Last Chapter

34 0 0
                                    

Pagkatapos ng pangyayari na yon, lahat ng mayroon samin ni Kim, maski ang friendship ay isang nakaraan na lang.

Limang buwan na rin ang lumipas pagkatapos mangyari ang lahat, masayang masaya ako ngayon sa taong nakapagpabago sa akin. He made me realize na para talaga ako sa isang TUNAY na lalaki at hindi sa FEELING lalaki.

Si Kim?!?

Eto, ayaw parin akong tantanan. Pipilitin nya daw na bumalik ang dati sa lahat. Makulit sya, ayaw nyang tanggapin na sa ibang tao na ako sumasaya at hindi na sa kanya.

Si Mae?!?

Wala na akong balita sa kanya at wala na rin kong pakielam sa kanila ni Kim. Ang mahalaga ay masaya ako ngayon sa taong alam kong di ako LOLOKOHIN. 

"Allysa, bigyan mo naman ako ng isa pang chance para mapatunayan ko sayo na mahal na mahal kita. Lahat gagawin ko Allysa, lahat gagawin ko."

"Lahat?!"

"Oo Allysa! Lahat gagawin para sa'yo."

"Tantanan mo na ako Kim. Wala ka ng maibabalik pa. Masaya na ako, okay?!!"

Mahal parin daw nya ako, pero wala na talaga akong nararamdaman sa kanya eh. Oo, nasasaktan ko na sya pero kasalanan ko ba kung bumukas ulit ang puso ko para sa iba at di para sa kanya, kasalanan ko ba na sa iba na ako sumaya at di na sa kanya.

KASALANAN KO BA?

Kasalanan ko ba?Where stories live. Discover now