Time Stop 4

10.8K 487 147
                                    

Dedicating this Chappy to our Sexy Paparazzi Admin @EmilyCalixto HAPPY HAPPY BIRTHDAY DYOSA! Enjoy your birthday and thank you so much for everything. Huwag nang isa-isahin at baka iyon lang mailagay ko dito sa chapter na ito hahah! I love you so much at alam mo iyan. Miss na kitang kurutin. Take care and God bless. Mwahhh!

PS. Bawal pong sumimangot ngayon. Good vibes lang dapat. hehhe. Enjoy!



"How are you, Cam?" she took the shopping bags from her mother before she kissed her.

"Okay naman po. Oh my!" napatili siya nang makita ang mga kapatid. "How are you kiddos?" Pinaghahalikan niya ang mga kapatid. Sina Terrence, Clarence at Treb. Nag-iisa lang siyang babaeng anak ng parents niya.

"Ate Cam, when are you going to come back?" tanong ni Clarence sa kanya. Magkasing edad ito at si Terrence. "We missed you so much!"

Muli niya itong hinalikan sa pisngi. "Ate is still studying, Kuya Rence. But I hope I can visit you on vacation."

Tumingin siya sa ina. "Are you going to visit the graves?" tumango si Cassandra.

"It's been a while since we came here altogether. Ipinilit ko nga lang sa Daddy mo na dumalaw sa libingan ni Gwen. Alam mo naman kung bakit ayaw na ng Daddy mo," tumango siya sa sinabi ng ina.

"So where is he?" sumulyap pa siya sa may pintuan at baka sakaling naroroon ang ama.

"Nasa hotel. May kakausapin lang daw at pupunta din agad dito. We're going to sleep in here," iniabot sa kanya ng mommy niya si Treb na dalawang taon na. Kaidaran nito ang kambal niya, lamang ay ilang buwan na sina Maron at Lexus ng ipanganak ang bunso niyang kapatid. Strange, mas matanda pa ang mga pamangkin kaysa sa tito nila.

Niyakap niya ng mahigpit ang bunsong kapatid. A tear stung on her eyes while hugging the child. Parang ang kambal niya ang yakap niya ng mga oras na iyon. Seeing Louise with the kids made her feel so jealous. But she knows, she doesn't have the rights. It is her who left them, who selfishly left the kids because of her more selfish reasons. So she got no one to blame but herself.

"Ate, Clarence already has a crush in the school," sumbong ni Trace sa akin.

"Oh really?" natatawang itinaas niya ang kilay.

"Hindi po kaya!" sinimangutan nito ang kapatid. "Ikaw kaya iyon!"

"Hindi ha!" nanlalaki naman ang mata ni Trace. "Ang aarte ng mga girls sa school kaya ayaw ko sa kanila."

"But I know who is your crush!" ngumisi ito at tumabi kay Cameron. "Do you want to know Ate? Bulong ko po sa inyo."

"I know whom you're referring to. Si Uree, di ba? Eh crush mo din kaya iyon kaso ayaw niya sa atin, di ba kaya basted na tayo," sabi ni Trace at hindi na napigilan ni Cameron na tumawa ng malakas.

"Oh my God, Mom! You got to hear this from your boys! Alam na ang crush at basted! And they are just six years old!" natatawang inabot niya ang dalawa at pinaghahalikan habang itinutulak naman ni Treb ang mga kuya palayo sa kanila dahil naiipit siya ng mga ito.

"Away! Away!" sabi nito.

"Kayo ha, ang babata nyo pa. Wala munang crush, do you understand?" saway niya sa mga kapatid na nagsitanguan naman.

"Ate, kailan po uuwi sina Kambal?" inosenteng tanong ni Trace. "Miss ko na po sila, eh."

Napalingon siya sa ina na nasa kusina at nakita niyang tumingin ito sa kanila. Ang totoo ay hindi niya alam ang isasagot sa tanong nito. Hindi nga niya alam kung gaano na katagal ang mga ito dito sa States eh.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 04 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Somewhere Between TimeWhere stories live. Discover now