X.O.X.O hold you in my arms baby :)

11.5K 139 11
                                    

A One Shot Story by : littlepocket

All Rights Reserved 2013

____________________________________________________________________________

Characters:

Drew and ChinChin

__________________________________________

"hoy bumalik ka ditong ungas ka!!!!!!!!!!!'' sigaw ni chin chin sa tumakbong si drew. Naiinis siya dun eh.pano ba naman. Agawin ba naman yung journal ni chin chin.

Ugali na kasi ni chin chin na magsulat sa journal niya kapag uwian na nila at dun siya madalas magsulat sa school garden nila. May naglilinyahang mga bench doon. Doon din tumatambay ang mga estudyante kapag wala silang kalse o di kaya'y kapag trip lang nila at kadalasang nandun ay ang mga nagdadate.

Hinabol niya ang nakangising parang asong si drew habang hawak hawak niya ang journal ni chin chin.

''hoy drew!!! ibalik mo sakin yan. !!''  nagagalit na sinigawan ni chin chin si drew habang tumatakbo. Naku lagot na talaga si drew kapag naabutan siya ni chin chin.

Dahil sa kalikutan ng isip ni drew pumasok siya dun sa Males comfort room. Alam niyang hindi kayang pumasok dun ni chin chin kaya hanggang sa labas na lang si kawawang chin chin.

''drew naman eh.. ibalik mo nga yan!!'' naiiyak na si chin chin sa sobrang inis at pati na rin sa takot na nararamdaman niya na baka mabasa ni drew ang pinakakaingatang lihim niya.

Pinagtitinginan na si chin chin ng mga male students na pumapasok sa comfort room. Namumula na siya sa sobrang hiya pero wala siyang magawa...

samantalang ang pilyong si drew nasa loob ng isa sa mg cubicles . Nakaupo sa bowl at binabasa ang journal. Pero isang page ng journal na yun ang nagcaught ng attention niya. Yun ay ang tanging page na nakafold. May nakasulat pa nga "do not open" .Natawa naman siya dun. Di na siya nagdalawang isip na buksan yun. Sa tinagal tagal niyang gustong basahin ang journal ni Chin chin ngayon lang siya nagkaroon ng pagkakataon. Dream come true ito para sa kanya. 

Simula pa lang ng high school days nila hobby na ni drew ang asarin si chin chin. Part na to ng buhay niya. Eh eto namang si chin chin halos araw araw feel niya pinagkakaisahan siya ng kamalasan..

Binuksan na yun ni drew. at sinumulang basahin.

habang binabasa ni drew ang nakasulat dun unti unti namang nababawasan ang ngiti sa mukha niya. at biglang nagseryoso. 

Hindi na niya yun tinapos dahil parang nawalan siya ng gana. Binalik niya yun sa dating ayos. At lumabas ng ng comfort room. Nagulat si chin chin nung nakalabas na siya. Nagtama lang ang mga mata nila pagkatapos nun tinapon ni drew ang journal sa sahig.Pinulot naman yun ni chin chin. Naguhit sa mukha ni chin chin ang slight na pagkainis.

''hoy ano bang problema mo?!?'' sigaw ni chin chin kay andrew na naglalakad na palayo.Pero hindi man lang nag abalang lumingon ang ungas.

ano kaya problema nun.? tanong ni chin chin sa sarili niya. Nakanguso siya habang binubuksan ang journal na tinangay ni drew kanina. Nanlaki ang mga mata niya nung napansin niyang nag iba ang ayos ng page na finold niya. Nabasa kaya niya?. Tanong niya ulit sa sarili niya.

Mas lalong kinabahan si chin chin dahil natakot siya sa katotohanang nabasa ni drew ang isang secret ,na ang journal lang niya ang nakakaalam.

Humarap siya sa direksyon kung saan huli niyang nakita si drew na umalis.Tumakbo siya at nung marating na niya ang dulo tumingin siya left to right. Wala na dun ang drew na hinahanap niya. Una siyang pumunta sa right. kailangan niyang magpaliwanag kay drew. Alam niyang lalayo ang loob sa kanya ni drew dahil sa nalaman nito.

Si Drew naman.Naisipang sa classroom nila pumunta.Hindi niya alam na hinahanap pala siya ni chin-chin.Habang si chin chin halos halughugin ang buong bulding mahanap lang si drew.Halo halong conclusion ang bumabagabag sa isipan niya.At isa lang ang kailangang gawin sa mga oras na yun.Ang magpaliwanag.

