Chapter 77

272K 4.6K 2K
                                    

-School festival day-

Diz iz the day.

School fest: Public vs private.

Sobrang hirap at pagod ang naranasan ng schoolmates ko pero nagawa namin.

Nandito na kami sa park para maghanda sa school fest na,in mamaya.

Ang daming booths samin- may maid cafe, manghuhula, horror house at kung anu ano pa.

Ibat ibang high school at elementary students ang pupunta at sa kanila ibabase kung sino ang mananalo.

Kaya namin to!

Kaya naming talunin ang pacific academy!!

At dumating na ang kalaban sa kabilang side ng park, naghahanda na rin.

Tapos narinig ko na ang bulungan.

"Ayun na ang pacific academy oh"

"Ang gwapo nung isa!"

"Muka silang mayayabang"

"Tingnan mo un oh, ang arte"

Narinig ko rin ang bulungan sa kabila.

"Naku ang pangit naman ng booths nila. Ang cheap"

"public eh, ano ineexpect mo?"

"Tol, ganda nung isa oh"

"Mga mukang warfreaks sila"

Matagal ng magkalaban ang PA at BNHS kaya sanay na ko sa bangayan na to.

Pero di naman totoo yan lahat.

"Grabe ang mga taga pacific academy, kala mo kung sino sila" sabi ni Haifa.

"Di naman, di mo lang sila kilala" sabi ko.

"Naku, parang ayoko sila makilala. Tara na! Magayos na tayo" sabi niya.

Inayos na namin ung mga booths habang nagaayos rin ung kabila.

Tapos nakita ko si mr. Putik.

Matagal tagal rin kami di nagusap, three weeks.

Minsan nga tiningnan ko ung phone ko at facebook, baka nagmessage siya.

Kaso wala, tigas ng muka mo talaga mr. Putik ah.

Silent treatment ang peg?

Pwes, tingnan natin kung magsasilent treatment ka pa rin after mo ko makita mamaya.

Tapos tumingin siya sakin.

Poker face ako.

Poker face rin siya.

Tapos bumalik siya sa pagaayos.

Leche talaga-___-

Talagang iniignore niya talaga ako.

Di bale, may cornetto naman ako dito, kakain na lang muna ako, tagal ko rin tiniis ung himdi pagkain ng matatamis for three weeks.

"Ayy!!" may narinig akong sigaw tapos tiningnan ko kung sino un.

"Oh my God!! Sinira mo ung booth namin!" sabi nung isang babaeng taga pacific academy.

Teka. . .

Kilala ko ung babaeng yan ah.

Si MPF!!

MPF: mr. Putik fan

"Sorry, tumama ung bola sa booth nyo" sabi nung taga school namin.

Public vs. PrivateWhere stories live. Discover now