Chapter 21: hahahaha

238K 3K 489
                                    

Chapter 21: hahahaha

 

 

“kumusta na pala yung Celina?”

“bakit? Nagseselos ka?”

“DUH! Asa ka naman. Natural naman daw na kukumustahin ko siya diba? Naglayas yun sakanila DIBA?”  -___-

“ang fracture hindi basta basta nakukuha dahil natapilok lang. nagsisinungaling yun.”

“oh so nagsisinungaling pala siyang naglayas ganun?”

Dahil nagugutom ako at FRIENDS naman DAW kami ayan nagpalibre ako. wala kasi akong dalang pera saktong pamasahe lang ito haha.

“diba pinuntahan mo siya?”

“kanina? Hindi”

“eh? Akala ko pupuntahan mo?”

“ayaw mo kasing sumama. Baka kung anong isipin mo.”

“bakit naman iniisip mo kung anong iisipin ko? haha hello? Di naman kita boyfriend”

“kasi sinusuyo kita tapos makikita mo iba ang pinupuntahan ko. ayoko.”

Baliw. Napakastraight forward! Pero natuwa naman ako kahit papaano dun. In a way parang pinagseselos lang niya ako kagabi! Pero asa siya! hindi talab! Teka? Hindi nga ba? Ay ewan! Basta di naman siguro niya nahalata kung OO, hindi ba? Sana.

Kinuha ko yung cellphone ko at saka nagtext. Tapos inubos ko na din yung kinakain ko.

“hatid na kita” alok niya nung matapos na kaming kumain.

“ahm no thanks Lance”

“wala kang sasakyan” he reasoned out.

“hindi na talaga. Tingin ko naman parating na din yung sundo ko” then tumingin ako sa labas ng restaurant. And ayun na nga siya. great timing haha. “see you Lance” paalam ko nalang saka ako lumabas sa restawrant na iyon at sinalubong naman ako ni Jake.

“gabi na. bakit ka ba kasi nandito? Kakain ka nalang dito pa” ayan pinagagalitan na niya ako haha. Pero natigilan siya nung Makita niya yung nasa likuran ko. si Lance. nga pala! Nakalimutan ko si Lance -___-

“kasama mo pala siya. bakit ka pa pumayag na sunduin kita?” ayan nanaman siya!

“eh kasi nakakahiya naman kay Lance kung magpapahatid pa ako! nilibre na nga ako ng pagkain magpapahatid pa ba ako? naku hwag na”

“tapos saakin di ka nahiya? Wala pa akong tulog” reklamo niya

“ikaw po kaya nagpresinta! Kasalanan ko baa? Osige alis ka na! papahatid nalang ako kay Lance!”

SL BOOK 3: Definitely a Sadist! (FIN)Where stories live. Discover now