Kabanata 47

1.1M 29.6K 16.1K
                                    

Kabanata 47

Malunggay

Lumabas ako sa fitting room at naabutan si Hector na nakasandal sa counter at ganun parin ka badtrip ang mukha.

Nilingon ko agad si RJ na tumatawa pa habang pinapanood ang mga modelo na nag re rehearse pa.

"RJ!" Sigaw ko nang naramdaman ang paghakbang ni Hector papunta sakin.

Nagtungo ako sa kinauupuan ni RJ. Hindi ko na alam kung sinundan ba ako ni Hector o ano...

"RJ." Tumingala si RJ sakin.

"Nasan si Brandon?" Tanong ko. "Papahatid sana ako."

"Ha? Umuwi na. Nagmamadali yun kanina. Pupunta dawng Tagaytay."

"What?" Ngumiwi ako. "Anong meron sa Tagaytay?"

Nagkibit balikat siya at tumayo. "Ako na maghahatid sayo." Ani RJ.

"Hindi na. Ako na." Narinig ko ang malamig na boses ni Hector sa likod.

Nilingon ko siya at nginiwian.

"Tayo na, Chesca." Malamig niyang ulit.

Nang nilingon ko si RJ ay nagkibit balikat na lang siya. "Alright. Di na ako makikipagtalo. Mamaya hahandusay ako sa sahig."

"Tsss!" Umirap ako at dumiretso sa labas ng nakahalukipkip.

Hindi pa natatanggal ang make up ko at badtrip na naman ako kasi ayan na naman si Hector. Ang sarap niya talagang bigwasan. Kahit kailan panira. Iritado ako sa kanya lalo na pag naaalala ko lahat noon. Ganitong ganito kasi talaga siya. Masugid kung mag habol pero konting pagkakamali ko lang, makakatanggap ulit ako ng maanghang na salita galing sa kanya! Ang gusto lang ata nito ay ang paghahabol, eh. Ano kaya kung subukan kong lumandi sa iba? Subukan kong magkamali? Tingnan natin kung pagsasabihan niya ulit ako ng masama.

"Bilisan mo, ah? Ginugutom ako." Maarte kong sinabi habang naghihintay na mabuksan ang sasakyan niya.

Nagulat ako nang pinagbuksan niya ako ng pintuan. Hinintay niya pa akong makapasok bago isara iyon. Pwes, gagamitin kita. Iyon naman ang tingin mo sakin diba?

Nakabusangot parin ang mukha niya habang inaayos ang seatbelt.

"Ano? Bakit galit ka parin? Naiinis ka ba kasi nag pahatid ako sayo? Pwede naman akong mag taxi." Sabi ko.

Binalingan niya ako.

"O galit ka kasi nagtataray ako? Pwede naman akong umalis nang matahimik ka. Hindi naman kita inuutusan na ihatid mo ako, ah?"

"Hindi mo ba ako kilala, Chesca? Ba't ako magagalit sayo dahil nagtataray ka, e, yun nga dahilan kung bakit ako nagkakandarapa sayo, diba?"

Kinagat ko ang labi ko at nag iwas ng tingin.

SHIT! Tama na, please. Hindi ko kayang marinig ang mga ganyan.

"O edi, go! Ihatid mo na ako kung wala kang problema!" Umirap ako sa kawalan.

"May problema ako." Aniya.

End This War (Alegria Boys #3) (Published under MPress)Where stories live. Discover now