Chapter 12

203K 8.2K 2.8K
                                    

Chapter 12

Hala! Ayan na naman ang tingin niya. Ang tingin niyang nakakalusaw ng kaluluwa. Bakit ba kasi ganyan siya makatingin?

Sinipa ko ulit siya para madistract siya at maalis ang tingin niya sa akin. But his stare didn't waver. Nanunuot sa kaluluwa.

"Oo gusto kita. Ano ngayon?" He said with matching mataray na voice at nakataas ang isang kilay. Natigilan ako, na freeze ang ngiti sa mga labi ko at hindi ko alam ang ire-react o sasabihin. What the!

Napatingin ako kina Barbie and Chelsea. Katulad ko, tulala din silang dalawa. Yung kamay ni Chelsea nakatakip pa sa bibig niya na parang pinipigilan ang mapatili.

"OMG!!" Tili bigla ni Barbie!

"OMG the second." Tumili na din si Chelsea. Sabay nilang pinapaypayan ang mga mukha nila na parang mga baliw. Doon ako natauhan. I laughed out loud.

"Shucks!" I said laughing.

"Muntik na akong maniwala bakla! Grabe ang epic! Kala mo mabibiktima mo ako bakla? Alam kong gusto mo ako. Gusto mo na akong sakalin. Gosh! Ngayon ko lang nalaman na magaling ka palang mag joke bakla!!" Humagalpak ulit ako ng tawa. Naluluha na ako ako at sumasakit ang tyan ko sa tawa ko.

"Sa susunod, dalas dalasan mo ang pagjojoke bakla. Bentang benta pala!" I laughed againwhile clutching my stomach and wiping the tears in my eyes. Gagang bakla to, gusto akong pag tripan. Kung hindi ko siguro siya kilala baka maniwala akong may change of heart siya pero siya? Si Lexie? Magiging lalaki? Impossible. Sapilantik pa lang ng kamay, baklang bakla na!

"Excuse me." Maarteng sabi niya tapos tumayo na. See? Sa klase pa lang ng pananalita, girl na girl na tapos sasabihin niyang gusto niya ako? Neknek niya!

Pag alis ni Lexie tsaka ko lang natingnan ang expression nina Barbie at Chelsea. Nagtitinginan lang silang dalawa ng seryoso. Nag uusap na naman ata ang mga gay spirits nila at hindi maabot ng girly wavelength ko.

"Ano ang nangyayari sa inyo?" I drink my coffee habang tinitingnan ang dalawang bading.

"Baka naman nagbibiro lang." Sabi ni Chelsea kay Barbie.

"Kelan ba siya nagbiro, aber?" Nakataas naman ang kilay na sagot ni Barbie.

"Impossible kasi talaga. Like duh! Sa tinagal tagal naman dapat dati pa noh! Tsaka di sila talo, we all know that." Dahil sa sinabi ni Chelsea, narealize ko na kami ni Lexie ang pinag uusapan nila.

"Hoy mga bading! Kung maka analyze kayo sa sinabi ni Lexie para naman makatotohanan. Magsitigil nga kayo. Anong oras ba ang alis natin?"

"Pagkatapos na nating magligpit. May gagawin pa daw si Lexie kaya kailangan na nating bumalik sa Maynila."

"Ganun? Akala ko gagala pa tayo." Napaismid ako.

"Hindi na bakla. May tumawag kanina sa kanya. Kailangan daw siya sa photoshoot bukas."

"Ganun? Bummer!" Tumayo na din ako at naglakad paakyat na sa room namin. Pagkapasok ko, nakita kong nagliligpit si Lexie ng mga gamit niya at inilalagay sa bag. Nung nadaanan ko siya sadya kong binunggo ang pwet niya.

"The hell!?" Napaupo siya bigla sa kama at tiningnan ako ng masama.

"Hoy bakla! Ano yung trip mo dun kanina? Anong pinagsasabi mo na gusto mo ako? Kung gahasain kaya kita dyan? Tingnan ko lang kung di ka magtitili. Hmp!" Tinalikuran ko na siya at nagsimulang magligpit ng gamit.

Hindi siya nagsalita kaya hindi ko na din siya pinansin.

"Dadaan ba tayong Baguio?" Tanong ko maya maya.

The Gay Who Stole My BoyfriendWhere stories live. Discover now