Simula

77 15 1
                                    

Entwined Worlds

English/Tagalog


Simula


Demi Reyes

Batangas, Philippines

Year 2015


"Stop reading.

Or else your life would be in danger.

I'm warning you now,

Don't try to discover the inner part of yourself.

You'll never escape from this.

And don't say that I didn't warned you!"


"Demi," Narinig kong tawag sakin. Dali dali kong sinara ang libro. Lumingon ako sa pinang galingan ng boses ngunit hindi ko siya nakita. That's weird.


Bumalik ako sa loob ng bahay at muling inumpisahang basahin ang libro na napulot ko sa labas. Nakalapag lang kasi ito sa sahig at may maliit na note na nakasulat ang pangalan ko. Wala akong idea kung sino ang nag padala.


The Other World


Walang author. Mukhang bago lang ito at hindi pa nababasa ng iba. Binuklat ko ang pahina ng libro ngunit kataka-takang nawala yung mga katagang binasa ko kanina lang. Ultimo ang mga sumunod na pahina ay walang laman. Tila nablanko ang buong libro at ang natira lamang ay ang title nito.


"Minumulto na ba ako?" Arghh! Napakamot ulo na lang ako sa mga naiisip ko. Siguro'y namalikmata lang ako kanina at gawa lang ng imahinasyon ko ang nabasa ko. Wala pa kasi ako tulog simula kahapon, mahigit bente kwatro oras na akong gising.


Sa kabila ng takot, minabuti kong hindi nalang pansinin ang nangyari kanina. Itinabi ko sa library ang napulot na libro. Hindi na mabilang ang aking mga libro na nabasa kung kaya't minabuti kong mag pagawa talaga ng sariling library noong may panahong may pera pa ang pamilya namin. Marahil ito na rin ang naging inspiration ko sa pag susulat ng mga stories.


Nakilala ako sa isang web bilang isang online writer at ang kalimitang genre ko ay fantasy. Madami dami din akong mambabasa at halos araw araw ay nangungulit sila sa akin ng update. Hindi ko naman sila masisisi dahil nakakabitin naman talaga mag basa ng on-going stories.


Umupo ako sa harap ng computer at inopen ang site kung saan ako nag susulat. Kakatapos ko lang last week sa story na aking sinulat at kasabay nun ay ang pag aannounce sa pag bubukas ng panibagong story. Ngayon ko naisipang simulan nang isulat ang unang kabanata ngunit hanggang ngayon wala pa din ako naiisip na plot.


Siguro ay mahigit kalahating oras akong nakatitig sa harap ng draft ko na hanggang ngayon ay blanko padin.


Once upon a time...


Ano ba yan ang baduy! Binura ko kaagad ang panimula. Balak ko pa yatang gawing fairy tale na pang bata ang story. Isang linggo na akong walang maisip. Ang hirap ng may writer's block. Ano bang magandang simula? Haay. Imagination saniban mo ako ngayon din! Please lang.


Bigla nag pop-up sa utak ko yung libro na nakuha ko kanina lang. Sakto! Mukhang magandang title ito sa bagong story na isusulat ko.


"The Other World," lihim akong napangiti sa aking naisip at inumpisahan nang itype ito.


Entwined WorldsWhere stories live. Discover now