♔ Chapter 2 ♔

1.1K 146 124
                                    

* * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * * *

1st Year College

Samantha's Point of View

"Samantha? Baby? Wake up."

Si Mommy ba yun? God Damn ang aga aga pa yata para gisingin niya ako

"Uhmmmm." ang sabi ko

"Baby wake up." ang sabi ni Mommy

"Mom. 5 minutes more." ang sabi ko

"You need to wake up baby. May pasok ka na." ang sabi ni Mom

"Mom, I want to sleep. I will not go to school for to day." ang sabi ko

"NO. SAMANTHA GET UP. YOU WILL GO TO SCHOOL FOR TODAY. YOUR CLASS WILL START AT 7:00" nakakunot noo na sabi ni Mommy

"Ugh." ang sabi ko

Bumangon na ako para matahimik na sa pagbu bunganga si Mommy dito sa bahay.

I wanted to go back to States.

Sa States nakakatulog ako ng matagal at mahimbing samantalang dito sa Philippines eh napaka agang gumising ng mga tao.

So ganito pala ang klase sa Pinas, 7:00 ng umaga eh kailangang nasa school na ako.

Nagmadali tuloy akong kumain at magbihis para lang maihatid lang ako in the right time dun sa school na pinasukan ko.

First day ng school ngayon sa West University. Sinearch ko muna sa Google kung ano ang maganda dito at maayos ba ang pagtuturo dito.

Ang West University ay pumapangalawa sa pinaka magagandang schools sa Pilipinas. Maganda ang facilities, safe ang lugar dahil maraming guards lalo na sa gabi.

Nandito na ako sa West University, Breath Samantha!  Kaya mo yan. Stand out! Anyway I'm taking Multimedia Arts.

Wala pa akong kakilala dito sa West University kasi freshman pa lamang ako.

At ayoko namang magtanong kung saan ba yung tama kung room kasi . . . Ako yung tipo ng babaeng hindi nakikipag usap sa strangers

By the way, kanina ko pa hinahanap yung pangalan ko sa bawat classroom pero ni isa eh wala pa din ang pangalan ko.

Pagkatapos ng sampung minuto kong pa lakad lakad at pa ikot ikot eh hindi ko pa rin nahahanap ang pangalan ko sa bawat listahan ng bawat classroom.

Biglang pumasok sa isip ko na umuwi na lang kaya ako.

I will tell Mom na hindi pala organize ang school na ito dahil hindi ko mahanap yung pangalan ko.

Tahimik ang lugar ng biglang tumunog ang phone ko. Siguro si Mommy yun, aalamin kung anong lagay ko.

Mabilisan kong kinuha yung phone ko sa bag habang naglalakad ng biglang…

...

Ouch! Nakabangga ako.

WHAT THE HELL!

Tapos biglang tumalsik yung phone ko sa sahig, hindi man lang kinuha nung nakabangga sa akin yung phone ko.

Ang tanga tanga ko kasi.

ABA HINDI AKO YUNG TANGA NOH, sadyang bulag lang talaga yung naka bungo sa akin.

Dapat masusubsob na sana ako sa sahig ng biglang sinalo ako ng nakabunggo sa akin.

“Ate, okey ka lang ba?” Ang sabi ng nakabunggo ko.

True Love ♥Where stories live. Discover now