Chapter III - Beyond the Border

6.4K 258 19
                                    


Chapter III – Beyond the Border

Hindi matahimik ang loob ko. Hanggang ngayon ay naiisip ko pa rin ang nangyari sa restricted room ng library. Kahit saan ako magpunta ay parang naka-record na ang conversation na narinig ko nang buksan ko ang libro. Para bang nakatatak na ito sa isipan ko.

Napabuntong hininga ako habang pinapanuod ko sina Mommy at Daddy sa bulwagan ng palasyo. They are talking to the head council.

May alam kaya sila tungkol sa babaeng nagngangalang Calliope? Hindi naman siguro magiging Hari at Reyna ang parents namin kung wala silang alam, 'di ba?

Kung ganoon, may chance na malaman ko ang tungkol sa sumpa pero kailangan ko munang maging reyna? I'm not even ready yet! To be a queen, a crown princess must get married from a vampire that they have chosen.

"You seemed bothered."

Hindi na ako lumingon para malaman kung sino ang nagsalita.

"Maybe if we were in good terms, baka sabihin ko sa'yo kung bakit," I said feigning a beam.

"Why not? We're sisters anyway,"

Tiningnan ko siya at napalingon din siya sa akin. I gave her a bored looked that earned me a wide smile from her.

"Ewan ko sa'yo, Prea," napapailing kong sabi.

"I am trying to be nice to you, Ate! Why don't you return the favor?" she said grinning.

"Utang na loob ko pa pala sa'yo ang pagiging mabait mo sa akin, ganoon?" I said with sarcasm.

"Of course! Dahil kahit asar na asar ako sa existence mo, ginagawa ko pa rin ang lahat para pigilan ang sarili ko na gamitin sa'yo ang kapangyarihan ko!"

Hearing those words from my own sister that I used to love and treasure hurt me so much. We may fight and argue pero hindi ko siya kayang pagsalitaan ng masama or even gave her an empty threat. Pero si Prea, hindi man lang siya nangingiming pagsalitaan ako ng masama. Ganoon kalaki ang galit niya sa akin.

***

"Ate, Raia! Ate Raia!"

"Oh, Praise, bakit?"

"Chiro is missing! I saw it flew away pero hindi ko na siya masundan!"

Chiro is my sister's pet. It was a bat that our grandfather Zull gave her. It was originally mine pero ibinigay ko iyon sa kaniya because Chiro is very fond of her. It can transform itself from a little boy in the morning and bat in the evening. Hindi naman siya hybrid na mammal at mortal. It was just his ability as a royal bat.

"Ate, hanapin mo naman si Chiro, oh? 'Di ba you can track him naman? Please, ate?" nanunubig ang mga mata ni Praise. I just gave her a beam as I brushed my fingers on her cheeks.

"I will find Chiro, don't worry," I said assuring her.

"Thank you, Ate!" masayang sambit ni Praise sa akin.

Mag-isa kong hinanap si Chiro. Kapag umaalis siya ay hindi siya lumalayo sa palasyo. Madalas ay sa sanga ng kahoy siya tumatambay. Kapag nag-aanyong bata naman siya ay kadalasang tulog siya sa loob ng silid ni Praise. What could be the reason for him to fly away?

Inikot ko ang downtown. Madilim pa kaya sigurado ako na gising si Chiro. At hindi naman niya ugali ang lumayo. He was too scared to do that.

Nakalabas akong downtown at nakarating akong open road.

Open road is a long road without ending. No one dares to enter that road dahil wala itong katapusan. Hindi ko alam kung may charm ba ang daan na iyon o talagang ganoon na siya.

Vampire City: The Curse (New Bloodline)Where stories live. Discover now