Last Cloud [Hiatus]

13 1 0
                                    

Prologue:

Ako si Aiden Lee Cruz at patay na ako. Limang araw na  akong nasa langit. Kung anong itsura ng langit? Para ding mundo pero mas pinaganda. ‘Yung mga pintura ng mga gusali ay kulay puti, walang polusyon ditto at tsaka mas malinis. Mas perpektong mundo dito.

Sa ngayon, dalawang bagay lang ang sigurado at ‘yun ay patay na ako at wala akong maalala. Dito kasi, maari mong piliin kung gusto mong maka-alaala o malimutan na lang ang nakaraan mo at magsimula ulit. Sa kaso ko, pinili kong makalimutan ang nakaraan ko. Siguro, drug addict ako o kaya kriminal o kaya malungkot ang buhay ko dati.Blue ang paborito kong kulay, bakit? Hindi ko alam. Marunong ako mag-soccer, bakit? Hindi ko alam. Athlete ba ako dati? Hindi ko alam. Marunong ako mag-gitara, bakit? Ewan. Pamilya ko o mga kaibigan? Ewan, pinili kong hindi sila maalala. May mga kaibigan na rin naman kasi ako dito kahit sa saglit na panahon pa lang ako dito.

Nga pala, 17 years old na ako. Siguro namatay ako noong 17 years old ako. Ewan ko, hula ko lang ‘yun. O baka pinili kong maging 17 years old. Hindi ko alam. ‘Yung mga ibang tao dito, pagkaraniwan rin ang itsura. Parang ganun lang din sa langit, pero patay na nga lang kaming lahat.

‘Yung ibang piniling maka-alala eh may pamilya sila dito. ‘Yung iba, pamilyang pinatay ng sabay-sabay kaya magkakasama naman ngayon. ‘Yung iba nagkita-kita na lang dito.

Gaya ng mundo, obligado kami mag-aral dito. Gusto kasi nilang mabuhay kaming parang nasa mundo. May mga nagtatrabaho rin dito. ‘Yung iba, mga kaluluwang piniling magtrabaho at ‘yung iba naman mga empleyado ng langit. Gets?

First year high school ako dito. ‘Yung school system kasi nila eh ‘yung may middle school pa kaya first year pa lang ako.

Teka, tama na ang kwento. Dumating na ‘yung bago kong roommate.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 14, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Last Cloud [Hiatus]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon