EXTRA

3.3K 65 18
                                    

Lumipas na ang limang segundo, limang segundo na naging sampu, hanggang sa matangay na ako sa matamis niyang halik kung kaya't iyon na lamang ang pinagtuunan ko ng pansin.

Ang lahat ng bagay sa loob ng apat na sulok ng kwartong ito ang siyang tanging nakakaalam sa aming ginawa. Bumuhos ang mga emosyon nang gabing iyon.

Pinagsaluhan ang init na dulot ng pagmamahal o di kaya'y kasabikan. Kahit pa labis ang kanilang pagtataka na iniwan sila ng mismong may kaarawan ay wala na kaming pakialam.

Sino ba nga naman sila para husgahan ang dalawang taong nagmamahalan? Sino ba naman sila para pigilan ang damdaming uhaw sa kalinga ng minamahal?

"Mahal kita Paolo," sambit ko na puno ng kaligayahan. Kitang-kita sa kanyang mga mata na labis rin ang kaniyang saya.

Ilang sandali pa akong naghintay ngunit wala akong narinig na sagot pabalik.

Ayos lang, Paolo. Ayos lang kahit hindi ko marinig ang mga salitang iyon mula sa'yo. Kung halata naman sa mga kilos, bakit ko pa kailangang marinig? Para makasiguro? Hindi ko na iyon kailangan.

Mahal ko si Paolo. Buo ang tiwala kong tutuparin niya ang kaniyang pangako; sa pagsapit ng Enero, bago pa man magsimula ang pasukan, sasabihin niya na ang lahat kay Sheena.

"Alex," rinig kong sambit niya, pagkatapos noo'y may naramdaman akong kung anong humaplos sa bandang leeg ko. Alam kong siya iyon. Nakakakiliti ma'y pinagtiisan ko na lang. Kung para sa kaniyang kaligayahan, hindi ako hahadlang.

Maya-maya pa'y nakaramdam ako ng haplos sa aking dibdib, mainit at puno ng pagnanasa. Hanggang sa dahan-dahang bumaba papunta sa aking tiyan. Kung kanina'y sa leeg, ang katawan ko naman ngayon ang pinagtuunan niya ng pansin. Hindi man kasing laki kaysa sa babae niya, ramdam kong sabik na sabik siya.

"Paolo," sambit ko na hindi makakailang nagugustuhan ang mga nangyayari.

Hindi nagtagal ay natapos na rin mga sandaling iyon. Hinang-hina kaming dalawa. Halos hindi na ako makatayo ng maayos dahil sa nangyari. Lihim akong napangiti. Daig ko pa ata ang isang dalaginding na unang beses isinuko ang kanyang pagkababae. Iyon na ata ang magsisilbing tanda na hindi iyon panaginip.

Habang nahihimbing si Paolo sa kanyang hinihigaan, nagpasya na akong umalis. Nais ko pa sanang tumagal ang aming pagsasama ngunit baka tuluyan na kaming maghiwalay kung madatnan nila ang ayos naming dalawa.

Mabilis kong sinuot ang aking damit. Dahan-dahang binuksan ang bintana - teka kailangan ko ba talaga dito dumaan? Sa mismong pinto na lang ako siguro ako lalabas. Magiisip na lang ako ng dahilan.

Bago magpaalam, nag-iwan muna ako ng halik sa kaliwang pisngi ni Paolo. "Mahal na mahal kita," ang maluha-luha kong sambit. Sana hindi ito hanggang bakasyon lang. Napakataas man ng ambisyon ko ngunit nais kong magsama kami hanggang sa aming pagtanda. Tiyak na napakagandang tanawin na makikita ang mga anak naming naglalaro habang kami nama'y pinagmamasdan sila habang magkahawak ang aming kamay.

Pucha. Sana ayos lang sa kanya na mag-aampon na lang kami.

Pagkatapos noo'y napalingon ako sa orasan sa aking kaliwa, sa mismong harapan ni Paolo. Malapit nang mag-alas diyes. Kailangan ko na talagang umalis.

Maingat akong lumabas ng kwarto ni Paolo. Siniguro na wala nang bakas ang ginawa naming pagmamahalan.

May ilan akong sinagot na tanong mula sa nga nakasalubong kong kamag-anak ng mahal ko.

Maging ang mga tanong ni Tita (mama ni Paolo) ay nasagot ko ng buong husay.

"Ha, opo, hindi na po namin napansin ang oras. Natutulog na po si Paolo, napagod po siguro sa nilaro namin kanina."

FIRST PARTYWhere stories live. Discover now