E kung magulat ka. [One-shot.]

230 18 14
                                    

"Kanina ka pa nakatingin ha? Type mo ba 'ko?"

Tama naman siya. Kanina pa nga ako nakatingin. Sa totoo lang, ilang linggo na akong nakatingin. Mula sa pinakadulong upuan sa restaurant na 'to, tanaw ko pa rin siya sa kinauupuan ko. Palaging nakangiti at binabati ang customers. Minsan na niya akong nabati pero 'di ko alam kung natatandaan niya ako.

Lumapit siya sa 'kin na parang padabog at iritable. Parang naghahamon ng away.

"Actually, parang weeks ago mo pa ako tinititigan. May gusto ka ba sa 'kin?"

Patay. Namumukhaan pala ako.

Nginitian ko lang siya nang matipid at bumalik sa binabasa kong dyaryo.

Lumapit pa siya nang konti. At lumapit pa. Hanggang sa bulungan niya ako.

"Wala ka naman na sigurong gagawin. Hintayin mo na lang ako. Matatapos na 'ko."

Ngumiti siya. Ako naman, gulung-gulo.

"Ha?" sabi ko na lang.

"Kape tayo. My treat."

Saka siya umalis. Kape? Okay na din. Mahilig ako sa kape. Malay pa natin, sa isang mamahaling lugar niya 'ko dalhin. Makatikim pa 'ko ng imported na kape.

Kaya naghintay ako ng halos tatlong oras. Muntikan na nga akong paalisin ng guard sa sobrang tagal ko. Wala na kasing maupuan 'yung ibang customers. Hindi naman sa desperado ako magkape, tama naman kasi siya, wala naman na akong gagawin.

"Let's go!" sabi niya sa 'kin agad-agad, dala-dala ang mga gamit.

Sinundan ko siya palabas ng resto. Nag-commute lang kami. Habang nasa biyahe, nasabi niya na gusto daw niya mabuhay ng praktikal kaya ayaw niya bumili ng kotse. Ilang minuto din ang biyahe hanggang sa makarating kami sa isang malaking apartment. Mukhang condominium. Mukhang mayaman ang may-ari. Pinapasok niya ako sa loob.

"Akala ko ba magkakape tayo?" tanong ko sa kanya.

"Oo nga. Hindi ba pwedeng sa bahay magkape?"

Basag ako. Pinaupo niya ako sa may sala habang siya naman e gagawa ng kape. Nag-volounteer akong tumulong pero tumanggi siya.

"My treat 'di ba?" sabi niya.

Manuod na lang daw ako ng t.v. o mangalikot ng kung ano pero umupo lang ako sa may sofa.

"Anong pangalan mo?" tanong niya.

"Marco."

"Ang cool naman ng name mo. Hindi ko naman na siguro kelangan sabihin 'yung sa 'kin 'no? For all I know, sa kakatitig mo sa 'kin sa resto, baka stalker na talaga kita."

Tumawa siya sa sinabi niya. Ngumiti lang ako.

Ilang saglit pa, dumating na 'yung kapeng pinangako niya. Malalaki 'yung mug na dala niya. Hindi cup, kundi mug. Balak yata akong lasingin sa kape. Pero nang tikman ko, masarap. PWedeng ihanay sa mga sikat na brand na imported.

"Masarap ba?" tanong niya. Tumango ako at ngumiti.

" 'Yan 'yung laging hanap ng friends ko sa 'kin," sabi niya, "As in nag-oovernight pa talaga sila dito para lang diyan. Hindi ko naman makita kung anong special diyan e wala naman akong secret ingredient."

Madami siyang kwinento. Tuluy-tuloy magsalita. Walang tigil. Ako naman tahimik lang. Masarap naman kasing pakinggan 'yung mga kwento niya. Parang isang paslit na gusto magkwento sa nanay sa kung anong nangyari sa araw niya.

"Bakit ba ang tahimik mo?! Siguro nagbabalak ka na ng masama sa 'kin 'no?!"

