**Epilogue**

15.7K 436 34
                                    


Ms. M POV

Bigla nalang nagliwanag ang katawan ni Ally. Kasabay nun bigla din umilaw ang katawan ni Ronaldo.

"HINDI MAAARI HINDDIIIIII!!!!!" sigaw nito bago sya tuluyang balutin ng nakasisilaw na liwanag.

Lahat ng mga white charmer na namatay ay muling nabuhay kasama si Ronald.

Napatingin silang lahat sa itaas dahil bumagsak ang katawan ni Ally bago pa man ito tuluyang bumagsak sa lupa ay sinalo na sya ni Fyrone na halos mapaluhod pa dahil sa panghihina..

"Ally! Gumising ka pls sabi mo hindi mo ako iiwan nangako ally gumising ka pls!" Nag mamakaawang sabi ni Fyrone habang yakap ng mahigpit si Ally...

Nagsilapit din ang iba pang Royalties kasama ang mga iba pang hari at reyna pati si HM at ang iba pang profs.

"Mahal na mahal kita Ally kaya sana gumising ka na wag mo akong iiwan hindi ko kaya" bulong ni Fyrone habang patuloy lang ang pag agos ng luha nito.

"A-ally gumising ka nga dyan!! Diba sabi ko naman sayo magiging maid pa ako sa kasal mo!!" Umiiyak na sabi ni Joy.

"Oo nga kami din. Tapos ninang ako sa magiging anak nyo!" Dagdag pa ni Windy habang nakayakap sakanya si William na pinipigilang maluha...

Nagulat ang lahat dahil biglang may lalaking lumitaw sakanilang harapan. Kulay puti ang buhok nito at gold ang kanyang mga mata.

Puros puti din ang suot nitong tuxedo.

"Natutulog lang si Ally magigising din sya yun nga lang sa matagal na panahon pa! Kaya mo bang maghintay binata??" Tanong nito habang seryosong nakatingin kay Fyrone na nakaluhod parin yakap yakap ang natutulog na si Ally..

Sunod sunod na tango ang isinagot ni Fyrone.

"Magaling sige antayin nyo nalang ang paggising nya!" Nakangiting sabi nya tapos unti unti na syang naglaho..

"H-hindi n-na ako mak-makahinga oy" nagulat silang lahat nung magsalita si Ally.

"Ally buhay ka omyghoood!!" Masayang masayang sigaw ni joy na lalo pang naiyak. Naiyak silang lahat hindi dahil sa sakit o lungkot dahil sa sobrang kasiyahan...

-----

"Kiss the bride" anunsyo ng pari. Agad agad na itinaas ni Fyrone ang belo ni Ally at siniil ito ng halik. Nagpalakpakan naman ang mga white charmer na nakidalo sa kasal nila..

Nakasuot si Ally ng mahabang puting gown samantalng si Fyrone naman ay Itim na tuxedo.

"Yuhooooo mabuhay ang bagong kasal!!!!" Sigaw pa nila..

Ally POV

Ngayon masasabi kung ito na ang pinakamasayang nagyari sa buong buhay ko...

Sayang nga lang at wala na ang mga guardian ko hindi tuloy sila nakadalo sa kasal ko. Hindi bali magkikita kita din naman ang mga iyon pati si Akemi. Tanging pangalan lang ang natatandaan nila wala ng iba. Nasa mortal world sila at hinahanap ang kanilang sarili....

Sa buhay madaming problema ang dadating. Kaya manatili kalang na malakas at masaya. Ngitian mo lang ang mga problema at malalampasan mo din.

At pag umibig ka naman kailangan handa kang masaktan.

Masaya ako at tinapos nyo pa ang kwento ko kahit sobrang gulo at pangit ng takbo. Pero heto kayo binabasa parin ang huling salita ko.

Maraming salamat sana nag enjoy ka sa pagbabasa ng aking storya. Sunod ko sayong ikekwento ang buhay ng mga guardian kung paano sila magtatagpo tagpo maging ang mate nila...

NAPAKASAYA KO KUNG ALAM MO LANG😊😊😊😊😊

*********

Thankyou po sa pagbabasa ng storing ito. I dudugtong ko na dito ang kwento ng mga guardian at mate nila. Dahil maikli lang naman.

Sana suppurtahan nyo pa ang iba kung story. Thankyou sa mga nag vovote nag aadd ng storing ito sa reading list nila at sa private library. Okay lang kahit yung mga silent readers atlis may nagbabasa diba.

Masayang masaya po talaga ako. Maraming maraming SALAMAT PO sainyo....

End....

Mystica Academy 1 "The Lost Princess"Where stories live. Discover now