Natagpuan niya si drew sa classroom nila.Mukhang hindi siya napansin ni drew.Patuloy pa rin ito sa pagtitig sa labas ng bintana.Dahan dahan namang lumapit si chin-chin.

''drew?''

Nagulat si drew.At nng makita niya na si chin chin lang pala ang tumawag sa kanya.Bigla niya yung inirapan.

''huy, ano bang nangyari sayo?''inosenteng tanong ni chin chin habang umupo sa katabing upuan ni drew.

''wala, umalis ka nga.Sinisira mo mood ko''Pagsusungit ni drew sa kanya.

''teka nga! ano bang ginawa ko sayo ah?''

Biglang tinnubuan ng inis si drew dahil sa tanong ni chin chin.Kaya tumayo ito at humarap kay chin chin.Si chin chin naman napatayo na rin.Nagtama ang mga mata nila.At sa loob ng limang segundo ay nagtitigan lamang sila.

''ano yung nabasa ko?''Pambabasag ni drew sa katahimikan na pumalagitna sa kanila.

''ewan ko sayo, di tamang pakealaman mo yung hindi sayo!'' Sigaw ni chin chin at iniwas nito ang tingin.

''kung hindi ko pa yun nabasa, siguro hindi ko yun malalaman''

''eh nabasa mo naman pala eh, bat mo pa ako tinatanong?''Ganti ni chin chin.Magwo-walk out na sana siya nung hinawakan ni drew ng mahigpit ang braso niya.

''totoo bang lahat ng yun?''

Hindi matingnan ni chin chin ng diretso si drew.

''pakealamero!'' Pilit bumibitaw si chin chin sa pagkakahwak ni drew pero di niya kaya.

''sagutin mo muna ako''Pakikiusap ni drew.

''wala nga yun eh''

Biglang hinila ni drew si chin chin palapit sa kanya at iginaya paharap.

''totoo ba yun?!?!'' medyo pagalit na sabi ni drew.

Dahil sa takot ni chin chin , nagkakaroon na ng luha ang gilid ng mga mata niya,.dahil sa isip nito masisira ang frenemy na nabuo nilang dalawa ni drew.Dahil mas gusto pa niyang asarin siya nito araw araw kesa sa iwasan.

''OO! totoo lahat ng yun!'' Di na napigilan ni chin chin na umiyak " eh ano naman ngayon? may magbabago ba? eh di sige iwasan mo na ako! ganun naman talaga eh hind------------------'' Naputol pa ang ibang sasabihin ni chin chin.

Dahil dinampi lang naman ni drew ang mga labi nito sa labi ni chin chin.

''ang pangit mo pala talaga pag umiiyak''Nakangising parang loko na sambit ni drew.Nung bumitaw siya sa pagkakahalik sa dalaga.

''heh! ang sama mo!''Pinalo ni chin chin si drew sa braso nito.

''atleast mahal mo''

''sinabi ko ba yun?''

''oo! memorise ko pa nga yung nakasulat eh Dear diarhea hindi ko maintindihan-------------''

Tinakpan ni chin chin ang bibig ng binata.

''huy wala namang ganyanan!''Tinanggal naman ni drew ang kamay ni chin chin na nakatakip sa bibig nito saka hinalikan.

''eh gusto ko eh'' Pang aasar ni drew.

''bahala ka!''Magwo-walk put na naman si chin chin pero pinigilan ni drew.

''biro lang, pikon agad. sabihin mo munang mahal mo ko''

''ayoko nga!''

''sige ka, baka magsisi ka?!'' banta ni drew.

''UHG sige na nga.. mahal kita'' Nakangusong sabi ni chin chin.

''ano nga ulit?''

''inaasar mo ko eh''

Tumatawa na parang batang kinikiliti si drew dahil sa mga reaksyon na nakukuha niya sa pang-aasar kay chin chin.

At dun nabuo ang love storing nagsimula sa asaran. Keya nga di ba? the more you the more you love.

 --------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

haist nainspired lang ako ^____________________________^  keya wag masyadong damdamin to. huhuhu

Crush  [gusto mo bang malaman kung may crush siya sayo?]Where stories live. Discover now