Chapter 58

84.7K 1.4K 90
                                    

~Cielo’s POV~

 

 

Nandito ako sa soccer field ng school namin. Alam kong summer vacation namin, kaya lang naman ako nandito ay may laban sina Zander sa Saturday at ngayon ay hinihintay ko sya sa training nila.

At dahil wala si Zander at wala akong kausap ngayon, kinoll ko si Bess Shayne gamit ang viber ayokong phone dahil mahal ang bayad. Buti na lang abot ang wifi hanggang sa soccer field.

Nag-usap kami ng kung ano-ano. Pinag-akala ko nga syang batang-ina, ikaw ba namang makita mo ang bestfriend mo na may buhat-buhat na sanggol at mukhang haggard na haggard. I bet, sasabihin rin ang sinabi ko kanina.

May good news ako, nanliligaw na sa akin si Zander! ^_^ Oo, alam kong niloko nya ako. -.- Pero nag-bago na sya, nakikita kong nag-bago na sya dahil ako lang ang babaeng kinakausap nya. Sabi nga ng mga tao sa school pati sa kung saan-saan ay nag-bago na talaga si Zander. Sinusungitan na nya ito at para daw may period kung umasta.

Pero hindi sya ganun kapag kausap nya ko, which means seryoso sya! Hihihi! Ang saya ko! Thank you po Lord at tinupad nyo ang hiling ko.

At ngayon kasama ko si Zander, katatapos nya lang mag-shower dahil sobrang pawis nya kanina sa kaka-football. Ang sabi nya pupunta daw kami sa birthday party ng pinsan nya kaya eto kami ngayon, on the way na.

“Saan ba kasi yun?”  kanina ko pa tinatanong kungg  saan yung celebration pero ang natatanggap ko lang ay ‘You’ll see.’

 

 

“You’ll see.” See?! -.- Baka mamaya kung saan ako dalhin ng lalaking ‘to. Aba! Wrestling na nun kung sakali! Hahaha. May dala naman akong pepperspray sa pouch ko, alam kong makaluma pero yun lang ang naiisip kong pwedeng dalhing pang-self-defense.

May mga kaibigan si Zander na nakasunod sa amin kasi pupunta rin sila sa Birthday party kaya alam kong walang masamang balak si Zander. Wehehe. Try lang nya at makakatikim sya ng isang flying kick.

 

“Hey. Gising na.” minulat ko ang mga mata ko at nakita ko si Zander na tinatapik-tapik ako. Nakatulog pala ako sa tagal ng byahe.

 

“Hmmm.” Umupo ako ng maayos at tignan kung nasaan na kami.

 

“Yan na ba ang bahay ng pinsan mo?”

 

 

“Oo.” Infairness, gate palang mukhang mayaman na.

Campus Nerd To Campus Princess (Published)Where stories live. Discover now