x10: First Yes

74.7K 911 41
                                    

x10: First Yes

[RACHELLYN's PoV]

The next day after ko magkasakit, nakapasok na ko ng school. Tuwang-tuwa lang naman si Adrian sa pagbabalik ko. Not only that, dumoble pa ang pag-aasikasong ginagawa nya sakin.

Kung dati, dito na kami sa room magkikita pag pasukan. Ngayong umaga naman, inabangan nya ko sa binababaan ko ng jeep(na binababaan nya rin kaso magkaiba kami ng time kasi mas maaga ako pumapasok sakanya). Nagpumilit din sya na buhatin ang paperbag na lagi kong dala. Ayaw ko nga sana eh kasi nakakahiya yun at parang abuso na ko, pero ang pasaway talaga ni Adrian eh kaya di na ko nakaangal. >//3//

Nahihiya talaga ko, lalo na't alam na ng buong klase namin na nililigawan nya ko. Madalas na nga nila kami tuksuhin eh.

Pero kaysa hiya, mas natutuwa ko. Syempre, sino bang babae ang hindi matutuwa kung ganito ka alagaan ng manliligaw mo? Ah, hindi na nga pala basta MANLILIGAW LANG. Ang lalaki kasi na toh, MAHAL KO NA.

"Wooh. Natapos din dito." bulong ni Adrian nang matapos syang magsulat ng Chemistry notes sa isang intermediate pad paper. "Next..Geometry.."

Nagsulat ulit sya, Geometry notes naman sa isang panibagong papel. Habang ako, pinapanood lang sya. Actually, may klase kami ngayon. Filipino ang subject at may nagrereport about Noli. Pero obvious naman, hindi kami nakikinig.

Nakakapagtaka. Ang tamad-tamad magsulat ng notes ni Adrian eh tapos ngayon, todo sulat sya? Ay, oo nga pala. Sa Thursday at Friday na ang periodical test namin.

Patuloy lang sa pagrereport sa harap yung dalawa naming kaklase. Patuloy lang din sa pagsusulat si Adrian at patuloy ko lang syang pinapanood.

Nakatitig ako sa mukha nya-- particularly sa mga mata nya.

Adrian.. Gusto na kitang sagutin.. Pero paano?

Paano nga ba sumagot ng isang manliligaw? Parang ang weird naman kung out of the blue, sasabihin ko na lang na sinasagot ko na sya. Pero siguro..pag sabihan nya ko ulit ng 'I love you', dun..sasagutin ko na sya..

Sana mamaya pagkahatid nya sakin pauwi, sabihin nya ulit yun..

Napangiti ako. Excited ako na kinakabahan. Ano kayang irereact ni Adrian pag sinagot ko na sya? Ano na kayang mangyayari samin pag maging kami na?

"Maghanda na ang huling mag-uulat bukas ah?" paalala ni Miss Filipino Teacher samin. "Sige, paalam na class."

Sa wakas, natapos na ang Filipino class namin! LUNCHBREAK NA!

Pagkaalis ng teacher namin, lumapit si Millie samin ni Adrian.

"Oy Adrian! Yung mga notebook ko?!" malakas nyang tanong. Na kay Adrian kasi ngayon ang karamihan sa notebook nya. Yun ang pinagkokopyahan ni Adrian ng notes eh.

"Chem, Filipino at A.P. pa lang natatapos ko. Ito oh." inabot ni Adrian ang tatlong notebooks kay Millie. "Mamaya na yung iba."

"Eh yung Math! Yun na next subject natin kaya kailangan ko na yun!"

"Oo bibigay ko rin toh maya-maya."

"Sabi mo yan ah! Tss. Uy Chelly! CR pala tayo!" yaya naman ni Millie sakin.

"Sige." tumayo ako at lumapit sakanya. "Adrian? Ikaw? Di ka ba bababa?"

Nagtatakang tumingin si Adrian sakin. "Huh? Bakit naman?"

"Lunchbreak na. Di ka ba bibili ng pagkain mo?"

"LUNCHBREAK NA?" nanlaki ang mga mata nya sabay tingin sa relos nya.

"Hala? Wala lang sa sarili, Adrian?" pang-aasar ni Millie. "Eh bakit ka nga ba sulat nang sulat ng notes ngayon? As if naman irereview mo yan eh noh? Nag-aaksya ka lang ng tinta ng ballpen at papel."

Playboy's GirlWhere stories live. Discover now