝐄𝐒𝐓 𝐌𝐈𝐒𝐓𝐀𝐊𝐄  (𝐓𝐖𝐎) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon