Chapter Seventeen: Turkey Bacon and Eggs Coffee

288K 6.4K 143
                                    


"Morning, ma'am Aurora!"

"Good morning, Misha! You look like you're in a happy mood."

Napangiti si Samantha sa kanyang narinig. She's not in a happy mood, she's trying to be happy. Sa dami ng problema niya ay wala na siyang ibang alam gawin kundi ang ngumiti.

"Turkey bacon and eggs with Kale and apple smoothie," ang sagot niya at isa-isang inilapag sa table ang pagkain ni Aurora.

"Hmmm. It smells really good," ang sagot ni Aurora at nagsimula nang kumain.

Magtatanong sana si Samantha tungkol sa sinabi nina Adrian at Victoria sa kanya ngunit naunahan na siya ni Aurora.

"Did you talk to Adrian and Victoria?"

"Opo. Kinausap nila ako kahapon," sagot niya. "Sigurado po ba kayo?"

Tumawa si Aurora sa naging tanong niya. Hindi naman alam ni Samantha kung ano ang nakakatawa.

"I got tired of Adrian bugging me about it kaya't pumayag na ako. At isa pa tatlong araw ka lang namang mawawala."

Nang hindi siya nagsalita ay tinitigan siya nito.

"Bakit? Ayaw mo ba?"

Umiling siya.

"Hindi naman po sa ganoon. Nagtataka lang po ako kung bakit po kayo pumayag. Noong una po kasi ay hindi ninyo pinayagan si Adrian."

"I'm not doing this for my son. I'm doing this for you, Misha. I've seen how hard you work. You deserve a break. I'm sure you'll like Adrian's resort."

Napangiti siya. Tama si Aurora. Kailangan niya nga ng break. Siguro ay dapat muna siyang magpakalayo-layo para makapag-isip. Hindi niya alam kung anong gagawin kay Miles. She just hopes na hindi pa ito nakarating sa Pilipinas.

"Thank you po, ma'am," ang sagot niya. "Magbibilin na lang po ako sa mga katulong. Maghahanda po ako ng madaling iluto kapag nakaalis na ako."

"Don't worry about it, Misha. Nakayanan ko naman noong hindi ka pa dumating sa mansion. Just enjoy your stay sa resort."

**

"Misha! Misha!"

Kabibihis lang ni Misha nang makarinig siya ng kumakatok sa pintuan ng kwarto niya. Katatapos niya lang maligo dahil pawis na pawis siya mula yoga.

Nang buksan niya ang pintuan ay nakita niya si Patrick. Parang nag-aalala ang mukha nito.

"O, Pat! Ba't nandito ka?" Nalilito niyang tanong. Hindi kasi ito pinapayagan ni Aurora na pumunta sa second floor ng mansion. Bigla tuloy siyang kinabahan. Ano kayang kailangan nito sa kanya?

"Alam kong mapapagalitan ako ni ma'am Aurora kapag nalaman niyang pumanhik ako dito sa second floor," natataranta nitong tanong.

Tama nga ito. Bakit hindi kasi ito tumawag ng katulong?

"Ano bang nangyari? Ba't ka bumalik? Nasaan si ma'am Aurora?" Sunud-sunod niyang tanong dito. Lumabas siya nang kwarto at isinarado ang pintuan. "Sa baba nga tayo mag-usap. Ayokong mapagalitan ka."

Nauna siyang lumakad ay sumunod naman ito sa kanya.

"May ipinakuha si ma'am sa akin. Pabalik na sana ako sa hotel nang may nakita ako sa labas," sabi nito nang pababa na sila ng hagdan.

"Ha? Anong nakita mo?" Nalilito niyang tanong.

Biglang lumapit sa kanya si Patrick at bumulong.

The President's Son [PUBLISHED under POP FICTION]Where stories live. Discover now