Short Story (M2M)

767 21 10
                                    

Alipin Ako Na Umiibig Sayo
by: Nayat
(SHORT STORY M2M)

A/n: actualy ndi talaga to ung plot ng kwento. Pero since tinatamad ako gumawa ng mhabng kwenta eh gnwa ko na lng maikli. Kc mdami na ako pending na kwenta. Lagi na lang stuck up sa kokote ko. Ayaw lumabas. Kaya ddcate ko to sa bestfriend ko na si iamkenth. Kwento nila to ni macky isa sa "mga" ex nya ahahaha. Malandi kc kaya madami ex.. oh sya sana magustuhan nyo..


"My god naman gurl! Kelan ba mauumpog yang ulo mo? Kelan ka ba matatauhan? Aba! Mukhang kinakarer mo na yang pagiging martir mo dyan sa 'ASAWA' mong walang kwenta." nanggagalaiting sabi sa akin ng bestfriend ko na si Nayah.


"Huhu.. Mahal ko sya eh. Hindi ko na alam ang gagawin ko Yah. Pagod na ako. Pagod na pagod na ako pero bakit tong puso ko ayaw pa sumuko." iyak ko ng sabi sa kanya.

Andito ako ngayon sa bahay nya. Wala naman kasi ako mapupuntahan eh. Wala naman ako mailalabasan ng mga nangyayari sakin kundi sya lang. Oo tama may asawa na ako. At isang taon na kaming kasal ni Macky. Sa isang taon na yun nadadagdagan pagmamahal ko sa kanya pero sa isang taon na din yun hindi nya ako natutunan mahalin. Siguro parusa na to ng dahil sa ginawa ko dati. Ang pikutin ko sya.. Pero ganun na ba ako kasama para pahirapan ako ng ganito? Bakit hindi nya ako matutunan mahalin? Ginawa ko naman ang lahat. Naging mabuti akong asawa sa kanya. Pero bakit ganito naging buhay ko? Wala naman ako ibang hinahangad kundi mahalin din nya ako katulad ng pagmamahal ko sa kanya.


"Gurl alam mong ayoko na nasasaktan ka ng ganyan pero please WAKE UP!!! Tama na yang pagpapaalipin mo sa sarili mo sa kanya. Masyadong kang nagpapaalipin ng pagmamahal mo dyan sa kanya. This time sarili mo naman mahalin mo? Iwanan mo na ang walang hiya mong asawa." mahinahon nyang sabi sa akin sabay hinawakan nya dalawang kamay ko. Wala na syang ginawa kundi patahanin lang ako dahil kanina pa ako umiiyak pagdating ko dito.


Apat kami magkakaibigan. Yung dalawa sina Sam at Jp nasa ibang bansa sila. Si Sam nasa America ngayon, masaya na sya sa buhay nya may-asawa. Swerte nya dahil masaya sya sa asawa nyang babae. Samantala si Jp nasa Paris, nagmomodel. Eto naman si Nayah hiwalay sa asawa at may dalawang anak. Isa syang Policewoman. Sa aming apat sya lang ang babae sa amin pero sya ang pinakaastig sa amin. Kaming tatlo naman ay alanganin. Okay ganito yun. Isa akong bakla at si Macky ang asawa ko. Sina Sam at Jp biseaxual. Pero tulad nga ng sabi ko may asawa na si Sam na babae. Simula nakilala nya ang asawa nya nagpakalalaki na din sya. At masaya kami para sa kanya. Si Jp ganun pa din, naghahanap ng true love sa Paris.

So yun nga, simula kinasal kami ni Macky araw araw andito ako kay Nayah. Araw araw sa tuwing pumupunta ako dito umiiyak lang ako. Katulad ngayon. Nasaktan ako sa nasaksihan ko kagabi sa bahay.


Kakauwi ko lang galing trabaho. Sobrang pagod ako pero kahit ganun napapawi pagod ko sa tuwing nakikita ko si Macky sa bahay. Nauuna lang sya umuuwi galing din sa Company nila. Pero sa tuwing umuuwi sya ibat iba babae inuuwi nya sa bahay. Hindi ko lang alam kung may ginagawa silang kababalaghan dahil sa tuwing dumadating ako. Papauwi na din "mga" babaeng kasama nya. At subrang sweet nila. Masakit sa akin kasi pinapamukha nya kahit kasal na kami babae pa din hinahanap nya. Na hindi kami bagay dahil isa akong bakla.


Minsan sa tuwing tatangkain ko sya kausapin tungkol sa mga babaeng kasama nya. Sinasabi lang nya magdusa ako dahil yan daw ang consequence na ginawa kong pagpapapikot sa kanya. Bakit kasalanan bang mahalin ko sya ng ganito. Pwede naman sya umatras sa kasal namin noon eh. Pero naisip ko kung ginawa nya yun hindi sya magiging akin. Na kahit sa araw araw sinasabi nya kahit kasal pa kami pero hindi ko daw makukuha ang puso nya. Na hindi nya ako mamahalin. Napakasakit marinig nun galing sa kanya. Kaya umiiyak na lang ako sa sarili kong kwarto.


Alipin Ako Na Umiibig Sa'yoWhere stories live. Discover now