Siopao

305 1 0
                                    

Paborito ko ang siopao, mapa-asado man o bola-bola. Wala akong pinipili basta siopao. Kahit nga monggo flavor pa e.

Pero hindi lang pala pagkain ang siopao. Thanks sa isang taong nakasalamuha ko, napatunayan ko yun.

Dahil ang siopao minsan pagkain. Madalas tao! Pero wag kang mag-alala, hindi ka nag-iisa. Siguro marami-rami na rin kayo. Haynako, mundo talaga.

Ngayon pala ang siopao ay isa na ring classification ng tao. Tapos wag ka! Meron pang sub-classification yun.

Mamili ka ano bang gusto mong unahin ko?

De wag na ako na nga lang mamimili.

Ready ka na ba? Hindi pa? Wala akong pake! Game.

1. PA(ASADO)
Ansarap neto. Ansarap sapakin! Mga paasang minsan mga mukhang paa. Pero wait there's more, pwedeng maging chicken, pwede rin namang pork.

Ano bang gusto mo? Yung chicken? Yung taong parang manok. Haynako kelangan ko pa bang iexplain 'to? Sige na nga, para marealize mo. Yung mga chicken pa(asado), sila yung mga paasang puro dada pero pag gagawin na hindi naman magawa. Kadalasan nga naduduwag pa e. Sila yung mga taong malakas lang pag hindi mo kaharap pero pag kaharap mo na ayun, natakbo na palayo. Pero wag kang mag-alala, okay naman 'to kung ang hanap mo ay flings lang. Safe naman 'to. Nang konti. Kase nga takot sa mga responsibilidad at kung anu-ano pang mga mabibigat na bagay, madalas na hindi mahilig pumasok sa gulo. Pero madalas ding napapasubo bunga ng kadaldalan.

Lipat naman tayo sa pork pa(asado). Well, paasa pa rin 'to. Obvious naman diba? Ang pinagkaiba nya sa chicken? Halos wala naman. Gusto ko lang ipagdiinan na minsan yung ibang mga paasa, asal baboy. Madumi ang bunganga. Madumi ang ugali. Madumi rin ang katawan yes, literal. Mga paasang ibigay mo sakin ang iyong sarili at ika'y aking paliligayahin. Yung mga paasang mahilig maglaro sa putikan. Unlike sa chicken, mas gusto ng mga pork pa(asado) ang dirty works. Baboy na baboy ang ganapan.

Maalin man sa dalawa, kung ikaw yung klase ng tao na mahilig lang sa landian at walang seryosohan, dito ka friend. Tapos habambuhay na lang kayong maglokohan!

2. MAMBO(BOLA-BOLA)
Obvious na diba? Di ko na ieexplain masyado. Sila yung taong bibilug-bilugin ang isip mo hanggang sa magustuhan mo sya. Mababait naman ang gantong klaseng tao, syempre kukunin nya nga loob mo diba? Pero wag kang kampante ha? Dahil nga mahilig syang mangolekta ng damdamin ng iba at dahil nga charmer sya na para bang nagtake-up ng Masteral sa Arts and Letters sa sobrang bulalak ng dila, hindi ka nag-iisa. Marami kayo, okay? Ikaw na bahalang umalam kung ilan kayo. Kung ikaw yung taong mahilig sa basketball, volleyball or kung ano pang sport na ginagamitan ng bola, sige push ka sa mga mambo(bola-bola). Pero kung ako tatanungin mo, ibato mo na lang yung bola sa mukha nya.

3. (MONGGO)LOID
Alam mo ba yung mongy? Hindi? Edi wow. (Monggo)loid, mga klase ng taong kasing liit ng monggo ang utak. Mga manhid! Kung hindi mo pa pakuluan hindi lalambot. Kung hindi mo pa saktan hindi nya marerealize na mahalaga ka sa kanya. Tsk. Offensive. Yes, katulad ng tawag sa kanila medyo offensive din ang ugali nila dahil nga maliit ang scope ng pag-iisip nila. Hindi nila mabilis narealize na nakakasakit na sila. Hindi nila mabilis maisip kung ano bang dapat gawin sa isang sitwasyon. Kung nagtapos ka ng Caregiving or Nursing, compatible ka sa mga gantong uri ng tao. Alagaan mong mabuti ha?

4. PAM(PUMPKIN)
Pam(pumpkin), mga pampam na masarap sapakin. Sila yung mga klase ng taong gustong gusto ng atensyon ng maraming tao. Attention-seeker na akala mo pag hindi napansin mamamatay. Ginawang necessity ang pagpapapansin. Mahilig sa paperworks sa sobrang mapapel. Masyadong pabida, kulang na lang paltan si Jollibee. Mga KSP- Kulugo Sa Paa. Ansarap tanggalin diba? Kase nakakahiya! Kadalasang lumilingkis sa mga peymus sa campus, barangay, siyudad, etc. dahil nga atensyon ang pinagkukunan nila ng lakas.

5. (UBE)BE
Pang dessert- sweet na laging lang napapansin pag huli na. Laging nasa dulo ng mahabang linya ng mga tao. Mga taong laging left behind. Paanong hindi e inuuna pa pag-iinarte? Laging pabebe. Tipong niyakag na, gusto pilitin pa. Ghad! Mga paimportante. At dahil nga pabebe ang mga (ube)be, sila rin yung mga taong hirap makalimot sa nakaraan kase gusto nilang mag-inarte sa buhay nila. Kung sobrang grabeng ultimate fan ka ng mga kwento sa MMK magkakasundo kayo ng mga (ube)be. Goodluck sa drama ng buhay nyo!

6. PA(SPECIAL)
Oh? Alam mo na? Pa(special) sa lahat ng bagay! Sa lakad, sa oras, sa atensyon. Mga taong akala mo special hindi naman talaga. Mga feeling sobrang importante. Mga paVIP to the highest level when in fact katulad lang din naman sila ng mga ordinaryong tao! Mga feeling mayaman kase nga special e, feeling mamahalin pero ang totoo sampung piso lang ang nilamang sa iba. Gusto lagi ng special treatment. Laging acting all high and mighty. Mga papeymus! Sila yung mga taong snobbers, akala mo galing sa napakataas na pamilya. Sobrang maaarte, sobrang sarap ibaon sa lupa! Nagegets mo ba? Kung ikaw yung taong mahilig sumamba sa mga taong mukhang kahoy sige, go ka dito. Gustong-gusto nila ang mga katulad mo, believe me. Everyday, worship day! Oh bongga religious ka na!

Mabuti na lang kamo at wala pang masyadong flavors ang siopao kundi siguro inabot tayo ng bukas dito. So dun na nagtatapos ang listahan ng mga siopao. Ngayong alam mo na kung anu-ano ang iba't-ibang uri ng siopao, may tanong ako sayo.

ISA KA RIN BANG SIOPAO?


9.12.15


Hugot 101Where stories live. Discover now