Chapter 1.

4.6K 84 5
                                    

6:00 AM.

Normal na sa akin na magising ng gantong oras. ewan ko ba.

"Blythe! Bumangon kana dyan" rinig kong tawag sa akin ni Daddy.

"Opo, saglit lang" sagot ko naman sa kanya.

pababa na sana ako ng marinig ko sila Daddy at si Austin na nag uusap.

"Daddy, what if papasukin na kaya natin si Ate sa school?"

"Naisip ko na rin yan Austin, pero na trauma ang Ate mo. Baka hanggang ngayon hindi pa nya kayang makipag halubilo sa mga ibang tao."

"Pero Dad pa--"

Hindi na natuloy ni Austin yung sasabihin nya dahil sapat na ang lahat ng narinig kong pinaguusapan nila para makisali ako.

"Daddy ayoko. Ayokong pumasok sa school. ayoko na, sawa na akong mahusgahan ng tao."

"Kahit na dad. kahit anong sabihin mo ayoko parin. hindi nyo mababago yung isip ko"

umakyat nalang ako ulet sa kwarto ko, nawalan na ako ng gana kumain nung nalaman kong gusto nila ako pumasok sa school. nakakainis, bakit hindi nila ako maintindihan. siguro dahil hindi naman nila nararansan yung nararansan ko kaya madali lang para sa kanila lahat ng ito.

makikipag usap nalang ako sa mga kaibigan ko, meron kasing nauuso na "The Ugly Duckling Club" kaya naisipan kong sumali. di rin naman nila ako makikilala eh.

Camille Yap is Online, You can chat her.

"Hi bestie"

"Hello Blythe, Kamusta kana?"

"Uhm, ayokong magsinungaling sayo. kaya sasabihin kong hindi ako okey."

"Omg, what happened?"

"Kasi sila dad eh, pinipilit nila akong pumasok sa school. diba alam mo naman ang sitwasyon ko? nung simula nung mangyare ang lahat ng yun Home Study nalang ako hanggang ngayon."

"Oo alam ko yun Blythe, may point din sila. what if yun din yung paraan para mawala yung trauma mo diba?"

"Oo nga gusto kong pumasok sa School para makakilala ng mga bagong tao."

"Yun naman pala eh, kung ano sa tingin mo ang tama edi dun ka. masaya pumasok sa school Blythe. trust me."

"Sige bes, thankyou ah? pag iisipan ko muna. hirap talaga ng sitwasyon ko eh"

"Sige blythe. bye na muna ah? gagawa pa kasi ako ng Assignment"

"Sige bes, Byeee"

"Byeee."

Chat Conversation End.

Gusto kong marasan magkaroon ng bagong kaibigan...

sa tingin ko tama sila daddy. kailangan ko ng pumasok ulit sa school at tigilan ang pag ho-home study.

may desisyon na ako.

PAPASOK NA AKO SA SCHOOL!!!!

*Knock Knock*

"Pasok"

"Ate Blythe, dinalhan kita ng Breakfast. di ka naman kasi kumain kanina eh"

"Austin... nakapag desisyon na ako"

"Huh? what do you mean?"

"Nakapag desisyon na ako.... na papasok na ako ulet sa School"

"T-talaga? wow. i thought di na magbabago isip mo eh"

"napag isip isip kasi ako na kelangan ko rin makipag hulubilo sa mga ibang tao"

"Tama yan Ate Blythe, wag ka mag-alala kapag may umaway sa'yo sa school, ako kakalaban sa kanila. ako bahala sayo"

"hay nako Austin, sige na. Kakain na muna ako, thankyou ah?"

"Youre welcome. sige sabihin ko lang kay daddy na nagbago na ang isip mo"

"Okeyy"

di ko alam kung bakit nakakaramdam ako ng pagka excited at pag katakot. pero sana naman kapag pumasok na ako ulet sa school maging mapayapa naman ako dun.

------------------------------------------------------------------------------------

-Bæ 💕

Ugly Duckling Where stories live. Discover now