32-YAKAPSULE

58.4K 820 136
                                    

JANiNE'S POV: 

Graduation ko ngayon. Di ba ang bilis bilis lang ng dalawang taon? Hindi ko alam pero hindi naman ako excited para sa ceremony mamaya, mas excited ako kung darating ba sya o hindi. Kahit wala naman syang sinabi na misming pagkagraduate ko sya dadating, umaasa pa din ako na ngayon yung araw ng pagbabalik nya. 

Kasi ito naman talaga yung pinakahihintay namin ang grumaduate ako. Pero malapit ng magsimula ang program wala pa din kahit anino ni ETHAN JACOB. 

Baka nakalimutan na din naman nya yung pinag usapan namin. Dalawang taon JANiNE. Baka nga may nahanap na syang ipapalit nya sayo. Ayaw ko sanang magpaka EMO ngayon kasi baka mahalata nina mama at papa ayaw ko naman na mag alala sila sa akin saka gusto masaya sila kasi para din naman sa kanila to. 

Pinilit kong maging masaya sa buong program pero natapos at natapos yun ng wala yung taong inaasahan ko. Ang totoo ETHAN ako lang ba ang excited sa araw na to? Pagdating namin sa bahay kahiy may kaunting salo salo dumiretso muna ako sa kwarto at dun ako umiyak.

Parang lahat ng emosyon na inipon ko sa dalawang taon ngayon ko lang inilabas, kasi dati pinipili ko na hindi maging malungkot kasi alam ko babalik sya,, na babalikan nya ako. Tapos ngayon yung araw na inaasahan ko na babalik sya pero binigo nya ako. Ayaw ko na. Ayaw ko ng masaktan ng sobra sobra. Tama ETHAN. TAMA NA!!! 

"Janine may bisita ka" 

"sige kuya joseph.. bababa na ako" 

Bisita? Huwag ka munang mag assume na SYA yun Janine. Baka dugo na talaga ang iluha mo. Pero hindi ko din mapigilang isipin na sya nga yun. Dali dali ko lang inayos ang sarili ko tas bumaba na ako. Nasa may garden daw yung bisita ko. Kaya naman dali dali akong pumunta dun. 

TAYO NA LANG (Published under Pop Fiction) Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora