Chapter 24: Poison

241K 12.3K 1.3K
                                    

Chapter 24: Poison

Landon was silent. Derecho ang kanyang tingin sa daan. Mahigpit ang hawak niya sa manibela. Every now and then, I could hear a curse from him.

I was sitting on the passenger's seat, covered with the metallic stench of blood. Nanginginig parin ang aking mga kamay at nanghihina ang aking katawan.

Huminto ang sasakyan sa tapat ng apartment. Kinapa ko ang seatbelt upang alisin ito. But being through hell a few hours ago made me a little disoriented. Lumapit sa akin si Landon at inabot ang clutch ng seatbelt sa aking tabi.

"Clean yourself up and stay in your room," he said before I completely step out of his car. "Be sure to lock your doors."

Tumango lamang ako. I'm tired. Gusto ko ng magpahinga. Iniwan ko si Landon sa kanyang sasakyan. Pumasok ako sa apartment at naglinis ng aking sarili.

But no matter how hard I scrub my skin until it bleed, the smell of the blood from the incident lingered on me. Not on my skin, but on my head. The hellic scene kept taunting me. I can't seemed to clear it out of my head.

Lumabas ako sa banyo at nagbihis. Pagsilip ko sa bintana nandoon parin ang sasakyan ni Landon sa tapat ng apartment. What is he doing? Bakit hindi pa siya umaalis?

--

Hindi ko alam kung ano'ng oras umalis si Landon. Pag gising ko kinabukasan wala na ang sasakyan niya sa tapat ng apartment. Bumangon ako na bahagya masama ang pakiramdam. Mabigat at nanghihina ang aking katawan gawa ng pagod.

Nagluto ako ng aking almusal. Today is my day off at balak kong bumisita kay Elyse sa hospital.

Matapos kumain ay nag handa ako sa pag alis. Nang pababa na ako ng hagdan bumalot sa akin ang kakaibang sakit. The pain only lasted a few seconds. Pero sapat na ito para sandali akong mapahawak sa hagdan at pumikit upang pakalmahin ang biglaang mabilis na tibok ng aking dibdib.

When the pain subsided, kumurap ako upang ibalik sa focus ang aking paligid. Ano ang nangyari?

Noong mga oras na yon, ang tanging nasa isip ko na maaaring dahilan nito ay pagod. Madaming nangyari nitong mga nakaraang araw. It's taking a toll in my body.

Pagdating ko sa hospital, dumerecho ako sa kwarto ni Elyse. Pagpasok ko agad kong napansin na may kakaiba sa kwarto. Wala na ang mga gamit na kadalasan ay nakapatong kung saan saan, mga bags sa sofa, mga pinagkainan sa sink. Hinawi ko ang kurtina kung nasaan ang kama ni Elyse.

Napa-atras ako nang makitang wala siya dito. Where is she? Tumakbo ako palabas ng kwarto at naghanap ng maaaring mapagtanungan sa nangyayari. Isang nurse ang aking nasalubong sa hallway.

"Nasaan ang pasyente sa room 64?" Tanong ko.

"She's undergoing check up para mailipat siya sa ibang hospital."

"Mailipat?" Nagtatakang tanong ko.

"Hindi ba kaibigan ka niya? Hindi ba nasabi sayo ng kanyang mga magulang na balak nilang ipagamot siya sa ibang bansa?"

Ibang bansa? Hindi. Hindi siya gagaling doon. I'm under a blood contract because it's what makes her okay. Hindi siya maaaring umalis.

"Kailan siya ililipat?"

"Inaayos na nila ang kanyang paglabas. I think next week maaari na nilang dalhin ang pasyente."

Umiling ako. Hindi nila ito maaaring gawin. Tinanong ko sa nurse kung nasa hospital ang mga magulang ni Elyse. Kailangan ko silang makausap. Kahit konti pa. Matatapos na ang contract. Dito muna siya.

The Devil's TrapWhere stories live. Discover now