Scar Three.

40.6K 590 45
                                    

Para kay Cacai. Welcome to wattpad! =))

Salamat sa mga nagbabasa at nagvovote. Actually di ko na alam kung itutuloy ko pa 'to. Tapos na kasi 'tong story na 'to sa isip ko. Eh kapag ganun, tinatamad naman akong isulat. Pero itatry ko pa rin. Despite the busy schedule dahil college student na po ako at bonggang hirap maging bio. 

Here's the update. More kilig moments muna for now. Gusto ko kayong paiyakin or kahit mainis man lang kayo sa updates soon eh, hahaha. Love you, bebe! :*

__________________________________________________________________________

Mabilis lang din lumipas ang mga araw. Akalain mong finals na namin next week? Kaya super busy na naman sa pagpasa ng iba’t ibang requirements. Nakakastress.


"Cadbury, labas tayo mamaya. Sakit na ng ulo ko kakaaral." Text ni Trick. Wag kayong magtaka sa Cadbury. Malakas lang ang trip nitong si Trick dahil chocolate nga daw kami pareho.

"Sunduin mo ko, Hersheys? Or magkikita na lang tayo?" Syempre chocolate din ang itatawag ko sa kanya. Para fair.

"Sunduin kita, bebs. Wag na nga tayong chocolate, baka di na talaga tayo pumuti. Haha. 1hr, andyan na ko." Reply naman ni Trick. Loko, ang daming alam eh.

Yun nga, diretso naman kami sa mall pagkasundo sa akin ni Trick.

"Bakit di mo sinama si Chacha, bebs?" Tanong ko kay Trick.

"Eh isa pang babantayan yun eh. Baka imbis na marelax braincells ko, ma-damage lalo." Reklamo naman niya. Halata talagang stressed sa pag-aaral eh, samantalang ako rin naman stressed na.


"Matagal ka ng may brain damage, bebs." Pang-asar ko naman kay Trick.

"Weh? Kaya pala.." Pambitin naman niyang sabi.

"Ano na naman. Kaya pala ano?" Nanghahamon kong tanong.


"Kaya pala..

 


baliw na baliw ako sa’yo.' Sagot niya sabay taas ng dalawang kilay na parang nang-aasar.

Broken Arrow Season Two: BAND AIDWhere stories live. Discover now