XXI.

151K 5.2K 2K
                                    

Gemma

"Bebe Harold I miss you too!"

"Pakyu."

"Later bebe Harold."

Napaungol ako dahil sa ingay sa labas. Nandito ako ngayon sa guest room. Nagpumilit kasi ako kagabi kaysa naman doon na naman ako sa kwarto ni Nicca.

Naghilamos at nagtoothbrush muna ako bago ako lumabas at naabutan ko si Hector at Harold na kumakain ng cereal sa kusina.

"Baby Gemma good morning!" Yayakapin niya sana ako kaso may nagsalita sa likuran namin.

"Who called her baby?"

"Patay kang gago ka."

Napalingon kami kay Luc na kakatapos lang mag shower at nakasuot ng itim na sweats at puting t-shirt kung saan bakat na bakat yung abs niya. Napaiwas agad ako ng tingin.

"And the two of you, what are you doing inside my house?"

"Makiki kain sana-"

"Kinamusta lang po namin si Gemma." Tumingin sa akin si Harold. Bakit ako?

"Diba?"

"Ha? O-oo?"

"Mauna na kami boss." Aangal pa sana si Hector kaso mabilis na tinakpan ni Harold ang bibig niya saka ito kinaladkad palabas. Ngayon, kaming dalawa na lang ni Luc ang naiwan dito sa kusina.

Tumikhim muna ako. "Coffee?" Hindi ako nakatingin sa kanya. "Sure."

Nagtimpla ako ng kape at isang tea. I'm guessing he likes black coffee because it suits his personality at hindi nga ako nagkakamali. Hindi niya ibinuga yung itinimpla ko. Phew.

Gumawa ako ng dalawang avocado ham sandwhich at ibinigay sa kanya yung isa. Well, this is awkward. Tahimik kaming pareho habang kumakain. Pagkatapos ay naghugas ako ng pinggan habang nasa salas siya.

Naririnig ko pa kung paano niya sinisigawan yung nasa kabilang linya. Nagpanggap nalang ako na hindi ako nakikinig sa usapan nila nang pumasok siya bigla dito sa kusina.

I gasp. Bakit wala siyang suot na pang itaas?!

"Come with me."

Napakunot noo ako. The fact that he is shirtless at inaaya niya ako....oh my god.

"B-Bakit?"

"I'll make you sweat." He said in a bored tone.

Make me sweat? Napatawa ako ng pilit habang iniisip kung anong ibig niya sabihin. Baka naman---g-g-gagawin na namin?!

"Ayoko!"

Binigyan niya ako ng nagtatakang tingin.

"Why? Makakatulong 'to sayo." Paano makakatulong y-y-yung basta yun!

"A-Ayoko pa rin."

"What are you thinking?"

Nagsimula akong pagpawisan.

"H-Ha?"

Lumapit siya bigla sa akin kaya dahan dahan akong umatras hanggang sa tumama yung bewang ko sa may sink. Bago pa man ako makaalis ay inilagay na niya agad yung kamay niya sa magkabila ko.

"You are blushing." I can feel his body heat kaya mas lalo akong namula. I need air! I tried pushing him but he caught my hands. "What are you thinking?"

"Wala!"

He smirked.

Inilapit niya sa akin yung mukha niya kaya napapikit ako. Tumatama na sa labi ko yung hininga niya. "Remove your clothes." Oh crap! Hindi ako makahinga! I'm still a virgin! Pero nagulat ako dahil bigla siyang tumawa ng mahina. "And change into your work out gear. Meet me at the gym after." Yun lang at bigla siyang nawala. Napabukas agad ako ng mata at malakas na napamura. That was so embarrasing! Ano ba 'tong pinag iisip ko? Ugh!

Married to UnknownWhere stories live. Discover now