38

44.4K 939 143
                                    


CHAPTER THIRTY-EIGHT

She's the wife.


Ala una na ng madaling araw, hindi pa rin umuuwi si Ressler. Nag-aalala na ako.

Ganito ba siya lagi? Sa tagal naming hindi nag-usap at sa tagal naming puro away lang, wala na akong alam sa lahat ng nangyayari sa buhay niya. Sinilip ko sa kwarto si Ram na mahimbing nang natutulog. Halatang na-miss niya ang kuwarto niya.

Bumalik ako sa kwarto ko at sinubukan kong tawagan si Ressler. It just kept on ringing. He's not answering my calls.

Sino ba talagang kasama niya? May babae ba siya?

Sa sobrang pag-aalala ko, ang dami nang pumasok sa isip ko.

Pakiramdam ko ay may babae siya. 'Yong inasta niya no'ng kukunin ko ang phone niya ay kulang na lang itulak niya ko para lang 'wag kong mahawakan ang phone niya. Napabuntong-hininga ako at paulit-ulit na naglakad paikot dito sa kuwarto.

Nang makapagdesisyon ako, agad kong tinawagan si Zild. Alam ko pagod 'yon sa trabaho at natutulog na, pero sana sagutin niya.

Nang tawagan ko siya ng apat na beses, sa wakas ay sinagot niya na.

"Mmm?" he asked, his voice was husky.

"I'm sorry to interrupt your sleep, Zild. Pero ikaw lang ang alam kong puwede kong mapagtanungan."

"Wait, are you alright? Where are you? What happened?" nag-aalalang tanong niya. Halatang biglang nawala ang antok niya.

"Nasa bahay pa ko. Tatanong ko lang sana sa 'yo kung alam mo kung saan madalas 'yong company dinner ng Planning department ng company niyo? Kasi kasama ka rin sa Planning, 'di ba? Lumabas kasi kanina si Ress may company dinner daw 'yong mga architect at mga engineer. May idea ka ba kung s—"

"Hey, calm down. Okay? God, Tam. You should be sleeping by now. Bawal kang mapuyat, 'di ba?" He paused, letting out a long sigh, he added, "Hintayin mo ko, pupuntahan kita."

Nagsuot ako ng sweater dahil umuulan sa labas. Bumaba ako sa sala at panay pa rin ang pag-ikot ko.

Maya-maya lang ay dumating na si Zild kaya agad akong nakahinga ng maluwag. He's still in his pajamas. Halatang nagmadali siyang pumunta dito. Ni hindi na nga siya nag-abalang magpalit ng suot.

"Thank you for coming, Zild."

He nodded and lifted his head to glance upstairs.

"Is it okay to leave Ram at this hour?" he asked, hesitation is written all over his face.

"It's fine. He's already sleeping. I-lock na lang natin mabuti 'yong bahay."

Kahit ayaw ko talagang iwan si Ram mag-isa, wala naman akong choice. Hindi ko na rin kasi talaga alam ang gagawin ko.

Agad na nangilid ang luha sa mga mata ko.

"Hey, hey. What happened?" nag-aalalang tanong niya saka niya pinunasan ang luha sa pisngi ko.

"I . . . I don't know. I really don't know. That's why I called you. I want to know something."

On our way to find Ressler, I told him what happened. Mabuti na lang alam ni Zild kung saan lagi nagdi-dinner sila Ressler kapag may company dinner sila.

Magkasama kasi sila ni Ressler sa trabaho pero magkaiba sila ng team.

Nang makarating kami sa Yvo Chill and Grill, nag-park si Zild sa may gilid at saka kami sabay na lumabas ng sasakyan niya.

"Are you sure this is the right place?" I asked, hesitating to go inside because I'm scared of seeing something I shouldn't see.

He nodded and led the way. Nang makapasok kami sa loob, pinagmasdan ko ang mga tao. Halatang puro mga negosyante at mga matataas na tao ang mga nandito. Nakasuot kasi sila ng corporate uniform at ang iba naman ay halatang mamahalin ang mga suot. May kanya-kanya silang pinag-uusapan bawat grupo.

"They're from Ressler's department," Zild said, looking at those people on the center.

Hinanap agad ng mata ko si Ressler pero wala siya.

Natigilan ako nang makita ko ang isang pamilyar na mukha na nandoon rin at nakikipagtawanan sa mga kasama niya.

Diego Gazino?

Bakit kasama nila si Diego?

"He's from the company you're working at, right? The guy who helped you when you—"

"Yes. He's Diego Gazino," agad kong sagot kay Zild. Nang magtama ang mga mata namin ni Diego, agad niyang itinaas ang kamay niya at binati ako. Tumayo siya at tinawag ako kaya agad kaming lumapit sa kanila ni Zild.

"Guys, this is Architect Morris," Diego introduced me to them.

Agad ko siyang siniko at binulungan. "Why are you with them? This is their company dinner. Sa 'min ka nagtatrabaho. Baliw ka ba, Gazino?"

Agad siyang tumawa ng mahina. "Chill, Morris. The head engineer of their department is my brother," nakangiting sabi niya. "He invited me over. And besides, kakilala ko naman rin silang lahat dito. Lagi akong napapasyal sa kanila," he explained.

"Morris? Ressler's ex-wife?" biglang sabi no'ng isang babaeng mukhang mas matanda lamang sa 'kin ng limang taon.

Agad akong natigilan.

Ex-wife?

"She's still a Morris. She's not an ex-wife. She's the wife," Zild intruded, emphasizing the last word.

Thank God, he spoke on my behalf. Hindi ko kasi talaga alam ang sasabihin ko.

"Oh! Ressler's your husband?" gulat na tanong ni Gazino. "I didn't know he's a Morris," hindi makapaniwalang sabi niya.

Ignorante kasi 'tong si Gazino. Madaming nakakasama at nakakasalamuha pero madalas hindi niya talaga sila kilala. I mean, kilala niya sila sa pangalan, pero bukod doon wala na.

"If you're looking for your husband, he's obviously not here," biglang sabi no'ng matandang lalaki. Halatang mataas ang posisyon niya.

"Where is he?" I asked, finally finding my voice to speak.

"He left an hour ago with Architect Morales," sagot niya.

Architect Morales?

Babae ba 'yon? O lalaki?

"She was too drunk. Kaya hinatid na ni Ressler pauwi."

Agad akong natigilan. Parang sirang plaka na nagpaulit-ulit sa pandinig ko ang sinabi niya.

Hinatid siya ni Ressler?

Sino siya sa buhay ni Ressler para ihatid pa niya?


_____

Tiana: Ops. Sino naman 'yon? Haha. Anyway, add/follow me on Facebook, Tiana Vianne Isidoro  :)

Smile For Me, ResslerWhere stories live. Discover now