Chapter 31.1

5 0 0
                                    


[ ALYANNA MONTERO's SIDE ]

"ok, tapos na po tayo.. bali kelangan niyo nalang po bumalik sakin next week para sa follow up check ups ok ?"
"opo doc..."
"nurse, paki assist nalang siya..."

Pag labas ng pasyente ko, tinignan ko ang oras...

7:35 pm

Gabi na pala..

"doc ! pwede na po kayo mag pahinga.. :)"
"ganun ba .. sige"

Tumayo ako at hinubad ang white coat ko nang biglang nag ring ung phone ko

"hello ?"
(yanna ?)
"oh luke.. bakit napatawag ka ?"
(are you busy ?)
"not really... pa out na din ako eh, bakit ?"
(I need your help...)

==============================

After ng phone call ko kay luke dali dali akong pumunta sa isang bar somewhere sa Makati...

Hindi ko alam kung bakit kelangan ko pumunta dun pero sabi niya emergency daw eh...

Pagka dating ko sa bar nakita ko si luke sa may parking lot..

"luke !"
"yanna..."
"ano bang nangyari at pinapunta mo ako dito ? aba ! siguraduhin mo lang na may silbi ang pagpunta ko dito ah ?!"
"ofcourse..."

Pumasok na kami sa loob ng bar..

Maingay, magulo, lasing na halos ang ibang tao, madaming sumasayaw..

Ayoko talaga sa mga ganitong lugar =__=


"there he is..."

Napatigin ako sa tinurong direksyon ni luke..

And I saw Zedrick, naka upo sa isang couch... well he is not alone

May mga kasama siyang 3 babae sa couch.. at isang scene ang hindi ko inaasahang Makita..

Umupo yung isang babae sa lap ni zedrick at hinalikan siya

Yuck =__=

Tinignan ko si Luke


"at bakit hindi mo pa siya inalis sa bar na to ?!!"


Halos pasigaw kong sabi dahil na din sa ingay ng lugar na to


"I tried, but he resist eh ! nag pupumiglas... humingi na ako ng tulong kay Jenzel pero he can't come.. ayoko namang tawagan si Samantha kasi baka pasabugin niya tong lugar eh alam mo naman yun... kaya I called you..."


Napa buntong hininga nalang ako..

Sa totoo lang matagal ko nang naririnig to from ate ella, yung secretary ni zedrick..

Halos ilang araw na daw na hindi matino mag trabaho si zedrick... hindi na daw siya sumisipot sa meetings niya at every night palagi siyang nasa bar..

And I know his reasons kung bakit siya nag kaka ganiyan...

At nakakapikon ang mga pinag gagagawa niya..

Nag lakad ako papunta sa pwesto nila sumunod naman si Luke

Pag dating ko


"excuse me...."


Huminto sa sila zedrick sa kababuyan nilang ginagawa...

Tumingin sakin si zedrick.. walang reaction, parang hindi niya ako kilala at yan ang mas ikina pipikon ko..


"uuwi na tayo zedrick..."


Akmang hihilahin ko na sana si Zedrick nang biglang may tumabing sa kamay ko

Failed To Love You ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon