Chapter 2 - Part 2

50.5K 704 48
                                    

Started on October 2011.
Finished on December 26, 2012.

Twitter:
@xxxialy

-----






Glydel's POV


Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na nalipat ako dito sa Section I. Tinawanan lang ako nung una ni lola tapos pinakita ko yung schedule ko, nagulat din siya.




Hindi ko naman siya masisisi. Ang dami kong problema nadulot sakanya. Hindi naman sobrang malala pero marami akong pinasok na hindi ko kayang panindigan. Hindi sa lahat ng oras tama yung desiston na nagagawa ko. Alam ko naman na mali, simula pa lang. Ayoko lang aminin na tama siya.




"Umagang-umaga ang lalim ng iniisip. Hindi kita mareach. So deep! Hahaha!" Tumabi agad sa akin si Gabriel at kinuha yung ilang notebook sa bag niya. "Nagawa mo ba assignment sa Physics?"



"Assignment ang bungad. Oo, kunin mo diyan sa bag ko. Naturingang taga-Section I." Tinuro ko yung bag ko sa kanan sa ibaba ko. Ngumiti lang siya at kinuha yung bag ko.



"Ang gulo ng gamit mo. Babae ka ba talaga?" Natatawang tanong niya habang hinahalukay yung bag ko. Hindi ko na siya pinansin at hiniga nalang ang ulo ko sa desk.




Hindi na nagtetext sa akin yung mga barkada ko sa dati naming tinitirhan. Ang sabi nila sa akin, dadalaw sila paminsan-minsan. Isang taon ko lang sila nakasama pero marami akong natutunan sakanila. Yun ang hindi maintindihan ng iba. Naramdaman kong bahagyang umurong yung upuan ko kaya napamulat ako.



"Paksh--Ang lapit mo! Layo nga. Kinakalibutan ako sa'yo." Tumayo yung balahibo ko sa katawan dahil sakanya. Pakshet talaga. -___- Hinawakan ko yung mukha ko at yung braso ko.


"Tss." Nag-roll eyes lamang siya at hiniga rin ang ulo niya sa desk paharap sa akin.

Pumikit siya at nagkaroon ako ng chance para tignan siya. Nakataas yung buhok niya as usual. Makinis din ang mukha niya at medyo singit. Wala manlang bahid ng pimples o white heads ni--napa-upo ako ng maayos dahil bigla siyang tumawa.


"Hindi ko maintindihan yung solution mo dito, Gee. Paki-explain naman." Nilapit niya yung chair niya sa akin at nilapag yung notebook namin sa desk ko.


"Alin dito?"


"Lahat." :D



Tinuro ko 'yung nalalaman ko dun sa assignment namin pero mukhang hindi niya magets dahil pinapaulit niya sa akin ng ilang beses. Sumasabat minsan si Nathan 'Naths', nagkukunwari lang daw si Gabriel.



Tinuturo ko palang yung solution sa number two ng dumating yung subject teacher namin.




"Bring out your assignments and exchange with your seatmate."




Campus LoveteamWhere stories live. Discover now