Chapter V [I know... unti unti na :D]

92.5K 1.6K 246
                                    

"Oy, di pa kayo tapos?" atat kong tanong sa kanila habang nahiga sa ibabaw ng mesa. Pahaba kasi ang mesa namin, bale isang malaking mesa para sa iisang row ng estudyante.

"Konti nalang, matatapos na kami Mei." Sagot naman ni Ashley na halatang minamadali na ang pagsagot ng activity na binigay ni Sir. Lalaki ‘yang si Ashley a.

"Loko pala kayo e! May klase pa si Sir tas pinaghihintay nyo pa! Bilisan nyo nga." 

  

Lumingon ako sa lalaking Geek na nakaupo sa harap. Nakatingin sya sakin kanina pero yumuko din kaagad nang mapansin tumitig ako sa kanya.

Nakitaaaa ko ‘yon. Yieeeh, kinikilig naman ako~! 

"Oo na. Wag ka ng maingay. Last part nalang teh." Sabi naman ni Cyl na syang partner ni Ashley sa activity na ‘to.

Sumilip ako sa ginagawa nila ng partner nya at nasa last part na nga sila. Umakyat ako sa ibabaw ng mesa at ginawang stepping stone ang mga mesa papunta sa teacher's table.

At si Geek, ayun, nakaharap na naman sa libro. “Sir, di ka pa ba late sa next class mo?" tanong ko habang nakatitig sa kanya.

Umiling lang sya na di iinaalis ang tingin sa libro na binabasa nya.

"Talaga? Pero six minutes late ka na o. Baka mabawasan sweldo mo nyan." sabi ko matapos i-check ang oras.

Umiling pa rin sya bilang sagot.

"Aaay! Alam ko na. May ilang minutes allowance kayo no?" tanong ko sabay kislap ng mga mata ko.

And for the third time... UMILING LANG SYA. Worst, the whole time na umiiling sya ay nakatuon lang  ang mga tingin nya sa libro.

"Ikaw Sir ha! Hindi mo ko pinapansin. Alam mo naman kung ano ang mga pwede kong gawin." Pabulong lang yan para di marinig nila Cyl ang pagbabanta ko. Hahaha. "Bakit the whole session, di ka naimik? Bad trip ka ba?"

At umiling lang sya ulit. Ano ba problema nya? Ganoon ba sya ka-bad trip na pati manliligaw nya ayaw nyang kausapin?

"Ano ba. May sakit ka ba?!" Naaasar kong tanong at aakma na sana akong hahawakan yung noo nya… nang mahawakan nya ang kamay ko.

He just stared at me. No sign of anger or even annoyance. At ramdam ko mukhang mainit yata kamay nya?

"Tapos na!" napalingon ako kina Cyl. Iwinagayway pa nya ang papel habang nakangiti pang parang nanalo lang sa lotto.

Binitawan din ako ni Sir at tumayo. Matapos maipasa ang papel sa kanya, umalis na sya agad.

Ni bye nga sa manliligaw nya, WALA. Tss.

**

"Tumaba ka naman Mei! Ang laki ng kain mo, di ka man lang tumaba kahit konti!" 

"Oo nga teh! Bakit nga ba? Ganon lang talaga figure nyo?"

I'm courting my geek Professor [PUBLISHED BY VIVA PSICOM]Where stories live. Discover now