EPISODE 31 >>> YOU FIRST BELIEVED ♥

102K 1.1K 151
                                    

EPISODE 31

Zach's Pov

''huwag ka na ngang umiyak.. tignan mo yung sipon mo…''

''nakipag suntukan ka nang dahil sa akin ee.'' sus, hindi naman ako napurahan. Atsaka, wala lang toh sa akin noh. Malakas yata toh. Atsaka MATCHO AKO.. GWAPO PO OW YEAH! B-D

''huwag ka nang ma praning dyan, malayo sa bituka toh. Kaya huwag ka na ngang umiyak dyan. gusto mo ice cream tayo??''

''ngayon na??'' ayun, biglang nag lighten up yung mukha nya.  Salamat naman. Ayoko kasing nakikita syang umiiyak. Nagiging red nose sya.

''oo, tara..'' pero bago ko ipaandar yung sasakyan.. Hinawakan nya yung kamay ko.. At itinali nya dun yung panyo nya.

''atleast, pag ganito di na lalala.. Sorry ahh nakipag suntukan kapa nang dahil sa akin.'' kinurot ko yung pisngi nya.

“ basta huwag ka nang iiyak.. mag i-ice na tayo...''

---------------

JASMINE'S POV

SATURDAY MORNING

may na recieve akong text galing kay zach..

''wear something girly. I repeat.. Wear something girly. Susunduin kita ng mga around 6 may dinner date tayo.''

''ano kayang isusuot ko? Tsaka ano bang meron? Bat kailangan girly girly pa.. Hmm..'' siryoso akong pumipili nang suot ko nang  biglang bumukas yung pinto..

*KABOOOOOOOOM!!*

“OW YEAH!”

''hay tsanak ka!! Jane????!! Hindi kaba marunong kumatok?? Dioskong bata ka.. Papatayin mo ako?'' napahawak ako sa dibdib ko.

''ang O.a mo namang magulat teh? Sinipa ko lang yung pinto, ang dami mo kasing kinakain pag gabi kaya ganyan. Agad kang ninenerbyos''  ang tsanak naka pamewang pa.

''tse! Bakit kaba kase nandito?? Kung mang hihingi ka nang pera.. Nako,  lumayas layas kana dyan.. at Wala akong pera ngayon.. Next week ko pa makukuha yung allowance ko.'' sabay tingin nang damit sa closet ko.. Wala kase akong pambiling damit ee.. Peste.

SA MATA NG MGA SINGLE (REVISING)Where stories live. Discover now