Wattpad Original
There are 3 more free parts

Chapter 02: Girlfriends

77.6K 2.3K 558
                                    


***

Dumistansiya sa 'kin si Jacob dahil sa nangyari. Dati, iniiwasan niya lang na maiwan kaming dalawa sa mga closed rooms o 'yong dadalawa lang kami sa bahay nila o bahay namin.

Nitong mga sumunod, kahit titig at ngiti ko, iniiwasan na rin niya. Kapag nangapitbahay ako sa kanila para pauwiin si Kuya sa pagtambay, kay Kuya lang siya nakatingin. Kapag pinahahatiran sila ni Mama ng ulam sa gabi, sa mga mas batang kapatid niya ipinapaabot. Lalong hindi na siya sumisilip sa tree house sa bakuran kapag alam niyang nando'n kami nina Yanyan at Mimi.

Sa school, sina Kuya at Ivan na lang ang dumadaan sa classroom tuwing uwian. Naghihintay na lang siya sa van.

Ang pinakamalala, sunod-sunod siyang nagka-girlfriend pagkatapos niyon. 'Yong iilang mga babaeng kaklase nila sa Engineering, naging girlfriends niya. Ang pinakamatagal niyang relationship, almost one month. Ang pinakamabilis, less than a week. Hindi ko maintindihan kung defense mechanism ba 'yon para makalimutan agad si Maureen o ano.

Tapos tuwing Sabado, nagdudusa akong makita siyang may ka-date. 'Yong practice hall ng theater arts ng high school department, malapit sa pinakamalaking park at food hub ng university. May klase sila tuwing Sabado nina Kuya at Ivan. Lagi kong nakikita na may nakakabit sa kanyang babae. Kapag naman tapos na ang practice namin sa teatro at nagkayayaan kami nina Yanyan at Mi sa ice cream parlor sa malapit, tumitiyempong nando'n din siya at kung sinuman ang ka-date niya. Parang...

"Nananadya yata 'to si Jacob. Dito na naman nagdala ng babae. Ang dami-daming puwedeng kainan," komento ni Yanyan. Nakasimangot siya habang panay ang tuktok ng kutsara niya sa serving ng ice cream.

Nilingon ko sina Jacob at... Wineth (kung tama ang tanda ko). Nasa tawid-kalye na pasta place lang sila. Magkaharap. Nagngingitian.

Ilang araw lang kaya tatagalan ni Jacob 'to?

Maganda naman 'yong babae pero baka dahil may make-up lang. Ahit na ahit ang kilay.

Nahaplos ko ang kilay ko. Makalat 'yon kahit may natural line naman. Binabawalan pa 'ko nina Mama mag-ahit. Next year na lang daw 'pag nag-fourth year high school na kami.

Naka-mini skirt din si Wineth.

Napahawak naman tuloy ako sa short ko. Mas sexy ba ang naka-skirt? Pero ang alam ko, ayaw ni Jacob sa maiikling damit. Kapag ako, ayaw niya, eh. Bakit sa iba, okay lang?

" 'Yan, titig na titig ka pa talaga," sabi sa 'kin ni Mimi at mahina akong binangga sa tagiliran. "Tapos mamaya niyan, tahimik ka na at nakasimangot."

Tumungo ako sa ice cream ko. Ngumuso.

"Bakit kasi late tayo ipinanganak, 'no?" sabi ko sa kanila. "Kung two years earlier tayo ipinanganak, eh 'di sana, freshmen na tayo sa university. Mas malapit tayo kina Jacob. Mas nakaka-interact natin sila sa mga activities. Bihira ko na nga siya makita ngayon sa compoud dahil ang dami nilang projects, 'pag nakikita ko pa siya, laging may ka-date."

Nagusot lang lalo ang mukha ni Yanyan. "Hindi naman sure kung may magbabago kapag ipinanganak tayo two years earlier. Mahirap sa finances namin 'yon kung sabay-sabay kaming nasa college. Hirap na ngang patapusin si Kuya. Saka, ano'ng mapapala mo sa interaction kasama nila eh spitting distance na nga lang 'yong mga bahay n'yo, naiiwasan ka pa rin."

"Bakit ba kasi 'yan umiiwas? Sabihin mo kasi sa 'min," sunod ni Mi. "May nangyari ba?"

Sumubo ako ng ice cream at hinayaang kumalat sa bibig ko ang flavor ng chocolate. Sumulyap ako kay Jacob at sandaling nagtama ang mata namin. Nalunok ko bigla ang nasa bibig ko. Binasa ko rin ang labi ko.

Kiss You (Candy Stories #1) (Published by Anvil Bliss)Where stories live. Discover now