Chapter 2

6.9K 145 4
                                    

"Timothy, huwag mo na akong ihatid. Tulog pa si Ellie, eh.." Ani Scarlett habang inaayos niya ang sarili sa harap ng salamin.

Bumangon ako sa aming kama. Niyakap ko siya mula sa likuran. Pinagmasdan ko ang repleksyon namin sa salamin. "Hmm... mag almusal ka muna?" Binaon ko ang aking mukha sa kanyang leeg.

"Hindi na. Nagmamadali ako, eh.."

"Hindi ka ba pwedeng... magpa-late kahit na 30 minutes lang?"

"Di pwede.." Hinawakan niya ang kamay kong nakayakap sa kanya.

Hinalikan ko ang kanyang leeg. Napakabango talaga ng asawa ko. She's my favorite scent. Hinding hindi ako magsasawa kahit na araw-araw ko itong maamoy.

"Sige na.." Pakiusap ko.

"Mamayang gabi na lang." Bumuntong hininga siya. "Promise.. sa 'yo ako buong gabi." Nagkatinginan kami sa salamin.

Napangiti ako sa sinabi niya. "Talaga?"

"Talaga.." Ngiti niya pabalik.

Bumitiw na ako sa yakap. Pinaharap ko siya sa akin at mabilis na hinalikan sa labi. "Oh, sige.." Nilagay ko ang ilang hibla ng buhok niya patungo sa likuran ng kanyang tainga. "Basta huwag kang magpapagod. Susunduin ka namin ni Ellie mamaya.."

"Okay." Hinalikan niya ako sa labi. "I love you, Timothy."

"I love you too.. asawa ko."

Ganito palagi ang nangyayari sa amin araw-araw. Maiiwan kami sa bahay ni Ellie, pagkatapos ay susunduin namin si Scarlett pagsapit ng alas sais. Kung minsan ay hinahatid din namin siya sa kanyang opisina. Ngunit pag hindi kaagad nagigising si Ellie, hindi na siya nagpapahatid. Katulad na lang ngayon.

Simula nang ako ang mag alaga sa anak namin, marami akong natutunan. Lalo na ang pagiging matyaga at mahaba ang pasensya. Buong araw at buong gabi, ako ang magbabantay sa kanya. Hindi naman kasi pwedeng mapuyat masyado si Scarlett dahil may trabaho pa siya kinabukasan.

"Papa..." Hagikgik ni Ellie habang pinapakain ko siya ng almusal. Nakaupo siya sa aking kandungan. Ang kanyang bibig ay medyo madumi dahil sa kinakain.

"I love you.." Ngiti ko sa kanya.

Mas lalo siyang humagikgik sa narinig. Tinuro niya ang hawak kong kutsara. Alam ko na agad ang ibig niyang sabihin. Muli ko siyang sinubuan. Kaya namang ang lusog, eh. Masyadong matakaw.

Pagkatapos ko siyang pakainin ay ipinasyal ko siya sa labas. May bagong lipat rin na mag-asawa malapit sa amin. Hindi ko pa sila nakikita. Mukhang hindi sila lumalagi sa kanila bahay. O baka hindi sila lumalabas.

"Gustong gusto mo talagang lumalabas.." Sabi ko kay Ellie. Panay kasi ang tawa niya habang naglalakad kami pababa. Tinuturo niya ang nakikita naming bundok mula sa malayo.

"Ma... ma.." Ani Ellie nang may makita kaming lumilipad na paru-paro.

"Hindi 'yan si Mama." Tawa ko. "Si Mama, nasa work.."

Tinuro ulit ni Ellie ang paru-paro. Pumasok ito sa bakuran ng bahay na malapit lamang sa amin. Marami kasi ang mga bulaklak dito.

"Hindi na natin 'yun makikita." Sabi ko sa anak ko. "Pumasok na dun." Sabay turo sa bahay.

She pouted her tiny pink lips. Kinusot niya ang kanyang mga mata. Lumapit ako sa bakod ng bahay. Nakita ko ang tinuturong paru-paro ni Ellie. Lumilipad ito sa mga bulaklak. Nagulat ako nang bigla na lang niyang pindutin ang doorbell.

Nataranta ako. Hindi ko alam ang gagawin. Bumukas ang pintuan. Lumabas ang isang matandang babae. Nagkatinginan agad kami.

"Bakit?" Tanong niya.

The Story Of Us 2: Timothy SerranoWhere stories live. Discover now