Naalala Mo Pa Ba?

61 4 0
                                    

Naalala mo pa ba yung araw kung kelan tayo unang nagkita?

Ako, alalang-alala ko pa.

Hindi ko pa rin nakakalimutan kung paano ka lumingon sa direksyon ko at bigla na lang napabilis yung takbo ng puso ko. Nakatatak pa rin sa isip ko kung gaano kaganda yung ngiti mo na para bang yun na lang ang nagbibigay-liwanag sa buhay ko. Pero bigla ko na lang naalala na kahit matagal na kitang kilala, malamang baka hindi mo na ako natatandaan.


Naalala mo pa ba yung araw kung kelan mo ako unang kinausap?

Ako, alalang-alala ko pa.

Kahit alam kong makakalimutan mo rin ako agad, sinigurado kong magiging memorable ang unang conversation natin. Pero sa tagal na panahon na kilala kita, dun ko pa lang unang beses nasilayan ang mga mata mong kulay dark brown. Dun ko pa lang unang beses na nakitang malapitan ang mukha mo. Dun ko pa lang unang beses narinig ang boses mong parang tugtog sa tenga ko.


Naalala mo pa ba yung araw kung kelan kitang unang nakasabay sa jeep?

Ako, alalang-alala ko pa.

Nagulat pa nga ako nung bigla ka na lang sumakay. Akala ko kasi nag-dridrive ka papunta ng school. Pero pagtingala mo, nahuli mo akong nakatingin sayo. Ako naman itong mala-pagong, hindi lumingon agad sa ibang direction. Kaya ayan, nakita ko kung paano ka na lang biglang napangiti. Hindi naman sasakyan ang puso ko pero nung araw na yun bigla na lang itong humarurot na lagpas pa sa speed limit sa EDSA.


Naalala mo pa ba yung araw kung kelan kita unang nakasabay kumain sa cafeteria?

Ako, alalang-alala ko pa.

Bigla na lang may naglapag ng tray sa harapan ko. Malungkot pa nga ako dahil bumagsak ako sa long test sa math. Pero nung tinanong mo pa lang kung okay lang ba ako, bigla na lang napawi lahat. Hindi ko napigilan yung ngiti ko sa pagbigkas ng salitang oo. At halos mahimatay na ako nang makita kang ngumiti.


Naalala mo pa ba yung araw kung kelan mo akong unang lumapit sa akin para magpaturo?

Ako, alalang-alala ko pa.

Nagmala-math major pa ako para dun. Pero nakakakaba kasi alam mo namang bumagsak ako. Kahit alam mong maski ako ay hirap sa subject na yun, panay pa rin ang ngiti mo habang iniintindi ang mga pinagsasabi ko. 


Naalala mo pa ba yung araw kung kelan mo ako unang sinabayan papauwi?

Ako, alalang-alala ko pa.

Umuulan nun at saktong naiwan ko pa ang payong ko. Pero ikaw, para kang bida sa mga romance movies na bigla na lang sumulpot at may dalang payong. Hiyang-hiya man ako, hindi ka nagdalawang-isip na ihatid ako sa bahay.


Naalala mo pa ba yung araw kung kelan mo ako unang tinext?

Ako, alalang-alala ko pa.

Matapos mong hingiin ang number ko, para kang tanga na agad-agad akong tinext. Ako rin naman tong tila tanga, tawang-tawa matapos itong basahin. Sino ba naman ang magsasabi ng, "E0w Ph0uz r3pl!3Hz bh4cK Ph0uz"? Pero di bale, dahil pareho naman tayong mukhang tanga.


Naalala mo pa ba yung araw kung kelan ako unang umiyak sa harapan mo?

Ako, alalang-alala ko pa.

Sa araw na yun, nalaman ko na may kabit pala ang tatay ko. Nalaman din ni nanay. Magfifile pa nga siya dapat ng annulment eh. Pero kinagabihan, naglasing si tatay at nahulog sa bangin ang sasakyan. Punong-puno ng uhog ang mukha ko. Pero hindi ka nagdalawang-isip na yakapin ako.

Has llegado al final de las partes publicadas.

⏰ Última actualización: May 21, 2016 ⏰

¡Añade esta historia a tu biblioteca para recibir notificaciones sobre nuevas partes!

Naalala Mo Pa Ba?Donde viven las historias. Descúbrelo ahora