Chapter 2.2

15.8K 349 8
                                    



Kahit nanlalabo ang mga mata sa luha ay nakuha pa rin ni Daphne na magmaneho. Hindi niya alam kung saan siya pupunta. Walang direksyon ang pagpapatakbo niya ng kotse hanggang makarating siya sa highway.

Betrayal. Iyon ang nararamdaman niyang kasalanan ni Gerone sa kanya. Magkahalong galit at pagkalito ang nararamdaman niya ngayon. Galit dahil malinaw na isang panlilinlang ang ginawa ng asawa sa kanya. Pagkalito dahil hindi niya alam kung saan sila dadalhin ni Gerone pagkatapos ng natuklasan niya. Mahal niya ito pero sa ngayon ay alam niyang hindi ito ang emosyong kailangang mangibabaw.

"You fooled me, Gerone. How could you do this to me?" gigil na bulong niya. Humigpit ang kanyang pagkakahawak sa manibela.

Mabilis ang kanyang pagpapatakbo kung kaya bahagya lang niyang napansin ang isang lalaki na nakatayo sa gilid ng highway katabi nang nakatigil na kotse. Pumapara ito sa kanya. Ilang metro na ang layo niya nang maisipang balikan ang lalaki. Itinigil niya ang kotse sa tapat nito at binuksan ang bintana. Sa tama ng liwanag ng buwan at ilaw ng poste ay agad niya itong nakilala. Kumabog agad ang dibdib niya.

"Ikaw?"

"Hi, sexy. Can I hop in? Naubusan ako ng gasolina. Maybe I can find a gasoline station nearby," kaswal na tugon ng lalaki na bahagyang yumuko sa bintana upang makita siya. He smiled widely upon recognizing her.

"This is highway, malayo pa ang susunod na gasoline station," pagsusungit niya pero ang totoo ay may kakatwang init na agad bumangon sa dibdib niya pagkakita sa magagandang mga mata ng lalaki.

"So, you will not help me then?" paniniguro nito.

"Hindi ko sinabing hindi kita tutulungan. Pero ipangako mo muna na magbabait ka. Alalahanin mo, ayaw na ayaw ko sa lalaking bastos. So, ano pa ang hinihintay mo? Sakay na," singhal ni Daphne upang pagtakpan ang bahagyang panginginig ng katawan sa antisipasyong makakatabi niya sa loob ng kanyang madilim at malamig na kotse ang guwapong lalaki.

Agad na pumasok sa loob ng kotse ang lalaki at umupo sa tabi niya. Agad niyang nalanghap ang mabangong cologne nito. Katamtaman lang ang samyo noon, hindi masakit sa ilong. Napasinghap siya sa isiping kanina lang ay nangailangan siya ng isang lalaki at ngayon ay may lalaki na nga sa loob ng kotse niya. And he wasn't an ordinary man. He was hot and sinfully handsome.

Sa isang iglap ay nawala ang galit niya kani-kanina lang. Napalitan iyon ng kakaibang pakiramdam. Para siyang biglang nauhaw na hindi niya maintindihan.

Hell. Ano ba itong nangyayari sa kanya? She was never sexually attracted to a man like this. Kahit kay Gerone ay hindi niya naramdaman ang ganitong pagkahumaling.

"Saan ka ba nanggaling, Franco?" kaswal na tanong niya habang dinidiinan ang accelerator. Iniwasan niyang tingnan ito muli.

"Wow! Thanks for remembering my name," nakangiting sabi nito.

Daphne knew that Franco was looking at her intently. There was trouble in her controlling herself to meet his eyes.

Kung bakit kasi ganito kalakas ang pang-akit ng lalaking ito?

"You didn't answer my question," patay-malisyang wika niya, her eyes still on the road.

"I had some drinking spree with a friend. Pabalik na sana ako ng Frontera nang maubusan ng gasolina ang kotse ko."

"I see," maikling tugon niya na hindi pa rin tumitingin sa katabi. Pero sa sulok ng mga mata niya ay kitang-kita niya na malisyosong humahagod ang mga mata nito sa kanyang kabuuan. Lalo na sa mapuputing hita niya na lumalabas sa suot na roba. Noon lang niya naalala na tanging nighties lang ang suot niya sa ilalim ng suot na robe.

Sinfully Yours  (Scandals and Seduction Series Book 1) INCOMPLETE/SELF-PUBLISHEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon