Chapter 22 - PART 1 : His Decision

29.3K 281 73
                                    

Maikli lang. :) May part 2 yan, baka mamaya or bukas or sa Monday. :) Vote please! ^___^V Hehe! Masaya ako kaya ako nag update pero malungkot ang pangyayari sa update. :D Breathe guys. :D

CHAPTER 22-PART1

TYRONE'S POV

Nasa kwarto ako ngayon.

Katatawag ko lang kasi kay Nicole. Hay. Nakakamiss.

Tsssh. 

"Yes kumpadre. Gagawin ko nalang yung sinabi mo... Oo... sige... Basta expect him at the third week of Ferbruary.... Yes... He'll surely be there...O sige, bye... Pakikumusta kay Alisha at kay mare... Oo... sige."

Narinig ko si Dad. May kausap sa phone. Tsssshhhh! >_____<

Ayan nanaman yung trip to France ko on February! Hay!

Bakit ba mapilit siya??? Ano bang meron??? 

Kasi naman e. May kasalanan yata yan sa tatay ni Alisha kaya gusto akong ipakasal dun. Tangna lang.

Hay! 

Makababa na nga...

Bumaba ako at dumeretso sa kusina.

Ano bang pagkain dito? Hmm. Wala, wala akong gustong kainin.

Kainis naman o. 

Wala akong magawa... Si Nicole ko naman nandun sa beach. Hay.

Boring. Yung mga kabarkada ko naman nasa Heat Bar.

Hindi na ko masyado napunta dun, di na ko mahilig mambabae e. Hahaha. Ano ba yon. :D

Ano na kaya mangyayari sa amin ni Nicole?

Masaya ako sa kanya, at alam kong masaya rin siya sa akin...

Di naman kami gaanong nag aaway... Wala rin masyadong third party...

Wala nga ba? Ehh, wala yan.

Nag explain siya, best friend niya lang raw si Dylan. Simula nung nag break sila, naging friends nalang talaga ang tingin nila. Ewan ko kay Dylan na yun, feeling ko mahal niya ang lovergirl ko. >_>

Eh basta! Akin si Nicole!

Tapos yung hug ni Kyle. Wala raw yun. Di niya rin alam. Ako rin di ko alam. Baka may topak si Kyle. =____=

Yung kahalikan niya nung pasko ng gabi? Gelo ba yun? o Angelo? Ah basta... Sabi daw niya ganun lang talaga bumati yun. Lanjo, ilayo ko dapat si Nicole dun! Langya bumati e. =___=

Casanova Prince Meets Casanova PrincessWhere stories live. Discover now