MARAHUYO

2.4K 103 28
                                    

Hey, guys! Alam ko nagpromise ako ng new story, and yes, I'm almost done with the first chapter... but for now, I want to share this one-shot that I wrote last week. MEDYO iba ung style ng writing nito compared sa 2 stories na ginawa ko. 'Cause this was actually supposed to be a script. Kasi sort of binalak kong sumali dun sa Encantadia fanfic film contest, kaso narealize ko na mahirap gawin. Costume, props, set design, tapos maghahanap pa ng mga willing gumanap. So... wag nalang. HAHAHA!

Anyway, wala po akong alam sa mga susunod na magaganap sa Encantadia ha. Puro katopakan ko lang 'tong kwento na 'to. Wild imagination kumbaga. Haha. And heads up, pure tagalog 'to. But I hope you'll enjoy this one as well. Happy reading!


_______________________________________________________




ENCANTADIA


Kasama na ngayon nila Amihan at Danaya ang kanilang kapatid na si Pirena sa bagong kuta. Nagawa na nilang tanggapin muli ito dahil nakita nila mismo kung paano ito sinaktan ng sariling ama. Umabot na sa puntong kinailangan na nilang iligtas ito. Hindi man naging maganda at madali ang kanilang mga pinagdaanan, unti-unti nilang ibinabalik ang tiwala kay Pirena sapagkat kapatid parin nila ito. Magkakadugo parin sila.

Tanggap ng panganay na Sang'gre ang trabahong kailangan niya pang gawin para muli talagang matanggap ng kaniyang mga kapatid. Subalit ngayon ay may mas matindi silang suliranin na dapat pagtuunan ng pansin.

Kasalukuyan nang sinasakop nila Hagorn at Lilasari ang buong Encantadia. Noong isang araw lamang ay nakarating ang balita sa mga Sang'gre na si Lilasari na ang nakaupo sa trono bilang bagong Reyna.




Wala pang nagagawang plano ang mga tagapangalaga ng mga brilyante kung paano ang susunod nilang hakbang, ay nabulabog na sila nang lumusob ang napakaraming mga Hathor sa kanilang kuta. Kasama pa ng mga ito ang dalawang namumuno sa Encantadia, pati narin ang ibang taksil na mga kawal ng Lireo.

Sumugod ang mga kaaway, dahilan para magkaroon na ng digmaan. Nilabanan sila ng mga Sang'gre at lahat ng kanilang mga kasama gamit ang mga sandata. Hindi ito naging madali dahil napakarami ng mga kalabang sunod-sunod na dumadating. Parang hindi sila nauubos.



AQUIL
Paopao! Bakit hindi ka pa lumalaki? Kailangan namin ang iyong tulong!



Iyon ang natatarantang sabi ng Mashna habang nakikipagdigmaan at nakitang nagtatago si Paopao sa likod ng isang puno kasama ang pinunong Imaw.



PAOPAO
Kuya Aquil, hindi ko po magawang lumaki. Ayaw gumana ng brilyante ko.



Hindi na muling nakapagsalita ang Mashna at tinulungan na lamang ang mga Sang'gre. Lahat sila ay hirap na sa pakikipaglaban. Marami nang napaslang sa kanilang mga kasamahan, pati narin sila ay nakatamo ng maraming malalalim na sugat.

Nang magkaroon ng pagkakataon si Amihan na tignan ang kaniyang mga kasama, nalaman niyang hindi na nila ito kakayanin. Kaya nagdesisyon siyang ilabas na ang kaniyang brilyante. Subalit laking gulat niya nang hindi niya ito magamit kahit anong pagpupumilit ang kaniyang gawin.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 02, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

MARAHUYO (One-Shot Enca Story)Where stories live. Discover now