MasteR. 05

13.7K 457 7
                                    

[S]hane

Humakbang ako paatras at mabilis na nagtago sa likod ng pader kung saan hindi nila ako madaling makikita. Bawat halinghing at ungol nila ay rinig na rinig ko. Hangos na halos malagutan na ng hininga.

"F*ck! You bit my lower lip." napapikit ako sa biglang pagsalita ng babae. Napangiti ako. Ganon ba siya kaadik makipaghalikan na halos kagatin niya na ang labi nito? Kung ganito ang ugali niya hindi ko alam na talaga alam ang gagawin ko.

"Sorry." narinig ko ang bawat yabag nila na papalapit sa kinatataguan ko. Nasilayan ko ang mga labi nila na magkadikit. Marahas na tinanggal ng lalaki ang butones ng blouse ng kahalikan niya. Dahan-dahan naman ang paglapat ng likod nito sa pangmahabaang sofa at walang sawa pa rin sa paghahalikan.

Hindi ko na kaya pang panuorin 'to. Ulit. Unti-unti ang paghakbang ko paatras upang hindi nila mapansin ang presensya ko. Sa kasamaang-palad ay natabig ko ang vase na nakapatong sa mesa na malapit sa akin.

'Oh my..' bulalas ko sa isip ko habang dahan-dahang ibinaling ang tingin sa kanilang dalawa. Dalawang pares ng mata ang nakatitig sa akin. Nagtataka. Galit.

'Ang tanga mo talaga Shanny. Pati ba naman vase nasagi mo pa.'

"You!" duro nito.

"S-sir."

I'm totally dead. Please. Kill me. Bakit ba kasi pinanuod ko pa sila sa private thing na ginagawa nila? Dapat sa simula pa lang umalis na ako at natulog na lang sa kung saan. Remember. Wala pa akong kwarto.

Umalis ang babae na hindi nagpapaalam. Binangga pa nito ang balikat ko at nagpatuloy sa paglalakad.

Ngayon. Ngayong kami na lang dalawa ang nandito sa malaking mansyon na 'to. Balot ng dilim at tanging ilaw lamang sa labas ang nagsisilbing liwanag sa kinaroroonan namin.

Unti-unti siyang humakbang papalapit sa akin. Tulad kagabi. Yung tingin niyang mistulang mangangain ang isang lobo at handang sunggaban ang kanyang biktima. Naramdaman ko ang lamig ng pader na kinapapatungan ng likod ko. Pinagitnaan niya ako gamit ang dalawang braso niya.

"Alam mo ba ang ginawa mo?" hindi ako makasagot. Sa tono ng boses niya, halatang nagpipigil lamang siya ng galit. He gritted his teeth. "Ba't di ka makasagot? Natatakot ka?" nanginig at nanlamig ang buo kong katawan nang ilapat niya ang daliri niya sa labi ko. Nakakapanuyo ng lalamunan. Nahihirapan akong huminga.

"Binitin mo ako- at dahil yun sayo." bahagya akong napanganga sa dahan-dahan niyang pagbaba ng daliri niya.

Anong nagyayari sa akin? Nanginginig na naman ang katawan ko. Naghihina ang tuhod ko na kahit anumang oras ay pwede akong bumigay.

Inilapit niya ang bibig niya sa harap ng ilong ko. Amoy na amoy ko ang amoy mint at alak na hininga niya. Sobrang lapit nito. Isang maling galaw ko lang ay pwedeng maglapat ang ilong at labi niya or worst pwede pang maglapat ang mga labi namin.

Nakatitig pa rin siya sa mata ko habang ganun pa rin ang aming posisyon. Walang nagtatangkang magsalita. Maging siya. Sa sobrang tahimik ng lugar. Rinig na rinig ko ang kabadong kabog ng dibdib ko.

Nagitla ako sa pagsalita niya. "Don't you ever do this again. Dahil kapag nagkataon, hindi malayong ikaw ang paparausan ko." tumindig ang balahibo ko sa sinabi niya. Mas lalong nanghina ang tuhod ko at tuluyang dumaosdos pababa. Napaupo ako sa sahig habang siya naman ay nakaluhod sa harap ko. He carress my cheek with his right hand. "You fag."

Iniwan niya akong naluluha gamit ang salitang yun. Hindi ko napigilang hindi mapahikbi.

Tumigil siya sa paglalakad. "Stop crying." napatingala at napatingin ako sa kanya. Nakatalikod siya sa akin. "Ayoko sa lahat ang may naririnig na umiiyak." at nagpatuloy na siya sa paglalakad. Pinunasan ko ang luha kong nagbabadya na namang tumakas sa mga mata ko. Peste naman kasi e.

Mr. Master || Gonzalo Series #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon