Prologue

70 4 5
                                    

P  R  O  L  O  G  U  E

Wattpad. Iyan ata ang site na pinaka-kinaaadikan ko, mapa-past, present o future tense man yan. Kung kayo facebook dito, twitter doon at tumblr diyan, ako naman solid, loyal fan ng Wattpad. Grabe, ang galing kaya ng taong nakaisip na gumawa ng isang site na tulad nito! Sana manalo siya ng lotto balang araw or something noh?

Hindi naman ako bookworm dati. In fact, tamad na tamad akong magbasa at parang nagiging berde ang araw kapag nakakahawak ako ng libro noon. Promise, as in sa sobrang pagkadismaya ko rito, gusto ko nang tapakan, ilampaso sa sahig at ihagis sa ere with matching evil smile ang hinayupak na libro. O ipakain sa pating at lunurin sa pinaka-kailalim-laliman ng Marianas Trench. Sa mga bookworm diyan, peace be with you! I'm quite frank kase eh. 

Eh bakit ko natype-an ang Wattpad kamo? Naging bukambibig kasi ng karamihan sa mga kaklase ko ang Wattpad. Akala ko nga dati isang uri iyon ng pad paper, o kung anumang bagay sa balat ng lupa na may pad. 

F  L  A  S  H     B  A  C  K

"Shunga ka ba Ellie? Site yun! Try mo tignan kapag may time ka," sabi sa akin ni Chelle, ang chismosa at war freak kong best friend. Eh ayun, sa sobrang curiosity ko ay dumaretso na ako sa computer shop malapit sa school namin pagsapit ng dismissal time. Ako kasi yung tipo na aligaga at hindi matahimik sa isang sulok kapag may mga tanong ako at may mga bagay na bumabagabag sa isip ko. Kaya nga match-made-in-heaven kami ni bestie eh. Siya gusto niya na may nakikinig sa pagdadakdak niya, at ako naman gusto ko ng taong dinadakdakan ako ng maraming bagay. Para naman updated ako diba?

So ayun, pag-upo, type type type....click. And viola! Kulay palang bet na bet ko na. Orange kasi favorite kong colour, basta anything bright and sparkly, pasok yan sa taste ko! Hmmmm....naalog ang utak ko at tila natuyo ang lalamunan ko nang makita ko ang sandamakmak na stories na nakalantad sa screen. WHY OH WHY DELILAH  T.T  Why so cruel Mother Earth :(((( Sabi na ngang ayaw ko magbasaaaaa ehhhhhh. I have no idea kasi na ganitong klase pala ang site na ito kaya heto ako, nangangatog sa kinauupuan ko. Grrrr. 

Bago ko pa i-shut down ang computer unit sa sobrang inis ay may nag caught ng attention ko. Twelve letters, two syllables. Eksaktong 3:28 pm ng September 9. (Oha, memorized ko ang time and date!)

HEARTSTRINGS. Yan ang title. Ewan kuba kung bakit, pero sinapian ata ako ng engkanto sa computer shop dahil I clicked that story. Ewan ko, pero kumalma ako at para bang tumigil ang ikot ng mundo. Ganito ba ang love at first sight? (Grabe lang, sa story pa ako na-in love.First love ko ang HEARTSTRINGS??) Pagka-open ko ng story, tumambad sa akin ang mga salitang kahit kailan ay hindi ko malilimutan. 

At mula noon, beacause of those words, or perhaps, destiny para sa mga cheesy na tao at hopeless romantic peeps diyan, sinubaybayan ko na ang storya ni Mr. Wattpad. Oo, Mr. Wattpad ang nakalagay na username niya eh. 

Hay Mr. Wattpad, na-in love ako sa story mo! 

~~~~~~

AUTHOR'S NOTES

Napaka-prangkang character ni Ellie noh? Masanay na kayo. I like straightforward people kasi, yung hindi natatakot na sabihin yung totoong naiisip at nararamdaman niya. Yung walang plastikan, walang suspense, sapul agad ang patama. Ganyan kasi ako ^.^ Sorry kung nainis man kayo sa character niya, or sa personality. Malay niyo may sweet side siya :D 

Anyways, prologue palang iyan. Alam kong pipichuging gawa iyan, so mediocre in quality, pero gusto kong ipakilala sa inyo si Ellie na ganyan eh. Lantad na lantad at totoo na sa inyong mga readers from the start na :) 

Dami ko ng satsat. Comments/Critics are accepted. Badly needed pa nga eh. Pero pwede like na rin? Or vote? Hihi, no force though. 

A

Mr. Wattpad(ON-HOLD)Where stories live. Discover now