Chapter Three

156K 5.1K 1.2K
                                    

CHAPTER THREE

"CLARA! Nasaan ka bang bata ka? Clara?"

Mabilis na nagtago si Czarina sa likod ng pintuan. Nakita niyang lumabas si Yaya Salome mula sa dirty kitchen.

"Clara! Oras na ng piano lessons mo. Malapit nang dumating ang tutor mo. Aba't maghanda ka na!" sigaw pa nito na parang sigurado na naririnig niya ang mga sinasabi nito.

Piano lessons? Natirik niya ang mga mata. Boring!

Pagka-akyat sa taas ng Yaya niya ay agad siyang umalis sa pinagtataguan. Tahimik na tumakbo siya palabas ng bahay. Walang ingay na sinara niya ang pinto. Ang problema na lang niya ay ang gate.

Tuwing Sabado ay bawal lumabas si Czarina ng bahay. Una, wala naman kasi siyang pasok sa school. Pangalawa, kung gusto niyang makasama si Eugene ay puwede namang ito ang pumunta sa bahay nila. Pangatlo, may piano lesson siya for three freaking hours! At panghuli, mahigpit na utos kasi iyon ng Papa niya. Gusto nitong may isang araw na nakapirmi lang siya sa bahay.

She can't even go to malls or parks! Tuwing Sunday lang puwede pagkatapos magsimba siya pinapayagan.

Mula pagkabata ay lagi na siyang nasa bahay ng Sabado at walang ginagawa. Buti na lang noong bata pa siya ay pinupuntahan siya ni Eugene at ng iba pa niyang kaibigan sa village. Pero nagsawa na siya na laging ganoon ang mga Sabado niya.

Huminga siya ng malalim. It's time for change!

Mabilis siyang tumakbo papunta sa gate. Lihim siyang natawa nang makitang natutulog ang security guard nila. Alam naman niya na mga ganoong oras talaga nakaka-idlip ang security guard nila. Kaya nga ngayon siya tumatakas dahil mabilis lang.

Kung paano siyang nakalabas ng bahay ay ganoon rin siya kabilis na nakalabas ng gate.

"Yes!" pabulong niyang pagdiriwang. Pumapalakpak pa siya ng walang tunog. This is an achievement! Nakalagpas din siya ng gate ng Sabado!

Napakalapad ng mga ngiti ni Czarina. Luminga-linga siya. Now, where to go?

To Bari's heart—ay este, to Bari's house!

Mabilis na siyang lumayo sa mansyon at baka matanaw pa siya ni Yaya Salome. Pumunta siya sa direksyon kung nasaan ang bahay ni Bari.

Hay nako, Czarina. Tatakas ka na nga lang, tapos pupunta ka rin lang pala sa kapitbahay? Ang layo nang narating mo!

Napahagikgik na lang siya sa pagka-sarcastic ng isipan niya. Eh, bakit ba? Gusto niya talagang makita si Bari! Sabi naman nito, puwede siyang pumunta sa bahay nito kapag may kailangan siya.

At binigay pa nito ang oras kung kailan nasa bahay lang ito! Ang bait talaga! Nagsasayaw ang puso niya dahil alam niya ang schedule ng kanyang crush.

"Why are you outside, Czarina?"

"Ay!" Gulat na napalingon siya. "Eugene!"

Napakunot-noo ito. "Bakit nasa labas ka ng bahay niyo? Sabado ngayon, ah?"

Ngumuso siya at hinila ito palapit sa gate ni Bari. "Tumakas ako," bulong niya rito.

Ang sama ng tingin nito. "Why?"

Niyakap niya ang braso nito. "I want my freedom, my friend." Tumingala siya at tinaas ang isang kamay. "Napakaganda ng araw ngayon, hindi ba? Masarap lumabas. Hindi ko napigilan ang sarili ko. I need freedom every Saturdays!

Touch Me More (More Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon