PACIFIED FEELINGS

7K 80 36
                                    

      Kailan ba nagiging mali ang magmahal?

      Hindi ko lubusang maisip kung bakit kailangan kong masaktan ng ganito! Pinamumukha halos lahat ng nasa paligid ko na hindi kami nararapat. Hindi sa nagdadahilan ako pero parang ganun na rin yun; nagmahal lang ako. Alam ko namang panandalian lang naman ang lahat kaya masama ba na sinunggaban ko na ang pagkakataon na makasama siya? Saka hindi naman ako ang lumapit sa kanya; siya ang unang lumapit sa akin. Tapos maririnig ko pa ang iba na sinasabing sana iniwasan ko na lang para walang gulo. Sorry ha, hindi kasi kayo ang nasa ganitong posisyon; yung makasama mo ang mahal mo at ang kasintahan niya sa iisang eskwelahan at sa iisang silid-aralan.

      May mga oras na tinatanong ko sa sarili ko kung bakit siya pa ang inibig ko. Tinatanong ko sa sarili ko kung bakit siya pa ang minahal ko ng ganito.

      Heto ako ngayon, pagpasok na pagpasok pa lamang sa eskwelahan halos lahat ng mga estudyante nakatitig sa akin; mga titig na aakalain mong tatagos sa katawan mo sa sobrang talim.

      Pinilit ko na lang ang sarili ko na magpakatatag. Pinili kong magmukhang matapang nang sa gayon hindi sila magtangka sa kung ano man ang nais nilang gawin. Pinili kong hindi magpakita ng kahinaan para hindi nila sabihing labis akong naapektuhan.

       Nang marating ko ang silid namin, agad lumapit sa akin si Sheena. Itinaas niya ang kamay niya at akmang sasampalin ako ngunit naunahan ko siya. Hindi ko alam kung bakit ko ginawa iyon --- marahil sa sobrang emosyon na nararamdaman ko.

      Dahil doon, narinig kong napasigaw ang ilan sa mga kamag-aral kong babae. Hindi ko naman sila masisisi: sikat sa pagiging mabait si Sheena at ako naman - - - ang kaklase nilang hindi lubusang kilala.

      Bigla na lang akong natauhan nang may maramdaman akong malakas na sampal sa kaliwang pisngi ko. Isang sipa at hindi malaman kung ilang segundo o minutong pagsabunot. Kahit pa parang naubos na ang buhok ko sa sobrang sakit, nagpasiya na lang ako na huwag nang manglaban. Tinanggap ko na lang ang lahat ng pananakit ni Sheena dahil alam ko namang ako ang nasa mali.

       Saktong natigil ang lahat kasabay nang maramdaman kong may taong nakatayo sa likod ko. Ang pangalan ng matalik kong kaibigan ang pumasok bigla sa aking isipan ng maamoy ko ang pabango na hindi naman ganoon kamamahalin.

Hindi na ako nagulat nang makita ko siya paglingon ko.

Nakakahiya!

Sa lahat ba naman ng oras na kailangan niyang madatanan, ngayon pang tanggal na ang dalawang butones ng uniporme ko.

Kung alam ko lang na mangyayari ito sana nagsuot ako ng sando. Pucha! Ano ba kasing ginawa kong mali para maranasan ang lahat ng ito?

      Siyempre, kanino pa ba lalapit si Paolo kung hindi sa mahal niyang si Sheena.

      Siguro tama sila, napakatanga para isiping aalahanin ni Paolo ang isang katulad ko.

      Namalayan ko na lang na tuloy-tuloy na ang padaloy ng aking luha. Dala ang lahat ng aking gamit, tumakbo ako palayo sa mga taong iyon. Gusto kong mapag-isa. Nais ko sanang lumabas ng paaralan ngunit ilang minuto na ang lumipas mula nang tumunog ang bell ng paaralan.

      Malabo na ang tangka kong pagtakas sa lahat ng ito. Bago pa man ako mahuli nang mga opisyal sa araw na ito, tumungo na ako agad sa lugar na sa tingin ko ay walang makakakita sa akin, sa MUSIC room. Ako na lang naman kasi ang natitirang miyembro ng club. (Nakakalungkot mang isipin ngunit tila wala nang nagkakainteres sa club namin.) Binuksan ko ang ilaw at umupo sa harapan ng paborito kong piano at saka inisip kung paano nagsimula ang lahat ng ito:

FIRST PARTYDonde viven las historias. Descúbrelo ahora