Limang Beses

46 0 0
                                    

"Bes! Late na tayo sa klase ni Ms. Rovina!" sigaw sakin ng bestfriend kong si Francine habang tumatakbo siya papalapit sakin. Nasa locker ako nung mga oras na iyon, inaayos ko yung brushes, painting pens, color pencils at yung mga canvas pati sketchpad ko.

"Sige tara na! Siguradong badtrip nanaman sa'tin si Ma'am" sabi ko kay Francine at kumaripas na kami ng takbo papunta sa room ng klase namin

Bago ko pa makalimutan, ako nga pala si Kiesha Imogen, 18 years old, isang BFA student at painting ang major ko, dean's lister at isang karaniwang babae na pamilya at pag-aaral lang ang priority sa buhay. Pero, kahit masunurin at masipag akong anak (medyo lang, kaya pagbigyan niyo na ako please!) syempre gusto ko parin maranasan ang mainlove 'no! Parang masaya kaya tsaka para naman makaranas ako ng ibang feeling sa buhay ko. Although pwede naman akong mag-boyfriend at magka-lovelife, wala lang talaga naglalakas-loob na lumapit at manligaw sa'kin so anong magagawa ko diba? Alangan namang ako yun manligaw 'no? Tsaka wala rin naman akong liligawan since hindi ko pa talaga nakikita at nahahanap yun lalakeng ideal type ko at bagay sa'kin. Minsan nga napapaisip ako, kailan kaya siya darating? Kailan ko kaya makikilala si Mister right at yung icing sa ibabaw ng cupcake ko? Hanggang kailan kaya ako maghihintay? Paparating na kaya siya? Kapag ba nahanap ko siya, hindi niya ako iiwan?

Ang haba ng intro ko para sa sarili ko 'no? Balik tayo dun sa pagtakbo namin ni Francine papunta sa room ng professor namin since late na nga kami sa klase niya.

Nakarating kami sa klase ni Ms. Rovina at oo, beastmode siya at galit sa'min kasi late ulet kami.

"Ms. Imogen and Ms. Riguoa! You're 20 minutes late! Wala talaga kayong patawad!" Sigaw niya sa'min habang nakayuko lang kaming dalawa ni Francine.

"Dahil palagi kayong maaga at on time sa klase ko, bibigyan ko kayo ng parusa para naman magtanda kayong dalawa"

Biglang lumaki yun mga mata ko at di na ako nahiyang magtanong "Ma'am? A-Anong parusa po y-yun?" ngumiti lang siya in a very sarcastic way.

"You will submit 20 different artworks with different subjects and meaning. I will give you the freedom to choose on what materials you should use, basta dapat 20 pieces ang inyong magagawa. Your deadline is on Monday and today is Friday, so I'm giving you today, Saturday and Sunday to finish your task"

Napanganga kami ni Francine kasi sobrang hirap nun. Ang hirap kaya magisip ng subject tapos dalawang araw lang and 20 pieces pa! Duguan talaga; "Don't worry ladies, magkakaron kayo ng merits sa finals IF, magugustuhan ko ang piece niyo" Pahabol ni Ms. Rovina.

"Y-Yes po ma'am" Sagot namin at umupo na kami sa seats namin, then pinagpatuloy niya na yung discussion niya.

Pagkatapos ng huling klase ko, nagmadali na akong umuwi para agad agad kong matapos yun mga artworks. Marami pa kasi akong gagawin , marami pa akong paperworks at narrative na tatapusin, dumagdag pa yung piece na pinapagawa sa'min ni Ms. Rovina, grabe nakakastress.

"Sige pa, Kiesha. Kaya mo yan, kulay pa, drawing pa, konting stroke na lang tapos na, kaya mo yan, sige pa, go self!"

Yan yun mga salitang sinasabi ko sa sarili ko habang tinatapos yun mga dapat kong tapusin na piece at sa awa ng Diyos, nakatapos na ako ng 14 pieces, anim na artwork na lang at may isa nang out sa to-do-list ko, yes! Pero sa sobrang stress at busy ko hindi ko namalayan yun oras, 6 am na pala at di ako nakatulog sa kakagawa, kakadrawing, kakakulay at kakapaint.

"Matulog kaya muna ako? Tutal anim na lang naman eh, pagkagising ko na lang tapusin. Pagod na ako. Tuyong tuyo na utak ko. Siguro kailangan ko nang magpahinga" Humiga ako sa kama at huminga ng malalim hanggang sa nakatulog na ako ng tuluyan. Ang sarap sa pakiramdam, sobra.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 09, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Limang BesesWhere stories live. Discover now