Wattpad Original
There are 4 more free parts

Chapter 1: Vulcan Salute

784K 10.9K 3.4K
                                    

Chapter 1

Vulcan Salute


"DUDE, 'di ba sinabi ko sa 'yong mag-ayos ka?" salubong sa akin ni Louisse Salazar paglabas ko ng university gate. Isa siya sa dalawang college best friends ko. Napatingin ako sa suot ko dahil sa sama ng tingin niya sa akin.

Nag-ayos naman ako, ah?

Suot ko ang hand-me-down black dress na galing sa ate ko at simpleng black ballet flats. Hindi kasi ako kumportable na nagsusuot ng high heels. Nakaladlad lang ang buhok ko at nagsuot na rin ako ng fake diamond earrings.

Dapat yata ay nag-rent ako ng Princess Leia costume?

"Nag-ayos naman ako!" sagot ko sa kanya. Binilin niya kasi sa akin na mag-ayos ako dahil gigimik kami ngayong gabi. I took it to heart. Nag-ayos talaga ako, pero dahil sa reaksyon niya, mukhang kulang pa ang ginawa ko sa sarili ko.

Kung mayro'n lang akong invisiblity cloak...

I sigh.

Napansin ko ang ayos niya. Sa aming magkakaibigan, siya ang mahilig sa fashion. Naka-black spaghetti strap bandana-like top siya, black pants and black pumps. It works for her tall frame. Siya na ang mukhang model. Hindi ko kayang i-pull off 'yan! Naka-red lips pa siya!

Hinila niya ako at pinapasok sa backseat ng kotse niya. Pagkasakay na pagkasakay ko, napansin ko agad si Kimberly Joy Talavera na nasa shotgun seat. Siya ang pangalawa kong best friend at ang ikatlo sa aming...trio.

Sumakay na rin sa driver's seat si Louisse. Sinimangutan niya ako sa rearview mirror. "Big deal 'to, 'no. First time mo kayang gigimik!" paalala niya sa akin bago pinaandar ang 2013 Black Mini Cooper S niya.

Yeah, alam ko kung anong model dahil kasama niya kami noong namili siya ng kotse na gusto niya for her twentieth birthday gift. Loaded parents niya, e.

Sinimangutan ko rin siya. "Alam ko, 'no! Nag-ayos nga ako! Kita mo naman, naka-black dress ako. Kailan mo ba akong nakitang mag-dress?"

Inirapan niya ako. "Dressing up is not enough, dude. Kailangan mo kaya ng makeup!"

Napangiwi ako. Gano'n ba ako kapangit?

"Nakakatamad kayang mag-makeup!" pangangatwiran ko.

Nakakatamad naman talaga. Lalo na kapag hindi ka marunong.

Tumawa si Kim na parang baliw. "Ayusan na lang natin siya, L. Alam mo namang 'di papatalo sa pangangatwiran 'yang si Jamie."

Ano ako? Bata?

Nakasimpleng white see-through top na may white cami inner top ang suot niya. Kung anong ikinasimple ng top niya, iyon naman ang ikina-girly ng accessories niya! Naka-black pants din siya pero naka-flats na black. Matangkad din kasi siya. Ako lang ba ang hindi nakatanggap ng memo na dapat naka-black pants?

Sinimangutan ko rin siya. "Salamat, K, ha!" I say, my tone dripping with sarcasm.

Lumingon siya sa akin. Nagulat ako nang bigla niyang hampasin iyong hita ko. "Umupo ka nga nang maayos! Para kang bata!" sita niya sa akin.

"Dapat magkilos dalaga ka sa bar, ha. Act your age, dude."

Napabuntonghininga ako. Oo na, ako na ang isip at kilos-bata. Masisisi n'yo ba ako? Wala naman akong pakialam sa mga ganito. Curious lang.

"At the same time, forget your inhibitions. Time natin ito para magpakasaya tonight! Kalimutan na muna natin ang stressful nating buhay," Louisse adds.

When He Fell For MeWhere stories live. Discover now