Angelico and Angelo

1.3M 17.6K 4.5K
                                    

( Hi sa aking bestfriend na si Nicole at ang classmate nyang si MC Abalos from TIP Manila. Salamat sa pagtyatyaga ng kwento na ito :))

Jd's POV

After four months ..

"Babe .." bulong ko at kumapa sa tabi ng kama ko, di ko nakapa si Asha sa tabi ko kaya naman napamulat ako. Hinanap ng paningin ko si Asha.

"Asha.." tumayo ako at sumilip sa banyo, pero wala din. Malamang nasa baba na yun.

Nagpasya na akong magshower na, dahil maaga pa naman bago pumasok ay hinagilap ko muna ang mahal kong asawa. And I found her on the kitchen, baking some cookies na kinagutom ko agad. Tila nagrambulan ang mga alaga ko sa tyan ng maamoy ko ang napakasarap na cookies.

"Goodmorning Babe!"  masayang bati ko at kukuha sana ng isang piraso ng cookies nya.

"Tss.. that's not for you Jd!" sabay kuha nya ng cookies na isusubo ko sana.

"Babe naman! Parang isa lang eh!" naka pout na sabi ko.

"Kay Ate Ella yan eh, ito sayo." kinuha nya ang isang tupperware na may cookies. "Share kayo ni Ivan jan ah.."

"Ano ba yan! Dapat akin lang 'to." pagdadamot ko sa cookies na binake nya.

"Share it with Ivan."  diin nya.

Naiiling na lang ako habang.pinagmamasdan ang mataba kong asawa *ssssshhhh* kabwanan nya na ngayong buwan at anytime makikita ko na ang anak ko. Corny pero naeexcite ako. Kagabi nga sumakit na naman ang tyan nya kaya halos di ako nakatulog kakabantay sa kanya dahil baka mamaya manganak na sya.

"Babe di naba masakit ang tyan.mo?" tanong ko sa kanya.

"Uhmm .. di na. Masyado lang silang magalaw." sagot nya sakin.

Kagabi nya pa sinasaning magalaw yung mga anak ko, iniisip ko nga na nae-excite na talaga silang lumabas.

"Sir telephone po, si Sir Ivan." sabi ng isa naming kasambahay at inabot sakin ang cordless phone.

"Babe sandali lang ahh." lumabas ako sa dirty kitchen at sinagot si Ivan.

"Sir tuloy ba tayo ngayon sa pagbisita ng bahay nyo?" tanong nya sakin.

Nasa finishing touch na ang bahay namin ni Asha. Halos alam na lahat nilang bahay namin yung ginagawa pero, si Asha walang kaalam alam.

"Oo sisilipin ko yung pool at yung gazebo .. isasama ko na din yung landscape artist para sa garden."

"Sige lang Sir. Mga anong oras tayo?"

"Text na lang kita, ihahatid ko pa si Asha sa kanila eh." simula kasi ng bumisita kami dun ay araw araw ng bumibisita si Asha sa kanila at sya na mismo ang hands on na nagaalaga sa Ate nya.

Masama siguro akong tao dahil mas iniisip ko pabg mabuti na yung ganito, na tahimik si Ella dahil alam kong pag nomal syaay maring bagay ang pwedeng mangyari at di ako mapapanatag sa ganoon.

"Sige Sir copy that. Dala ka ulit cookies ah?!"

"Cookies yourself! Di nagbake si Asha!"

"Aww sayang!" malungkot na sabi nya.

Binaba ko na ang phone at pumasok sa kitchen, andun pa din si Asha na naka apron at busy sa pag aayos ng mga cookies sa basket.

"Babe .." i backhug her.

"Hmm.." hinawakan nya yung kamay kong nakayakap sakanya.

"Anong dreamhouse mo?" tanong kong pigil ang ngiti.

Mr. Maniac meets Ms. Pervert (PUBLISHED)Where stories live. Discover now