Bigla siyang sumigaw. Nagulat ako. Muntik ko na tuloy matapon sa kanya 'yung mainit na iniinom ko.

Tapos bigla siyang tumawa.

"Just kidding. Ito naman. Ang tahimik mo kasi e!"

Ngumiti na lang ulit ako at nagpatuloy sa pag-inom.

"Alam mo, 'yan ang gusto kong characteristic ng isang karelasyon ko," biglang naging seryoso 'yung tono niya.

"Ha?"

" Napakamisteryoso mo kasi. Tahimik, kaya 'di ko alam kung anong iniisip. Ikaw siguro 'yung taong napakadaming sinasabi sa utak."

"Pwede."

"Gusto ko 'yang mga tao pero nakakainis din! Nagka-jowa na 'ko na kagaya mo e!"

"Talaga?"

"Talaga! Ewan ko ba. Tuwing kakausapin ko, walang imik. 'Di ko tuloy alam kung anong habol sa 'kin. Mahal ba talaga niya ako, o gusto lang ng sex, o pera!"

"Anong nangyari?"

"E 'di iniwanan ko na din! Ang hirap kaya nun! Malay ko ba kung niloloko ako o ganun lang talaga. Any hint man lang, ayaw magpakita! E 'di tinapos ko na! Tapos ang problema."

Naubos na niya 'yung kape niya. Naubos ko na din 'yung sa 'kin. Tumahimik bigla ang paligid. Nakaupo lang kami, katabi ang isa't isa. Ni hininga, 'di ko marinig sa sobrang tahimik.

Tapos bigla niyang inayos 'yung pinag-inuman namin.

"Isang round pa?" tanong niya. Napatawa ako ng konti.

"Ano 'to? Beer?"

Napatawa din siya. Biglang tahimik. Bigla niya 'kong hinalikan.

Matindi 'yung halik niya. Parang desperado sa hangin. Hinalikan ko pabalik. Walang tigil. Hanggang sa naramdaman kong pumatong na ang katawan niya sa nakaupo pang katawan ko. Pinaggitnaan ako ng dalawa niyang hita. Naramdaman ko ding tinatanggal na niya 'yung damit ko. Skillful. Magaling mag-multitask. Bawat segundo lalong lumalali 'yung halik niya. Syempre 'di ako papatalo.

Hubad na kaming dalawa at ready na. Konti na lang. . . . . .

*ring* *ring*

"What the fuck?! Bakit ba ang ingay ng cellphone mo?!!" sigaw niya.

Sinilip ko 'yung cellphone ko. Pangalan ni boss. Patay, kelangan kong sagutin. Pinipilit kong abutin 'yung cellphone ko pero ayaw niya 'kong payagan. Pilit niyang iwinawasiwas ang kamay ko at ipinapatong sa likod niya. Hanggang sa 'di ko na natiis.

"Sorry talaga. Boss ko 'to e. Kelangan sagutin."

Tinitigan niya muna ako. Parang hindi makapaniwala na ipinagpalit ko siya sa gadget ko. Umupo kami parehas nang tuwid tapos sinagot ko 'yung tawag.

Kelangan daw ako sa trabaho ngayon.

"What an asshole. Bitch 'yang boss mo ha."

Iritable siya nung sabihin ko sa kanya. Nagsusuot na ako ng damit ko pero siya nakaupo pa din, arms crossed pa. Disappointed.

"Sorry talaga. At thank you sa kape."

Tapos na 'ko mag-ayos. Binitbit ko ang mga gamit ko at handa ng umalis.

"Marco, wait!"

Hinabol niya ako at ipinulupot ang sarili sa akin. Hinalikan niya 'kong muli tapos ngumiti.

"Andrew."

"Ha?"

"Andrew ang pangalan ko. Baka biglang maisipan mo 'kong hanapin, mabuti ng alam mo ang name ko."

-THE END-

E kung magulat ka. [One-shot.]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon